ALISW 2: Chapter 11

74 6 2
                                    

A Life In Star World 2

Chapter 11

"Ano? Kung ganun si Alexandra na inofferan ko na maging PA mo is iisa lang? Dahil yung PA mo ngayon eh siya nga talaga? Akalain mo nga naman, pero paano Xander?" Kausap ko ngayon si manager ko, nandito ako ngayon sa bahay nila. 

At ayun kinuwento ko sa kanya yung totoong pangyayari dahil si Sungit iniba ang version sa pamilya niya. "Bakit mo naman ginawa kay Alexandra yon?" Tanong ni Manager sa akin. 

"Eh sa yun na lang kasi naisip ko eh. Pero effective naman diba? Ang galing ko ring umarte na magnanakaw. Ang hindi niya alam ako at yung magnanakaw eh iisa lang" Ang weirdo ng naisip kong plano na yon pero yun lang talaga naisip ko eh. Ayos na rin yun. 

"Sira ka talaga. Ikaw ah pakitunguhan mo ng maayos yun si Alexandra" 

"Ginagawa ko naman eh kaso yung babae na yun sobrang sungit! Alam ba nun na ngumiti? Tumawa? Eh lagi akong sinusungitan eh tapos kahapon bigla akong iniwan kaya ayun pumunta na lang ako sa bahay para makilala ko na rin pamilya niya. Kasi para makilala nila ako, na amo niya" 

"Pakisamahan mo na lang maayos yun. Kasi alam mo si Alexandra mabait yun matulungin kaya nga nag nurse yon eh. Mabuting anak sa pamilya nila. Medyo nagtataka rin ako sa sinabi mo na masungit. Baka naman sa iyo lang" 

"Sa akin lang? Bakit naman? Eh lahat nga ng mga babae pati lalaki tinitilian ako tapos siya sinusungitan lang ako" Natawa naman si Manager AJ.

"Hay nako. Basta yun ang pagkakakilala ko sa kanya. Ewan ko ba sa babaeng yun alam mo kasi hindi ko malaman ang dahilan kung bakit ayaw niya sa artista. Baka malay mo may masama siyang experience sa isang artista so yun umayaw na siya sa pagkahilig sa inyo" Naalala ko naman yung sinabi ng mama niya kagabi. Sino naman ang artistang yun kung saka-sakali?

"4 months mo siyang makakasama Xander kung sinusungitan ka kaya mo ba?" Napalunok ako sa tanong na yon ah. Eh wala naman akong choice eh. Siya lang naman yung babaeng may ayaw sa akin kaya wala namang problema don. Di siya fangirls tulad ng iba. 

"O-oo naman noh! Pinapasahod ko siya noh" 

"Magkano?"

"30K"

"Kaya naman pala pumayag. Oh siya-siya umalis ka na at may date kami ng asawa ko ngayon" 

"Sige ingat kayo Manager AJ, bye!" At ayun lumabas na ako. Yung asawa kasi niya nasa kwarto nila at nagpapaganda na para sa lakad nila. 

.

.

.

.

.

.

Bilang isang artista, nakakapagod talaga. Interview dito, interview doon. Shooting kung saan-saan hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa rin. Tapos pagka-uwi trabaho agad. Hay, nakakapagod pero gusto ko naman yun dahil isang araw sisikat na rin ako maging sa ibang bansa. 

Yun ang pangarap ko ang maging sikat na artista maging sa ibang bansa. Parang si Kuya Michael Johnson, sikat na rin siya pati sa ibang bansa and I want to become like him in the near future. Bata pa naman kasi ako eh siya matured na mas matanda sa akin kaya mas more experienced siya sa akin.

"It's been three years simula ng naging kayo ni Nathalie hindi ka ba makapaniwala sa bagay na iyon Xander? I mean, sa loveteam kasi na nagkakatuluyan minsan mabilis lang pero kayo tatlong taon na. Anong masasabi mo dun?" Andito ako ngayon sa mismong pinag-interviewhan din ni Nathan, ako naman ang nasa hot seat. 

A Life In Star World 2: The Superstar And The NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon