ALISW 2: Chapter 10

69 6 2
                                    

A Life In Star World 2

Chapter 10

Calling Xeira......

Nakakainis bakit hindi sumasagot ang babaeng iyon? Pano ba naman kasi pagkatapos ko dun sa Game Show na pinaglaruan ko wala na siya dun sa Dressing Room. Iniwan ata ako. Ay hindi lang pala ata iniwan talaga ako. 

Magbabawas ako ng 10K sa ginawa niya eh. 

Kung ayaw niyang sumagot ite-text ko na lang siya. 

To: Xeira

Asan ka ba ha? Bakit bigla mo akong iniwan? Dahil diyan 10K ang ibabawas ko sa sahod mo, kainis ka!

Maiintindihan ko sana kung biglang sumakit ang tiyan niya, ulo niya o whatever pero yung bigla siyang aalis ng walang pasabi yun ang hindi ko maiintindihan. 

Mahanap nga muna baka mamaya kasi nainip na maghintay kaya naglibot muna rito. Malaki rin kasi tong Building so naisip ko baka naligaw, medyo tanaga pa naman iyon. 

"Xeira asan ka n- Sorry!" Pano habang hinahanap ko kasi siya may nabunggo ako at pagtingin ko. "Kuya Michael?! Uy kamusta?" Napalaki ang ngiti ko ng makita ko siya. Actually si Kuya Michael Johnson ang isa sa hinahangaan kong artista. 

"Uhm Xander ikaw pala" 

"Akala ko nag-leave ka ng ilang months, anong ginagawa mo rito?" 

"Ayos naman na ako kaya back to work na ulit ako" 

"Ganun ba? Mabuti naman kung ganun kuya" 

Bukod kasi sa Good Looking itong si Kuya Michael mabait pa. Nakakapagtaka nga lang kung bakit wala pa siyang Girlfriend. Parang si Nathan din ito masyadong hinahanap ang perpektong babae para sa kanila. 

At oo nga pala nung medyo bata-bata pa si Nathalie at siya naging magka loveteam rin sila pero di nagtagal mas nagustuhan ng tao ang pair up namin dalawa ni Nathalie so turns out naging kami. Meron pa ngang rumor na naging sila o whatsoever pero nung tinanong ko si Nathalie hindi naman daw totoo iyon. 

"Kamusta na pala kayo ni Nathalie? Going strong?" Bigla naman niyang naitanong, napangiti naman ako. Dapat nga nagtatampo pa ako sa babaeng iyon dahil hindi siya nakapunta sa Dinner Date namin dun sa Open Field pero ayos na rin sinabi naman niyang mahal niya ako eh kaya sapat na yun. 

"Oo naman kuya going strong talaga kasi mahal namin ang isa't-isa. And I hope na siya na yung babae na pakakasalan ko. This Saturday super excited na ako kasi magkakaroon kami ng Dinner together kasama ang mga magulang namin si Nathan kasama rin" Ewan ko ba kung bakit ko nasabi yun. Excited lang siguro talaga ako. 

"Ah ganun ba? Sige goodluck na lang ah?" 

"Goodluck?" 

"Goodluck kasi sa isang relasyon Xander minsan hindi mo rin masasabi kung kayo na talaga para sa isa't-isa. Malay mo may mas hihigit pa pala kesa sa kanya, merong mas may deserve diyan sa pag-ibig mo at siya naman nakatadhana na para sa isang lalaki na talagang para sa kanya" Hindi ko maintindihan kung bakit sinabi iyon ni Kuya Michael. Siguro may pinagdadaanan sa pag-ibig ito. 

"Humuhugot ka Kuya Michael ah? Ayos ka lang ba?" 

"Actually no. Seeing my girl with the other guy. Ang sakit lang" 

"So meaning may napupusuan ka na? Sino?" 

"Malalaman mo rin in the future at alam kong malapit na yon. Hindi ko hahayaan na mapunta siya sa ibang lalaki dahil akin lang dapat siya at ako naman talaga ang mahal niya" Tinap ko naman sa shoulder si Kuya Michael sabay sabing......

A Life In Star World 2: The Superstar And The NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon