ALISW 2: Chapter 19

110 5 3
                                    

A Life In Star World 2

Chapter 19

-Alexandra Xeira Point of View-

"Mhmmm....Mhmmm" Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko na lamang ang aking sarili na nakahiga sa isang kama. Teka, nasa villa na ulit ako? At nasa kwarto naming tatlo nina Janna at Jhone?

Napabangon naman ako. Pano ako napunta dito?

Anong nangyari?

Sa pagkakaalala ko......

-Flashback-

"O-oy! A-anong g-ginagawa m-mo h-ha?!"

"Parehas tayong nilalamig, kaya kailangan natin ng init ng isa't-isa. Kailangan natin tong gawin"

"Ano?! Ano bang ibig mong sabihin diyan ha?!" Kinabahan ako ng unti-unti siyang lumapit sa akin at naupo sa tabi ko habang ako ay sobrang nangangatog na sa lamig.

Gusto ko sana siyang itulak, batukan o ano pero di ko na magawa. Sobra na akong nilalamig ngunit ng bigla niya akong yakapin nakaramdam ako ng init kahit papaano. Hindi init na kung saan, kundi init na nakakatulong sa akin upang hindi na ako masyadong mangatog.

"Wag kang mag-isip ng kung ano Sungit. Ginagawa ko lang toh kasi baka mamaya niyan mamatay ka na sa sobrang lamig" Siguro nga parehas naming kailangan na gawin iyon. Pero syempre kahit papano nakaramdam ako ng pagka-ilang sa Asungot na toh.

"B-bakit naman a-ako mag-iisip ng ganun?"

"Knowing you? Hay nako. Pero I feel great, we feel great. Pero mas maiinitan ako kung maghuhubad ka din"

"Ano?!" Babatukan ko na sana siya kahit nanginginig ako.

"Joke lang biro lang. Wala akong pagnanasa sa iyo ano"

Di ko alam kung ilang oras kami na nakaganun basta ang alam ko na lang nakatulog na ako.

.

.

.

.

.

.

Kinabukasan paggising ko lalabas na sana ako sa maliit na kuwebang iyon at mukhang maganda na ang panahon dahil sa maaraw na. Ngunit biglang pumangit ng makita ko ang sarili ko na nakayakap pa rin sa Asungot na toh.

Kaya naman agad ako na kumalas na sa kanya. Akala niya ata unan niya ako kasi yung pagkakayakap niya sa akin ay magkabilang braso pa at nakadantay ulo niya sa balikat ko.

Hindi naman siya nagising ng medyo itulak ko siya. Lumabas naman na ako at napatingin sa paligid. Kung kagabi takot na takot ako, ngayon hindi na. Ang aliwalas ng paligid para sa akin kahit na puro puno.

Napatingin ako kay Asungot, lumapit ako sa kanya.

"Huy Asungot gising na! Huy!" Kinakalabit ko siya pero ayaw niyang magising.

"Gising na! Iiwan kita dito sige!" Kaso wala. Pero ng hawakan ko siya sa leeg ang init niya. Mas lalo ko siyang inalog-alog.

Pero maya-maya pa pakiramdam ko ay parang nahihilo ako. Nanlalabo ang mga paningin ko ng tignan ko ulit si Asungot hindi pa rin siya nagigising at naramdaman ko na lamang na napahiga na ako sa damuhan at nagdilim na ang paningin ko.

-End of Flashback-

Kaya ang tanong ko pano ako napunta dito?

"Oh gising ka na pala Xeira" Napatingin naman ako sa pintuan ng bigla itong bumukas. Sina Janna at Jhone lang pala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Life In Star World 2: The Superstar And The NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon