ALISW 2: Chapter 6

76 7 2
                                    

A Life In Star World 2

Chapter 6

Bumaba na kami ni Nathalie sa sasakyan ko at pumasok na sa kanilang malaking bahay. Mansion kumbaga. Gusto ko munang mag stop by sa kanila para makausap na rin si Nathan. 

Pero pagpasok namin wala siya dun sa living room na nanonood with matching kain ng popcorn. Baka nasa kwarto. 

"Nathalie, punta lang ako sa kwarto ni Nathan baka naandun siya" Tumango naman siya sabay diretso sa may kusina para uminom ng tubig. 

Wala sina Tita Kathryn at Tito Enrique. They spent some time together na silang dalawa lang kaya ayun naiwan sina Nathan at Nathalie rito. 

Pagdating ko sa tapat ng kwarto ni Nathan hindi na ako kumatok, hindi kasi uso sa akin iyon. Akala ko wala siya dun pero guess what? Andun naman siya pero nakatulala ang gago. Problema nito? Ni hindi niya nga napansin na nakapasok na pala ako at nakaupo na sa tabi niya. 

Tinignan ko muna ng ilang segundo ang mukha niya bago ako umimik. Inlove ata ang isang toh ah? Pero how come? Wala pa ngang nagiging Girlfriend toh eh. Torpe ata. 

"HUY!" Ginulat ko naman siya pero hindi siya nagulat, tinignan niya lang ako at bigla niya akong binato ng mini pillw niya. 

"Aray! Ang sakit nun ah?" Sabi ko naman sabay bato balik sa kanya nun. 

"Problema mo? Kita mo ng nagmo-moment yung tao eh" Tapos ayun balik nanaman siya sa pagtulala niya na nakangiti. 

"Oy alam mo para kang tanga diyan. Ano bang iniisip mo ha? Inlove ka na noh?" Bumalik ang tingin niya sa akin. 

"Pano mo nalaman? Este pano mo naman nasabi?" Di talaga magaling magsinungaling toh. 

"Eh sa ganyan din ako nung una kong makita si Nathalie eh. Pagka-uwi ko sa bahay sampa ako sa kama tas aalalahanin ko siya na nakatulala, ganun" 

"H-hindi ako inlove noh! Wala akong panahon dun" 

"Weh? Nathan naman para namang hindi mo ako bestfriend. Ano na? May nakita ka bang babae na tila nagpatibok diyan sa puso mo?" Nakita ko namang hinawakan niya ang dibdib niya kung saan located ang puso niya. 

"Tignan mo na inlove ka nga" Dagdag ko pa. 

"Tanga hindi! Hinawakan ko lang tsaka tanga ka ba ha?! Tumitibok naman talaga ang puso!" 

"Oo nga tumitibok ang puso pero iba ang tibok kapag nakita mo na yung babaeng mamahalin mo" Ewan ko ba sa iasng toh kung bakit wala pang Girlfriend, baka naman bading toh?

"O sige na nga pero may aaminin na muna ako" Ng maisip ko yun kasabay ng sinabi niyang yon, nanlaki mga mata ko. Kinabahan ako ng hawakan niya ang balikat ko sabay tingin sa akin ng kakaiba. 

Oh no, Nathan Bakla ka ba? Gusto mo ako?

"Xander gusto kong malaman mo na......." Huminga naman siya ng malalim. Bakit Nathan? Girlfriend ko kapatid mo pero bakit ako pa? 

Bakit hindi ko agad nahalata na bakla ka?

"Nathan please wag!" Tinabig ko yung kamay niya at tumayo ako papalayo sa kanya. 

"Huh? Ano?" Tila nagtaka siya. 

"Nathan alam mong mahal kita pero hindi na more than that kasi Bestfriend lang talaga tingin ko sayo tsaka isa pa Girlfriend ko kapatid mo, ano ka ba?!" Lumapit naman siya sa akin ng dahan-dahan. sa bawat paghakbang niya umaatras ako hanggang sa makorner niya ako sa pintuan. 

"Xander naman, alam mo namang mahal kita diba?" Grabe ba't ganun na tono ng boses niya? 

"Nathan, isa!" Bigla niyang hinawakan ang magkabilang braso ko at nilalapit na niya ang mukha niya. Napapikit na lamang ako. 

A Life In Star World 2: The Superstar And The NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon