ALISW 2: Chapter 14

64 6 1
                                    

A Life In Star World 2

Chapter 14

-Alexandra Xeira Point of View-

Kahit kailan talaga pahirap ang Asungot na ito. Buti na lang may tricycle na napadaan sa Riverside kaya agad ko itong pinara. Sinukahan pa nga ako nung inangat ko siya at isinaklay sa akin kaya sino namang hindi maiirita diba? Pero siguro kung sina Janna at Jhone baka kainin pa yung suka niya o ilagay sa plastic at itago bilang remembrance niya.

Habang nakasakay kami sa tricycle napapahilig ulo niya sa akin kaya tinutulak ko.

"Huy ano ba? Hindi ako unan ah? Bwiset" Sabi ko naman sa kanya. Hindi nahahalata ng driver na artista ito dahil sa sinuotan ko siya ng shades niya. Nakita ko lang naman sa may malaking bulsa ng jacket niya.

Pagdating namin dun pihadong tulog na sina mama. Yung ice cream ni tabachoy nakalimutan ko.

"Uhmm, gawa tayo baby para kambal na sila" Napa-irap naman ako. Kadiri naman ang isang toh. Hirap na hirap ako sa pag-akay sa kanya dahil syempre lalaki siya. Ayoko sanang gawin toh kasi boss ko siya kung iiwan ko siya dun baka magahasa siya ng fans niya. Baka kasi may mapadaan dun eh.

"Umayos ka nga! Ilalaglag na kita naiirita na ako sa iyo ha!" Sigaw ko naman sa kanya.

"Toh naman oh, ano bang postion gusto mo?" Dahil sa sinabi niyang yon tuluyan ko na siyang hinulog.

"Bastos ka! Bastos!" Sigaw ko sa kanya.

"Baby ko, ayos ka lang ba baby ko? Si mommy kasi nilaglag si daddy eh" Hinimas-himas pa niya ang tiyan niya.

Panginoon, bigyan niyo po ako ng napakalaking pasensiya para sa isang ito. Yung never ending na pasensiya po. Mukhang tumalab naman ang prayer ko kaya ayun inakay ko na siya ulit. Kung alam ko lang bahay niya dun ko siya itatapon kaso di ko naman alam. Kung itatanong ko hindi rin naman niya masasagot dahil nga lasing siya.

Naglatag ako sa sahig ng kumot at dun siya tinapon.

"A-aray" Ungol naman niya. Sinara ko na rin ang pinto.

"Aray ka diyan! Tiisin mo yung sakit ginusto mo yan eh" Sabi ko naman sa kanya. Asa siyang papalitan ko siya ng damit noh, neck-neck niya. Tsaka isa pa, dapat sarili ko asikasuhin ko dahil sinukahan niya ako.

Pagkatapos kong maligo mahimbing na siyang natutulog. Malawak na explanasyon nanaman ang kailangan kong gawin sa pamilya ko bukas. Makatulog na nga. 

.

.

.

.

.

.

Bumangon naman ako sa kama ko pero nanatili pa rin akong nakapikit. Grabe ang ganda ng panaginip ko pero ng may maalala ako dinilat ko ang aking mga mata at tumingin sa sahig. Mahimbing pa rin na natutulog ang Asungot. Grabe ang baho amoy suka.

Lumabas na ako sa kwarto at nakitang kong kumakain na sina mama, papa, Drake at Wacky. Pero lahat sila napatingin sa akin at sabay-sabay rin na nag-iwas ng tingin sa akin. Anong meron?

"Goodmorning" Bati ko naman sa kanila. Pero walang bumalik na bati sa akin. Kaya naman tahimik lang ako na kumain. Anong meron?

"Uhm ate, kamusta ka naman?"-Drake

"Ayos naman Drake"

"Wala bang masakit sa iyo ate?"-Drake

"wala naman"

"Anak meron ka bang hindi sinasabi sa amin?"-Mama

"Po? Sa pagkakaalam ko sinabi ko naman po sa inyo lahat"

A Life In Star World 2: The Superstar And The NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon