HELLO!!!!!! HAHAHA! UNTI UNTI NANG NABABAWASAN YUNG MGA GAWAIN NAMIN ^___^ TAPOS NAKITA KO
GAME NA PO XD
Pagkalabas ko ng bahay nila Ate Lyn, nakahinga ako ng maluwag. Ewan ko ba. Siguro dahil parang nasakal ako kanina doon sa loob lalo na nung inaapi ako ni Donna at Tita Judie. HUHUHU T_T. San nga ba ako pupunta ngayon? Ewan! Bahala na. Ayokong umuwi. Wala naman talaga si mama sa bahay. Nagpapalusot lang ako kay Vince. Nasasaktan lang ako pag kaharap ko siya. Wag nyo sana isiping ang OA ko ah? Feeling ko kasi tuloy tama yung sinabi ni Tita Judie na hindi naman talga ako mahal ni Vince. So ano? panakip butas talaga ganon?
Lakad dito, lakad doon. Wala akong mapuntahan haay!! Gusto ko na lang tumambay ng tumambay tapos mawalan ng malay mga ganon? Para makalimutan ko muna saglit yung nangyari.
Ayoko naman matulog sa bahay. Boring! Lalo lang ako malulungkot. Tama!! Si Maren! Kaso, wala akong cellphone number nya. Tss! Gusto ko pa namang magsorry sa kanya dahil di ko siya nasamahan! -.-! Ay! Tama! Puntahan ko na lang sa bahay nila. Teka natatandaan ko pa ba?
Sumakay ako ng trike. Kasi alangan naman lakarin ko e malayo dito yun. Bahala na. Pag nakita ko na yung bahay matatandaan ko naman siguro yun.
*Hanap**Hanap*
Eto ba? Hindi siguro. Haaay! San nga ba!!!
"Magandang hapon po, alam nyo po ba kung san yung bahay nila Tita Dolly Serrano?"- Aica
"Ayun, dun lang sa pulang bahay.."- Ale
Tinuro nya yung magandang pulang bahay. Mga 5 bahay mula sa kinatatayuan ko. Nagdoorbell ako. Baka nandito lang si Maren.
Bigla namang may lumabas na chinitong nilalang. Ay pogi!! XD
"Oh! Aica? Ba't nandito ka??"- Maren
"Ano kasi, gusto kong humingi ng sorry kasi di kita nasamahan. Pwede ka ba ngayon?"- Aica
"Eh baka magalit yung boyfriend mo? Alam ba nyang nandito ka? Saka okay lang naman sakin, Teka, umiyak kaba? Bakit?"- Maren
"Wal-wala lang to HEHE. Tara ano? pwede ka ba? Don't worry hindi sya magagalit. Alam naman nya na umalis nako. Tara na dali!! San ba tayo gagala?"- Aica
"San mo ba gusto? *smiles*"- Maren
"Kahit saan! Tara sa mall! Maglibang na lang tayo... Teka! Ililibre mo ba ako?"- Aica
"Libre? Wala akong sinabing ililibre kita ah!!"- Maren
"*pouts* Ay! Akala ko pa naman ililibre moko... Aalis na lang ako..."- Aica
"Oy! Joke lang! Haha! Nagpapacute ka nanaman! Cute ka na don't worry!! Tara na... Lilibre naman tlga kita. Gusto ko lang makitang nagpapacute ka! Di ka parin nagbabago gawain mo talaga yan kahit noon pa man eh! KAYA NAMISS KITA E!! *hugs aica*"- Maren
Jusko naman sa pagkamiss tong baklang to. Esteng lalaking to pala :))) Yung totoo? Haha! Gustong gusto nyang niyayakap ako. Ganun ba ako kalambot? XD Hayst. Kahit papano nakakalimutan ko yung sakit na nararamdaman ko kanina lang nung nasa bahay ako nila Vince. AY nako! Erase! Kakalimutan ko muna yun. This time bestfriend ko kasama ko.
"So ano? Kamusta ka naman? I mean, haha namiss nga kita di ba?"- Maren
"Halata ngang miss na miss moko no?" binatukan ko nga. Kinikilig talaga ako ehh. LOL! Buti pa sya napapasaya ako ngayon. Eh bakit si? HAYSCH NEVER MIND!!
