Kelan mo balak sabihin sa kanila, Angie?"
"Judie, hindi ko alam. Sa ngayon, galit sakin ang anak ko dahil nga pinagbabawalan ko sila ni Vince.. Tulungan moko"
"Promise, tutulungan kita. Ggawin natin lahat para maintindihan nila ang sitwasyon nilang dalawa. Hindi ko naman alam na sa sobrang liit ng mundo, paglalaruan pa tayo ng tadhana ng ganito"
"Bigyan mo pako ng panahon Judie, sasabihin ko din naman kay Aica lahat, pati kay Aaron para wala ng lihiman pa. Wag lang ngayon, di pako handa."
"*tumango-tango* Alam ko maiintindihan din nila lahat to sa tamang panahon.. *smiles*"
"Mukhang napakaseryoso ng pinag-usapan nyo ah?"- Aaron
"Ah. Hin-hindi masyado ko lang namiss tong kaibigan ko. *smiles* Akalain mo, sya pala nanay nitong napakaganda at napakabait na si Aica.. Iha, gusto ko sana ulit humingi ng tawad sa lahat.."- Judie
"Ayos lang po Tita *smiles*"
"Sige, Judie. It's nice seeing you again (smiles) magpapahinga na muna ako kung okay lang sayo"
"It's okay.. Rest well, Angie. *smiles*"
"Honey, may sakit ka ba? Ah, maiwan ko muna kayo dito. Aica kaw na bahala kay tita mo.. sundan ko lang Mama mo.. Judie.. *smiles*"- Aaron
"Sige, take care of her na Aaron.. pwede ko bang ayain lumabas tong anak mo?"- Judie
"Sure.. *smiles* Ingat kayo."- Aaron
"Tara na iha?"- Judie
"Sige po. Pero may work po ako ngayon eh. Baka naman po isipin nyo ina--"- Aica
"No. It's okay. Spend your time with me *smiles*"- Judie
"AHm sige po. Salamat."- Aica
Pumunta sila sa isang coffee shop malapit sa company ng mga Aguilar. Favorite coffee place ni Judie kahit noong nabubuhay pa man ang asawa nya na si Jason, ang daddy ni Vince. Ngayon na lang sya ulit nakabalik dito dahil nga ayaw na nyang maalala pa ang nakaraan. Ang nakaraan na halos dumurog sa puso nya pero dahil sa sobrang kabaitan nya, nagpakamartyr sya alang-alang sa mga anak nya. Kahit best friend pa nya ang trumaydor sa kanya, pinatawad nya ito. At ngayong nagkita na sila ulit at nakilala na nya ang isa pang tao na laman din ng nakaraan nila, bumabalik nanaman ang mga ala-ala na ito.