Inihatid na ni Vince si Aica sa kanila. Super tahimik nila habang nasa biyahe.
Pinagbuksan ni Vince si Aica ng pinto.
At ng makarating na sila sa may gate. Andun yung Mama at Papa ni Aica.
"Tito, Tita Sorry po. Pinilit ko po si Aica... Sorry po.. "
"It's okay iho. Pasok ka muna gusto mo?"- Aaron
"Ah, Hindi na po. SIge po..."
"Sige na iho pasok kana.. *smiles* Dito kana kumain ng dinner, ay nagdinner naba kayo?"
"Mama naman.. Uuwi na yung tao oh.. Akala ko ba? Tss. Dyan nanga kayo.."
Badtrip si Aica kaya naglakad nasya papunta sa kwarto nya.
"Ano bang nangyari iho?"
"Wal-wala po.. Tita, may tanong po ako.. Bakit po di nako natatandaan ni Aica?"
" *sigh* Pasensya kana pero dko masasagot yan anak.. Iho.. Pero sana gabayan mo si Aica... Alam ko mahirap pero talaga sigurong may mga bagay na imposible pero nangyayari parin.."
"Ano pong ibig nyong sabihin?"
"Ayokong magmula samin ang nangyari alam kong ayaw nya ipasabi kahit kanino kaya sana wag mo na lang isipin yon. Wag mo nalang syang pipilitin na maalala ka kasi baka lalo lang syang lumayo sayo..."
"AH nga pala babe.. (hahahahahahha) Sya nga pala yung sinasabi ko sayong anak ni Judie at Patrick.. Sya yung may ari ng kumpanya..."
Biglang napatingin si Angie kay Vince. Tinitigan nya ito hindi nya malaman kung ano yung nararamdaman nya..
"Al-alam ko, sya yung naging bo.. boyfriend ng anak ntin.. So si Vince na naging ex ng anak ko at si Vince na anak ni Judie at Patrick ay iisa. What a small world..Si--Sige na.,.. Baka gabihin kapa iho.. Pasensya kana.. Sige.. Ah Aaron papasok nako sa kwarto natin.. Bigla akong inantok.."
"Ano pong nangyari kay Tita?"
"Hindi ko din alam eh."
"Sige po tito. Una na po ako salamat po and sorry din talaga.."
"No worries. Ingat ka salamat.."
So, si Vince pala ang anak ni Patrick? Bakit ngayon ko lang to nalaman. Bakit?! Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Kung matutuwa ba ako o malulungkot o magagalit! Dapat ng lumayo ni Aica sa kanya para di nasya ulit masaktan pa. Dapat lang talaga hay! Ano ba to EWAN!- Angie
"Angie, ayos ka lang ba?"
"Ah.. oo ayos lang.. medyo inantok lang ako sige tulog na tyo."
"Sigurado ka?"
"Oo.. sige na matulog kana.."
"Okay goodnight.. *kiss sa forehead ni Angie*"
"Goodnight."
"Ate, napagalitan kaba? Grabe pag dating ko dirediretso ako kaagad dito hindi ako lumabas."
"Don't worry hindi.. Mukhang ang saya panga nila eh. Kainis"
"Bakit?"
"Ineexpect ko na magagalit sila dahil kasama ko si Vince pero hindi nagbago bigla mood nila."
"Alam mo nman pag matatanda na hahaha sige matulog kana.."
