Biglang may tumawag kay Jov. Mga ka-banda nya ata."Ohhhhh. Cris, I need to go. Guys. May biglaang gig kami. Sorry. Sorry. Cris, I'll call you later."- Jov
"Uhm. Sige. Ingat ka. "
At kiniss ni Jov si Cris sa noo. Sweet.
Nag-wave din sya samin.
"Guys! CR lang ako ah?"- paalam ko sa kanila.
"Sige, take your time. Beautiful bride. *chuckles*" - Nadine
Nag-ayos muna ako at ngumiti sa salamin bago lumabas. Kaso palabas na sana ako ng may bumunggo saking babaeng umiiyak.
Kaya napaupo sya sa sahig.Kaagad ko naman syang tinulungang tumayo.
"Sorry, miss. Okay ka lang? I'm sorry talaga."- Ako
"O-okay lang ako. *sniffs* Pasensya kana rin."- Siya
"Teka. If you don't mind. Why are you crying?"
Nanlaki naman yung mata ko sa nakita ko sa suot nyan palda. Puro dugo ito. Inisip ko na baka may dalaw lang sya at natagusan pero hindi, napakarami nito.
"Miss! Anong nangyayari sayo? Ok ka lang ba tlga? Dadalhin kita sa ospital."
"Hindi. Wag na. Ok lang ako. Ok lang tlga ako. Okay na na mamatay tong dinadala ko. Walang kwenta narin naman. Masaya kana. Masaya na kayong dalawa."
"Ha? Teka. Anong anong sinasabi mo? Dinadala mo? Buntis kaba? Masaya? Naguguluhan ako. Wait. Dyan ka lang. Dyan ka lang ha."
Kaagad akong lumabas ng cr para humingi ng tulong. Sinabi ko kaagad kela Dyllan at tinulungan naman nila ako.
Bago pa man makarating sa ospital nawalan ng malay yung babae kaya hindi ko na sya nakausap pa.
"Sino ba sya? Do you know her?" - Cris
"I don't. Pero nabunggo ko kasi sya sa loob ng cr kanina. She's crying and ayun napansin ko na may dugo sa suot nya."
"Baka naman natagusan lang sya?"- Dyllan
"No. Hindi ganun karami yun. And sabi nya, may dinadala raw sya? She's pregnant."- Ako
"Oh my. Don't tell me? Nagtangka sya na magpalaglag?"- Cris
"Malamang sa oo? Nakakatakot sya. Buti nalang nakita ko sya kaagad dun."- Ako
"Ahm. Excuse me? Kayo ba ang mga kaibigan ng pasyente?"- Doctor
"Kami po yung nagdala sa kanya dito. Pero hindi po namin siya kilala eh. Ano po lagay nya Doc?"- Ako
"The baby is safe. Malakas ang kapit ng bata. Sinubukan nyang uminom ng matinding pampalaglag. Buti na lang at nadala nyo sa kaagad dito. She's resting now and maya maya pwede na syang magising. You can check her now."- Doc
"Okay Doc. Thanks."- Dyllan
"Sige mauna na kayo. Kakausapin ko lang yung doktor."
"Sige sige."- Nadine
"Excuse me Doc? Pwede pong magtanong?"- Ako
"Sure iha. Ano yun?"
"Ilang buwang buntis na po yung dinala namin?"
"Base sa tests na ginawa sa kanya, 4 months na syang buntis. Kaano ano nyo sya?"
"Wala po. Nakita lang po namin sya sa cr sa isang resto. Buti nga po naabutan namin. Sige po. Thank you."