Chapter Eleven

54 5 0
                                    

 Chapter Eleven

April 25, ang aga ko nagising di lang yun, kagabi palang nakapagimpake na ako. Kung di ba naman kasi ako excited diba, hehehe, usapan namin ni Cindy dadaanan ko siya ng 8am sa kanila. Excited talaga ako, akalain mong 5am palang eh gising na ako! Hindi na ako nagaksaya pa ng oras naghanda na ako para makasiguradong walang maiiwan. Tinawagan ko narin yung caretaker ng resthouse sa Batangas para pagdating namin nakaready na ang lahat. 7am palang nakatapos na ako magayos, di na ako nagantay pa ng 8am pumunta na ako sa kanila hintayin ko nalang siya sa labas ng bahay nila.

Pagdating ko sa kanila,aba at mas excited pa ata tong si Cindy sakin eh nagaabang na sa gate, lalo tuloy akong napangiti, ikaw na ang pakilig!

"kanina ka pa ba naghihintay?" tanung ko sa kanya

"uhmm... hindi naman" nakatingin siya sakin sabay ngiti

Kinuha ko na mga dala niyang gamit at inilagay sa likod ng sasakyan, niyaya ko na siyang umalis para mas maaga kaming makadating sa batangas.

Mga 9:30am nakadating na kami sa resthouse namin sa Batangas, medyo nakakapagod din magdrive mula manila hanggang dito. Sabayan mo pa ng traffic kaya naman, pagdating namin tinuro ko sa kanya yung kwarto niya at pagkatapos nagpaalam muna ako sa kanya na matutulog, medyo napagod talaga ako. Pagdating ko sa kwarto, paghiga ko sa kama nakatulog na agad ako.

"Raye..."*sniff*" Raye, alam mo ba, mahal na kita, hindi ka naman kasi mahirap mahalin eh..." *sob*" alam mo ba tuwing kasama kita, ang saya saya ko, sobrang saya ko talaga na nakilala kita, na... nakasama kita ng ganto, thank you so much Raye for making me this happy...." *sniff*" i love you Raye...."

And then I felt a kiss on my lips, it was gentle and sweet.

ShitsurenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon