Chapter SIX
And the School Festival begins....
Lahat naman ata ng school ay may school festival at sympre annual yun, busy ang lahat. Ayos dito ayos doon busy sa pag asikaso ng kanya kanyang booth ang iba naman yung classroom nila ang inaayos. may mga mini restaurant ang style at meron din ditong maid-cafe taray diba...
Yung sa klase namin hulaan niyo kung ano... Kissing Booth lang naman pero sa classroom yung booth namin. So ganto ang set-up ng classroom namin, may apat na divider sa classroom. Telang makakapal ang nakaharang na kulay dark blue, yung ilaw naman medyo dim. Medyo tinakpan nila ng yung ilaw para magging dim, tapos may mga rose petals na nakakalat sa buong room. Yung apat na divider nasa apat na sulok din ng classroom para daw may privacy sabi ng mga classmates ko, tsk privacy pala ha. Yung totoo anung bang balak niyong gawin bukod sa pag kiss? Haay naku, so yun sa rules naman tayo. Simple lang ang rules, may nakalagay sa labas ng walls ng classroom at sa registration table kayo na din ang magbasa...
1st Rule: You need to pay the amount of 100PHP in order to register on the Kissing Booth.
2nd Rule: Both party should agree to register in our Kissing Booth and both registree should agree to kiss each other (we will not entertain any complains)
3rd Rule: ONLY KISS (KISSING) is allowed inside the "kissing kiosk", (if you wish to continue please rent a room somewhere else and not here at the campus, you also hold liable for your actions)
4th Rule: In the event that you want to get a chance to kiss someone you like,crush or someone you love, but you do not share mutual feelings(or one sided feelings), both parties should signed the waiver which can be found on the registration table (kindly ask assistance with assigned personel)
5th Rule: Our Kissing Booth is strictly Confidential, What happens inside the "kissing koisk" stays inside the "kissing koisk"
All the rules Stated above should be followed, no excemption, In the event that the personel incharge notice something inappropriate. They have the right to terminate or void your entry to the "kissing koisk" registration fee will be return/refunded to the participant.
Thank you for participating in our Kissing Booth and Enjoy! :D
So ayun, Infairnes kahit papano may madami parin ang nagpunta sa booth ng klase namin, as in ang haba ng pila! Mga sabik ata sa halik mga tao ngayon ah.
After lunch, ako ang nakaassign na magbantay sa booth ayaw ko sana kaya lang wala akong choice. Hindi ko napuntahan si Cindy kumain na kasi ako kaagad kasi nga after lunch ako na magbabantay. Haay nasan kaya siya ngayon? Hindi ko din alam kung anung klaseng booth ang gagawin ng klase nila, gusto ko siyang makita. Anu ba yan, lagi ko siyang naiisip eh wala eh na love at first sight ako sa kanya. Hindi ko pa sinasabi sa kanya nararamdaman ko, actually di ko nga alam number niya basta masaya na ako nagkikita kami. Ngayon nga lang hindi haaay pakiramdam ko tuloy ang boring.... >__<
Hindi ko alam kung paano ako magrereact si Migs nasa harap ko, kasama niya si Cindy
"magreregister kami sa kissing booth eto ang bayad" inabot ni Migs sakin yung 100pesos, di parin ako makapagsalita ni hindi nga ako makagalaw sheeeet! Parang sasabog ang dibdib ko...
"uyy! Raye, sabi ko eto yung bayad ko ohh...."
bigla akong tumayo kinuha ko yung kamay ni Cindy pagkatapos...
"hindi pwede Migs, aalis na kami ikaw na ang magbantay dito"
pagkatapos kung sabihin yun hindi ko na inantay pa yung sagot niya, hinila ko si Cindy palayo tumatakbo kaming dalawa. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid pero wala akong pakealam, tumatakbo lang ako at hinili ko lang siya. Hindi niya naman ako pinipigilan sa pagkakahila ko sa kanya, maya-maya pa ay nasa rooftop na kami ng FA building. Bumitiw na ako sa pagkakahawak ko sa kanya, hinihingal kami pareho sympre ikaw ba naman tumakbo ng walang tigil at talaga naman may kalayuan yung classroom namin sa FA building, diba nga isolated, hehe...
Hindi ako nagsasalita, umupo ako sumandal sa pader at ipinikit ko ang mga mata ko. Siya naman umupo din sa tabi ko, di ko alam kung anung sasabihin ko sa kanya kung sakaling magtatanung siya sakin, bahala na nga si batman. Pagdilat ng mga mata ko, nakita ko siya nakatitig sakin hala eto na, nagtataka na siya kung bakit ko ginawa yun. Uunahan ko na ba siya? Anung gagawin ko? >__<
"Raye?" sabi niya sakin, eto na talaga....
"hmm? Bakit?" kunwari wala lang, kunwari clueless ako... :p
"totoo bang may gusto ka sakin?" nabigla ako sa tanung niya at talaga namang wala akong masagot sa tanung niya... anung gagawin ko.... ang bilis ng tibok ng puso ko, akala mo gusto ng lumabas sa dibdib ko sa lakas ng kabog eh... naku naman talaga...
Nakatingin lang siya sakin, malamang naghihintay siya ng sagot eh anung isasagot ko? Aamin ba ako? Waaaaahhhhh.... sasagot na sana ako nung bigla siyang nagsalita
"Raye... I'm sorry pero... hindi pwede... hindi pwedeng magkagusto ka sakin dahil hindi ko kayang suklian yung nararamdaman mo... I'm sorry pero hanggang magkaibigan lang tayo..." tapos tumayo na siya
"sige mauna na ako ha, baka kasi hinahanap na ako sa klase namin,... bye.... bye Raye...."
di ako makagalaw sa kinauupuan ko, ni hindi ko siya natignan. Ang sakit, ang sakit sakit, parang dinudurog yung puso ko yung parang may sugat tas nilagyan mo ng asin or calamansi ganun yung nararamdaman ko ngayon. OA na kun OA pero yun talaga nararamdaman ko ang sakit talaga, naiwan ako magisa sa rooftop, umiiyak....