Chapter Sixteen
Finally summer vacation na talaga, mararamdam ko na ang bakasyon, kasi ba naman, nastress kaya ako sa mga nangyari nung mga nakaraang araw, buti nalang at ok na at sana lang talaga wala ng problema.... Magkikita kami ni Cindy ngayon, sabi ko labas naman kami, niyaya ko siyang pumunta ng Amusement Park, kaya naman nagasikaso na ako, susunduin ko kasi si Cindy sa bahay nila. Mga 8:30am na nung matapos ako magayos pumunta na ako sa kanila, hindi naman ako late kasi 9:00am ang usapan namin. Pagdating ko sa bahay nila wala pa siya sa labas nakakapagtaka ah, minsan nauuna pa siya sakin eh, di na siya excited ngayon?, kumatok ako sa gate pero walang sumasagot, naiisip ko baka naman naliligo pa siya, nag antay muna ako sa labas ng bahay nila, baka sakaling naliligo pa siya kaya hindi niya naririnig yung pagkatok ko sa gate nila. Ang tagal ko ng nagaantay siguro mga 15mins na pero wala paring lumalabas, eh 5mins nalang at 9:00am na, ba't ganun? Sinubukan ko siyang tawagan... “ba't ganun ring lang ng ring yung phone niya? Asan na ba siya?” sabi ko sa sarili ko. Kaya naman hindi ko na natiis, binuksan ko yung gate, kahit na hindi ko alam kung pagkumatok ba ako sa pinto nila eh may lalabas naman, nagulat nalang ako nung kakatok na sana ako, biglang bumukas ng bahagya yung pinto, sumilip ako wala namang tao, nasan na kaya yun? Pagpasok ko...“Cindy?, Cindy...?” may narinig akong kaluskos sa taas, anu ba naman yan para naman akong nasa horror movie nito ayaw ko pa man din ng horror, kaasar naman.... natatakot na kasi ako ang creepy na. Pero ganun pa man tinungo ko parin yung hagdanan nila pagakyat ko, sa unang pinto pag liko mo, bukas ng bahagya yung pintuan, tapos may kaunting liwanag, galing siguro sa bintana ng kwarto. Ewan first time ko naman na makakaakyat dito eh, nung nagpunta ako dito sa baba lang ako, pasuspense pa bago ako pumasok, dahan-dahan pa talaga di ako gumagawa ng inggay, kaya naman pakiramdam ko talaga eh nasa horror movie ako. Laking gulat ko naman pagbukas ko nung pinto nakita ko si Cindy, nakahiga sa kama niya at mukhang tulog na tulog. Nilapitan ko siya pagkakita ko sa mukha niya namumula siya, bakit kaya to namumula? Kinikilig lang? O di kaya.... hinawakan ko yung ulo niya, at ayun may sakit sya nilalagnat, di ko na siya ginising pa. Kumuha nalang ako ng maliit na plangana at maillit na towel tapos ay pinunasan ko yung ulo niya, braso, hita at... hanggang dun lang kinakabahan kasi ako eh atsaka mahirap na alam niyo naman na siguro ang ibig kong sabihin diba.... nilagay ko yung bimpo sa noo niya para naman bumaba na yung lagnat niya. Binabantayan ko lang siya, pinagmamasdan habang natutulog hinalikan ko siya sa pisngi tapos ako umupo na ako sahig habang binabantayan ko siya. Wala naman kasing upuan kaya sa sahig nalang ako naupo.
“Ra..Raye?...” naramdaman ko yung paghawak niya sa kamay ko kaya naman nagising ako pagtingin ko sa kanya nakaupo na siya sa kama, nakangiti siya sakin hawak hawak niya yung kamay ko...
“salamat ha... sa pagaalaga mo... at...atsaka, sorry di tayo natuloy sa lakad natin, bigla kasi....” sabi niya sakin, pero di ko na pinatapos pa yung sasabihin niya.
“ano ka ba... ok lang yun, tsaka mas gusto ko nga to eh, yung aalagaan ko yung girlfried ko... hehe... ok ka na ba?” tanung ko sa kanya, hinawakan ko yung pisngi niya tumango lang siya sakin tapos nakangiti, kaya yung buong araw na yun sa bahay lang nila kami. Kwentuhan ng kung ano-ano at tawanan kaya naman yun ang matatawag ko na “home date” nung mag aalas otso na ng gabi pinapauwi na ako ni Cindy, sabi ko nga dito nalang ako matutulog eh para mabantayan ko siya kaya lang ayaw naman niya. Pinagtutulakan pa akong umuwi, kaya no choice umuwi nalang ako.
Habang naglalakad ako medyo malapit na ako samin nung nakita kong may lalaking nakatayo sa may tapat ng bahay namin. Di ko pa masyadong mamukaan kung sino, nung malapit na ako, yung taong di ko inaasahang makita ang nakatayo sa tapat ng bahay, nakatingin na siya sakin...
“oh? Anung ginagawa mo dito?” sabi ko sa kanya, medyo mataray yung boses ko, kasi naman naiinis parin ako sa kanya
“Raye... Gusto lang sana kitang makausap...” sabi ng lalaking nakatayo sa harap ko