Chapter 15

77 6 0
                                    

Chapter Fifteen

Pagmulat ko Umaga na, mataas na yung sikat ng araw, may naririnig akong huni ng ibon sa labas, nakatulog na pala ako sa kakaiyak, bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa sahig, namumugtong ang mga mata ko. Masakit na puso ko masakit pa mata ko anu ba naman yan... Tahimik lang sa bahay, sympre ako lang naman magisa eh. Medyo madilim ang paligid yung sinag ng araw na pumapasok mula sa bintana yun lang ang ilaw sa bahay. Naglakad ako papuntang banyo, ewan nakasanayan ko na eh, daily routine kung baga. Pagkatapos kong gawin ang mga daily routine ko, pumunta ako ng kitchen. Pero pagdating ko doon natulala lang ako, maya maya pa umiiyak nanaman ako. Ang sakit talaga bakit ganto? Oo saglit lang kaming magkakilala, ilang buwan pa lang yun, 6 months palang ang nakakalipas, ewan ko siguro kasi talagang minahal ko siya... Hindi mali, mahal ko siya noon at mahal ko parin siya hanggang ngayon kahit na sobrang sakit, mahal na mahal ko siya. Hindi ko manlang pinakinggan yung sasabihin niya, hindi ko alam kung bakit hindi ko na pinakinggan yung side niya. Siguro kasi natatakot ako sa sasabihin niya. Natatakot akong sabihin niya na totoo lahat ng sinabi ni Migs, iyak parin ako ng iyak, halos wala na nga ata akong boses sa kakaiyak. Parang dinudurog yung puso ko, parang hinahati sa dalawa, bakit ganito? Napaupo ako sa sahig, biglang nag-ring yung phone ko ayaw ko sanang sagutin o kahit tignan manlang yung phone ko, pero ewan tinignan ko parin pagtingin ko si Myles tinatawagan ako, di ko na nasagot yung tawag niya. Pagtigin ko sa phone ko meron akong 20missed calls at 15text messages. Tinignan ko kung sino yung mga nag text dalawa kay Migs tatlo mula kay Myles, tatlo din galing kay karen, isang text naman galing kay Ram at anim na text ang galing kay Cindy. Di ko alam kung babasahin ko ba yung text niya o ano. I press exit on my phone, then I checked my missed calls, halos lahat ng tawag galing kay Cindy 10calls din ata yun, yung iba kina myles, karen at migs na. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig, umakyat ako papuntang third floor hindi na ako umiiyak pero nararamdaman ko parin yung sakit. Ang sikip sikip na ng dibdib ko, parang gusto ng sumabog, pagdating ko sa third floor dumeretso ako sa kwarto ko pagpasok ko hindi ko nanamang mapigilang umiyak. Naalala ko nanaman yung mga araw na magkasama kami, yung mga araw na masaya kaming dalawa, nagkukulitan, nagtatawan, yung sweetness namin sa isa't isa. Tumutulo yung luha ko, di ko na talaga kaya to. Napatakip ako ng bibig ko, iyak naman ako ng iyak, hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog nanaman ako sa kakaiyak.

Nagising ako sa ring ng phone ko, pagtingin ko si Myles tumatawag sakin.

"h...ello?" medyo garalgal yung boses ko

"Raye? I know you're not ok, gusto mo samahan kita ngayon?" sagot sakin ni Myles, yung tono ng boses niya parang awang awa siya sakin, kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko....

"Mlyes... Ang sakit sakit... bakit ganito? Anung nagawa ko? Bakit ako nasasaktan ng ganto?" umiiyak nanaman ako hindi ko na talaga napigilan

"tahan na... tahan na... sorry ha, may kasalanan din kasi ako sayo eh, actually yung totoo recently ko lang nalaman na magkamukha pala kayo nung Andy, bago mag birthday mo dun ko lang nalaman, pero kasi hindi ko na sinabi sayo kasi... sorry Raye... hindi ko naman alam na aabot sa ganito...." sagot niya sakin, parang naiiyak na din siya

"....alam mo.... pero... sheeettt!! Myles alam mo bang ang sakit sakit! Alam mo ba kung gaano ako nasasaktan ngayon! Ha?!...." medyo nakapagtaas na ako ng boses

"sorry talaga... ang alam ko kasi ex na niya yung Andy kaya hindi ko na sinabi sayo, at saka... hindi ko naman alam na..." natigilan siya

"na ano?..."

"na... na... Raye sa tingin ko mas maganda kung si Cindy ang kakausapin mo tungkol dito...."

"hindi ko na alam kung kaya ko pang harapin siya... Sa sobrang sakit, natatakot ako.... natatakot ako sa... sa sasabihin niya...."

ShitsurenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon