Chapter fourteen
Nag aantay ako sa labas ng bahay, inaantay ko kasi si Cindy "Ang tagal naman ng text ni Cindy, sabi niya sakin magkikita kami ngayon?mag 6pm na ah, san kaya siya nagpunta?nagaalala na ako, tawagan ko na nga...." sabi ko sa sarili ko, kukuhanin ko na sana yung phone ko nung biglang tinawag ako ni Migs.
"oh? bakit? napadalaw ka?" tanung ko sa kanya
"Raye...." sagot niya
"oh? Bakit?" nakatingin lang ako sa kanya nakangiti
"Raye.... mahal kita... promise... hindi kita sasaktan, mamahalin kita..." seryoso yung mukha niya habang nakatingin lang siya sakin. Actually nabigla ako, kahit na matagal ko ng alam na may gusto siya sakin hindi ko naman alam na aabot pa talaga sa ganto... kaya lang....
"I'm sorry Migs... pero kasi... kami na ni Cindy at mahal ko siya... sorry..." sagot ko sa kanya, medyo nakayuko ako nung sinabi ko sa kanya yun nahiya kasi ako sa kanya... nakita kung tumulo ang luha niya, My God Migs please wag kang umiyak sabi ko sa sarili ko,
"t@#$% %na!Raye... niloloko ka lang niya.... hindi ikaw ang mahal!" sumisigaw siya, pero yung luha sa mga mata niya hindi parin nawawala
"anu bang sinasabi mo Migs... wag ka ngang magsalita ng di maganda sa kanya!"
"Raye! ano ba?! Wag ka nga T&$#%! Hindi ka niya mahal, kamuka mo lang siya, kamuka mo lang si Andy kaya palagi siyang nasa tabi mo!" ikinagulat ko yung mga sinabi niya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, maya maya pa ay nakita ko si Cindy nakatingin sa amin...
"Migs ano ba! tama na nga! lasing ka ba?... hindi totoo yan... diba Cindy?" tumingin ako sa kanya, napalingon din si Migs sa kanya...
"mabuti naman at nandito ka na... mas maganda para ikaw na magsabi kay Raye..." sabi ni Migs habang hindi inaalis ni Migs ang tingin niya sa akin.
"Migs ano ba! Tama na nga!" sabi ko kay Migs habang papalapit kay Cindy
"Raye kailangan mong malaman ang totoo, kamukha mo lang si Andy kaya nagging kayo! nabuhay sayo si Andy! Raye! niloloko ka lang niya dahil sa paningin niya ikaw si Andy!" sigaw ni Migs
Nabigla ako sa mga narinig ko, ano to? Totoo ba to? Pero imposible... Mahal ako ni Cindy yun ang sabi niya sakin eh kaya nga naging kami diba? Tumingin ako kay Cindy, nakayuko siya
"Ci...Cindy? hindi totoo sinasabi niya diba? Mahal mo ako diba?" sabi ko sa kanya, pagtingin niya sakin umiiyak siya. Nakita ko ang mga luha sa mga mata niya, hindi, imposible ibig sabihin totoo lahat ng sinabi ni Migs? Naiiyak na ako...
"Ci..Cindy...? bakit ka umiiyak?...totoo ba?" nanginginig na ang boses ko
"Ra..Raye... I'm sorry..." sagot niya habang umiiyak
"s...sorry? Ha... bakit? Diba hindi naman totoo yun? Mahal mo ko diba?" sabi ko sa kanya, hawak hawak ko yung kamay niya, umiiyak parin siya
"mag... magpapaliwanag ako Raye..."
Nabitawan ko yung kamay niya, does it mean totoo ang sinabi ni Migs? Bakit ganun? Sabi niya mahal niya ako diba... hindi ko na alam ang gagawin ko ng mga sandaling yun... hindi ko na mapigilan yung luha ko, unti unti ng tumulo sa mga mata ko...
"Raye... please... wag kang umiyak, magpapaliwanag ako.... sorry...."
bawat pagbitaw niya ng salita, bawat paghingi niya ng sorry, parang nabibiyak yung puso ko, ang sakit sakit... niloko niya ako? Bakit? Anung nagawa ko? Di ko alam kung anong gagawin ko sa mga sandaling yun. Naririnig ko siyang umiiyak, naglalakad ako palayo sa kanya. Biglang hinawakan ni Migs yung kamay ko, di ko alam kung bakit pero sinuntok ko siya, napaatras siya sa suntok ko, umiiyak parin ako hanggang makapasok ako ng bahay namin. Napaupo ako sa likod ng pinto, iyak na ako ng iyak. Ang sakit talaga, anung bang nagawa ko para gawin niya sakin to? Parang gusto ko ng tangalin yung puso ko para lang wala na akong maramdaman. Iyak nalang ako ng iyak nung gabing yon, hanggang sa di ko na matandaan yung mga susunod na pangyayari.