Chapter Nine

52 5 0
                                    

 Chapter Nine

"Raye!" tawag sakin ni Myles, lumingon ako sa kanya papunta na sana ako sa rooftop nagaantay na kasi si Cindy sakin.

"oh? Myles, bakit?" sabay ngititian ko siya

"oh, mukang masaya ka ata ah... kamusta anung nangyari nung friday? Grabe ka wala manlang balita kung anung nangyari sayo, 3 days na din ang nakalipas. Ba't wala ka pala kahapon? Absent ka nanaman...?"

"Ahh... ehh... hehehe... sorry na Myles. Medyo nabusy lang talaga... at...yung samin ni Cindy... for now... ok naman kami..."

"hmm... ikaw talaga... basta itetext mo naman ako kung anung balita sayo para naman masabihan ko sila... so ipapamalita ko na ba na may lovelife ka na?" sabay tumawa si Myles ng malakas

"wag! Wag muna... gusto kasi muna naming.... basta Myles please keep it a secret for now please...."

"hmmm... oo na, oo na... ikaw pa, kung di ka lang malakas sakin eh. Sige na baka inaantay ka na ng minamahal mo" ngumiti siya sabay nag babye sakin. Ganun na din ang ginawa ko tapos naglakad na ako papuntang FA building para puntahan si Cindy na kanina pa nagaantay sa rooftop, lagot ako >__<"

Pagdating ko sa rooftop nakita ko kagad si Cindy, nakaupo siya dun parin sa pwesto kung saan kami lagi nakaupo. Simple lang suot niya naka blue polo blouse siya and maong pants. Nakatali din yung buhok niya, hindi niya ako kaagad napansin nakatulala nanaman siya... tsk lagi nalang ba siyang ganto? Sabagay, di naman ako pwedeng magexpect na mababago kaagad yung feeling niya para sa nakaraan niya. Although hindi pa namin napaguusapan yung tungkol sa nakaraan niya I just know or rather I just feel na yung nakaraan niya yung nagpapahirap, nagpapasakit sa kanya.

Nilapitan ko na siya, di ako nagsalita tumingin lang ako sa kanya tapos ay ngumiti. Ganun din ang ginawa niya sakin tapos sumandal siya sa balikat ko. Hinawakan ko naman ang kamay niya tapos yung ulo ko nakapatong naman sa ulo niya... haaay... ang sweet namin noh sana nga ganto nalang kami palagi pag magkasama sweet, nagtatawanan,

naglalambingan, kwentuhan ng kung ano-ano. Actually hindi naman kami ni Cindy eh. Oo pumayag siya na mahalin ko siya pero wala kaming commitment sa isa't isa. Parang MU ba, hindi kami pero we share the same feeling or parang ganun. Hindi niya pa daw kasi

talaga kayang pumasok sa isang relasyon, hinayaan ko nalang siya atleast kahit papano

maipapakita ko sa kanya na mahal ko siya. Aalagan, lalong di ko siya iiwan.

Ganun lang palagi ang ginagawa namin after class magkikita kami sa rooftop tatambay saglit tapos pag nagutom na kami aalis na kami ng school kakain sa bahay nila o di kaya sa bahay namin. Pero mas madalas na sa bahay nila kami kumakain. Nalaman ko din na bahay pala yung ng tita niya nung lumipat na sa province tita niya wala ng gumagamit ng bahay kaya naman siya na ang tumitira. Although nasa Manila lang din bahay ng mama niya taga Makati sila talaga nakatira pero since malapit sa school yung bahay ng tita niya kaya doon na siya. Umuuwi din naman siya sa kanila pero bihira lang, may naalala daw kasi siya. Hindi ko na inalam kung sino pero mukhang alam ko naman kung sino yun, malamang yung ex niya yun. Yung ex niya na di niya makalimutan, yung ex niya na hanggang ngayon eh nasaisip pa din niya. Yung ex niya na pag naaalala niya ay hindi niya mapigilan umiyak. Ang bitter ko ba? Hindi naman sa bitter ako nagsasabi lang ng mga napapansin ko at isa pa totoo naman yun eh. Pero kahit ganun naman eh mahal ko parin siya, hindi naman nawala yung pagmamahal ko sa kanya. Mas lalo pa ngang nadadagdagan habang tumatagal mas lumalalim. Sige ako na talaga ang inlove! Ako na!

Tinupad naman ni Myles yung pangako niyang hindi niya sasabihin sa barkada kahit na alam ko na alam na nila yun hindi nalang sila umiimik. Si Migs naman ayun palagi nalang siyang nakatingin sakin pero hindi niya ako nilalapitan weird lang pero naawa ako sa kanya, kasi naman eh pinilit niya pa yung nararamdaman niya eh matagal ko ng sinabing hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Ayan mas lalo pa tuloy siyang nasaktan, nakakaconsensiya tuloy. Kahit papano naman kasi nakaclose ko talaga si Migs. Siya ang nagtatanggol sakin nung highschool kami kapag may umaaway sakin, in short savior ko. Pero talagang hanggang ganun nalang eh, hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Sina Ram at Karen naman mukhang nagkakamabutihan na palaging magkasama sabay umuwi at hatid sundo ni Ram si Karen ang iniintay na nga lang namin eh ang pag amin nung dalawa. Kasi naman kung hindi mo sila kilala at makikita mo sila talagang aakalain mong maggirlfriend boyfriend sila, kaloka ka kacheessyhan minsan haaaayyy sila na. Oo inggit ako sa kanila kahit naman sweet kami minsan ni Cindy alam ko parin na yung ex parin ang laman ng puso niya at hindi ko pa kayang palitan yung ex niya. Kung pwede nga lang sipain ko palabas ng puso niya yung ex niyang yun eh ginawa ko na kaso wala eh. In time alam ko mamahalin niya rin ako. Yun ang panghahawakan ko samin dalawa.

ShitsurenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon