Chapter Three

77 8 1
                                    

Chapter THREE

Last day ng exams YES! Makakapetiks na ulit ako hehehe.... tapos sembreak na.... yes talaga.... nauna akong matapos sa exams namin sa PE kaya inintay ko nalang sina Karen at Myles sa may lounge malapit sa gym. Dala ko yung camera ko that time, nagyaya kasi si Ram out of town daw tutal wala naman kaming pasok bukas at sa monday na kami babalik. Three days na bakasyon daw kasi sayang naman. Habang nagaantay sa kanila, guess what kung sino nakita ko... yes siya nga... yung babaeng nakita ko sa gate ng school sa may park at yung dahilan kung bakit ako natumba ng dalawang beses sa isang araw... (parang ang lampa ko kasi eh hehe).

Nakaupo siya sa may dulo malapit sa bintana, mga apat na table lang naman ang layo niya sakin. At di rin naman gaanong malaki yung lounge kaya konti lang din ang tumatambay dito. Kaya ayan natitigan ko nanaman siya. Maganda talaga siya medyo payat, pero sakto lang kasi matangkad naman siya (base nung nakita ko siyang tumayo sa may gate nung una ko siyang nakita) di ko natiis kinuhanan ko siya ng picture since dala ko naman yung camera ko, pero sympre patagong kuha yung ginawa ko. Siguro mga naka tatlong shots ako bago ako tumigil sa pagkuha ng picture niya, grabe maganda talaga siya... anu kayang program niya at saan building kaya siya? Sino kaya inaantay niya? O may hinahantay nga ba talaga siya? Yan mga tanung ko habang nakatitig sa kanya. Naputol nalang ang pag titig ko sa kanya nung may biglang tumawag sakin.

"Raye!" tawag ni Myles habang kumakaway papalapit sakin

"ang tagal niyo naman... nahirapan sa exam? Hehehe"

"eto kasing si Myles eh may ibibigay lang daw siya sa classmate natin kaya natagalan tuloy kami" sagot naman ni Karen

"ahh... kaya naman pala... nangbabae ka nanaman Myles ahh... hehehe"

tumawa lang siya tapos hinampas niya ng mahina si Karen, sina Migs at Ram nalang inaantay namin... ang tagal naman nung dalawang yun. Anu kayang ginagawa nung dalawa. Maya maya pa ay dumating na din sina Migs at Ram, may dala-dalang malaking bag

"oh tara na, yan lang ba dala niyo? sabi ko magout of town tayo eh" sabi ni Ram

"bakit saan ba tayong "town" pupunta? Hehehe" pang aasar naman ni Myles

nagtinginan lang si Ram at Migs, sabay na ngumiti. Sa tingin ko may balak nanaman tong dalawang to... si Ram na ang sumagot ng tanung ni Myles

"sa Quezon, Calaug Quezon" nakangiting sagot niya

"haaa!!!" sagot naming tatlo at talagang gulat na gulat kami

"bakit naman napakalayo ng pupuntahan natin Ram?" tanung ni Myles

"eh para makapag relax tayo... may rest house naman kami dun at saka beach kaya yung pupuntahan natin... private beach yun dahil kami may ari! Hahaha!"

Oo halatang kayo may ari private nga eh.. hay naku eto talagang si Ram pag naisipan naisipan. Sabagay minsan nga lang kami makakapagrelax so why not, may dala namang van si Migs kaya wag na daw kaming magalala... kaya tumawag nalang sina Karen at Myles sa parents nila para magpaalam, dahil nga matagal na kaming magbabarkada payag naman agad parents nila, kampante na kasi eh. Ako naman medyo natuwa since may maidadagdag na ako sa "project gift" ko sa kanila... hehehe. Ilang oras din ang byahe, medyo nakakatagtag sa byahe pero worth it naman kasi maganda yung private beach/rest house nila Ram.

Nakatambay ako sa may ilalim ng puno ng niyog, taray noh provice na province ang set up namin ngayon. Anyway hawak ko yung cam ko pinipicturan ko sina Migs, Ram at Karen habang tuwang tuwa yung tatlo habang naglalaro sa beach. Para silang mga bata. Maya maya pa tinignan ko yung mga pictures na kinuha ko, nakita ko yung picture nung babae.... yung alam niyo na... yes siya nga... pasensya na hanggang ngayon kasi hindi ko pa din alam pangalan niya eh... sa kakatitig ko sa picture niya di ko napansin na nasa likod ko na si Myles.

"uyy... si Raye... inlove na..." pangaasar niya sakin, tumingin lang ako tapos medyo napangti sa kanya

"sira ka talaga"

"teka parang kilala ko yan ahh... patingin nga ako" sabay kuha ni Myles ng camera ko

"ay oo kilala ko nga siya, well di naman gaanong kilala naging classmate ko siya nung first year sa isang subject diba may isang subject na di ko kayo kaklase?"

Hindi ko mapigilang matuwa, kahit na di ko alam kung bakit. Ano to like ko na siya eh parang tatlong beses ko palang siyang nakikita ah.. psh...

"anung pangalan niya?" Natanung ko nalang bigla, di ko na napigilan na excite na kasi ako eh... hehehe

"uyy... interesado.... hahahaha!"

Eto talagang si Myles nangasar pa, di nalang ibigay yung number kainis... ang maganda kay Myles ay madaling makahalata, nahalata niya atang medyo nainis ako kaya binigay niya naman pangalan nung girl.

"Cindy, Cindy Mendoza pangalan niya... eto talaga madaling mapikon... hehehe, tara na ligo na tayo... sali na tayo sa kanila oh, mukhang enjoy na enjoy na sila ohh..."

"hmmm.... sige na nga... tara na...."

Kinagabihan inuman, foodtrip with bonfire sa tabing dagat. Ok medyo tabing dagat lang naman... hehehe malapit sa puno ng buko, yung inuupuan ko kanina. Buti na nga lang at etong si Myles di ako nilalag kasi na lasing na siya.... masaya naman ang bakasyon namin kahit na saglit lang... di ko parin nasasabi sa kanila yung plano ng parents ko after graduation, saka nalang siguro...

ShitsurenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon