II - Trial

402 7 6
                                    

"MARGARET!"

Pagkatapos barilin si Margaret ng kriminal ay agad din siyang pinaputukan ng mga pulis. Hindi naiwasan, natamaan pa ng ilang bala si Margaret, kaya't lalong nandilim ang paningin ni Hope. Agad siyang tumakbo papalapit sa dalaga. Agad namang nakatakas ang naturang kriminal at sinundan ng mga pulis. 

Pagkalapit ng binata ay agad nitong niyakap ang dalaga habang umiiyak, "Margaret... dadalhin ka namin sa ospital..." Agad namang tumawag ang kanilang guro ng ambulansya. Biglang gumalaw ang dalaga at tila may inaabot ito sa binata, "Hope... ugh... pasensya na... makulit ako masyado..." Isang notebook ang inaabot nito, at ang notebook na iyon ay y'ong tiningnan niya sa antique shop. "Bumalik ka rito para lang bilhin 'to..." Hindi na magawang magalit ni Hope kaya't naman kinuha nya ang notebook. Bakas pa ang dugo ng dalaga sa notebook na iyon, "Pasensya ka na ha, 'yan na ang birthday gift ko sa'yo... pinapaiyak kita... birthday na birthday mo pa naman... sorry at happy birthday..." Mahigpit na niyakap ni Hope ang dalaga habang umiiyak ito ng todo.

"...Hope...pasensya ka na kung ngayon ko lang 'to sasabihin ah...I love you...I love you Hope..." Sinabayan ng maamong ngiti.

"I love you too Margaret!" Mabilis na sagot ng binata.

"Masaya na akong marinig na...ugh...mahal mo rin pala ako...'Wag mo akong kakalimutan ah..." Pagkasabi ng dalaga ay dahan-dahan na itong pumikit.

"Margaret? Margaret? Margaret!" Sigaw ng binata.

- Sa ospital -

Naka-upo habang nakatulala ang binata, hawak-hawak ang notebook na regalo ni Margaret. May bakas pa ito ng dugo ng dalaga. Nilapitan siya ng isa sa mga kaklase niya at sinubukang palakasin ang loob niya, "...Kaya mo 'yan p're..." Pagkasabi'y tumayo kaagad ang binata. Nag-aapoy ang mga mata nito sa sobrang galit. "...Ang lalaking pumatay kay Margaret..." Napatingin sa kanya ang kanyang kamag-aral. "...Tinulungan ko s'yang makatakas...akala ko gusto lang s'yang saktan ng mga humahabol sa kanya...pero..." Nalilitong nagtanong ang kausap niya ngunit mabilis siyang iniwan ni Hope. "Hope! S'an ka pupunta?! Hope?!"

Lumabas si Hope ng hospital at pumunta sa isang kalapit na tindahan. Doon siya nagpalamig ng ulo, ngunit sa hindi sinasadyang pangyayari, nakita niya sa telebisyon ang pumatay sa dalaga, ang buong pagkakakilanlan nito. Pagkakita ay may kung anong bagay ang kumawala sa kanyang loob, labis na galit. Bigla niyang naalala ang nakasulat sa notebook...

"The human whose name is written in this notebook will die."

Tumakbo siya pabalik ng hospital, pumunta siya sa loob ng isang CR, doon ay naglabas siya ng panulat pati ang notebook. Agad niyang binuklat ito at sinulat ang pangalan ng pumatay kay Margaret. Nanginginig ang kanyang kamay habang sinusulat ang pangalan dahil sa sobrang galit. "MAMATAY KA WALANGHIYA!" Sigaw ng binata sa loob ng CR.

- Kinabukasan -

Dahil sa mga nangyari kahapon ay hindi kaagad umuwi si Hope at nagpaiwan sa hospital kasama ng ilang guro at kaibigan, ang iba naman niyang kaklase ay mabilis na pinauwi para na rin sa kanilang kaligtasan. Kinaumagahan, habang papaalis na sila ng hospital ay dumating ang ilang pulis, kinausap ng mga ito ang mga guro. Mula sa malayo ay narinig niya ang sinabi ng isang pulis, "...Nakita na po ang nang-hostage sa namatay n'yong estudyante, pero natagpuan na po itong patay..." Nanlaki ang mga mata ni Hope sa narinig at agad na napatingin sa notebook. Sa loob-loob ng binata, "...Nagkataon lang ang nangyaring 'yon..." Ngunit nakangiti ito.

" 'Yan ang kapangyarihan ni Kira." Isang tinig na nagmula sa likod ni Hope. Agad napatingin ang binata at laking gulat nito sa kanyang nakita. Isang kalansay na nakasuot ng bakal na armor at may pakpak na tulad ng sa anghel. Nabitawan ni Hope ang hawak na notebook at natulala sa nakita.

"Ako nga pala si Sifry, ang may ari n'yang Death Note." 

Death Note: Revival of the NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon