III - Consumption

373 4 1
                                    

"Nakakagulat ba masyado? AHAHA!" Hindi pa rin nahimasmasan ang binata. "A-ano klase kang halimaw?"  

Muling tumawa ang mala-demonyong nilalang na kausap ng binata. "Bakit? Natatakot ka ba? AHAHA! Natatakot ka sa akin, pero hindi ka natatakot na pumatay?" Sabi ng kalansay na nilalang. Napahakbang papaatras ang binata at napatingin sa paligid, hindi napapansin ng iba ang kanyang kausap na mala-demonyo maliban sa kanya.

" 'Wag kang mag-alala, ikaw lang ang nakakakita sa'kin bata." Wika ng nilalang. "Ikaw lang at ang girlfriend mong namatay ang nakahawak sa Death Note kaya ikaw na lang ang nakakakita sa'kin." Dagdag pa niya.

Pagkalipas ng ilang segundo ay pinulot na ni Hope ang notebook, "...Death Note pala ang tawag sa notebook na 'to... sabihin mo nga, ikaw ba si kamatayan? Siguro narito ka para kunin na ako dahil ginamit ko 'to 'no? Sige na, handa na naman na akong mamatay..."

Tinitigan siya ni Sifry dahil sa sinabi nito at biglang tumawa ng malakas, ang tawa nito'y parang pinagsama-samang pagmamakaawa ng libong kaluluwa na tumatagos hanggang sa buto. Bahagyang nairita ang binata at bumulong, " ...Tsk...Inutil na kalansay..." Muling napatingin ang kalansay sa binata.

"Hoy bata! Narinig ko ang sinabi mo!" Pasigaw na sabi ni Sifry. Nang akmang magsasalita na si Hope ay bigla siyang nilapitan ng isa sa kanyang mga guro, si Mrs. Manlapaz, "Oh Hope, sinong kausap mo?"

Sinagot ng binata ang matandang guro na parang normal lamang, na hindi niya nakikita at napapansin ang kanyang kausap na kakaibang nilalang. "Ah wala po ma'am, nagmumuni-muni lang po ako...iniisip ko po ang nangyari kahapon." Kasabay ng mapanlinlang na ngiti. Narinig ni Hope ang malakas na pagtawa ni Sifry mula sa kanyang likod, "AHAHA! SINUNGALING! AHAHA!"

"Ganun ba? O sige, pumunta ka na sa bus, paalis na tayo, at nga pala, alam kong masakit ang nangyari sa'yo, kahit naman sa'min eh mahirap 'yon, kaya natin 'to, ayaw ni Margaret ang maging malungkot tayo..." Simpatyang pagsagot naman ng guro. Sumunod na lamang ang binata sa matanda at pumunta sa bus. Nakasunod sa kanya ang kalansay.

- Sa bus -

Naupo si Hope sa likod ng bus. Habang nasa byahe ay inuusisa niya ang mga pahina ng notebook na may nakasulat. Nalaman niyang ang mga ito ay ang mga patakaran at mga epekto sa paggamit ng note. "...Anong nilalang ka ba talaga, Sifry, tama ba?" Mahinahong pagtatanong ni Hope. "Eh? Isa akong Death god, o god of death." Tumatak sa isip ni Hope ang sinabi ni Sifry.

"...god of death..."

Maya-maya'y nagtanong uli si Hope habang patuloy niyang binabasa ang iba pang nakasulat sa notebook, "Paanong napunta ito sa mundong 'to...?" Matagal bago nakasagot ang death god, "Ah...aksidente kong nalaglag ang note na 'yan at sakto namang nakuha mo, er, niregalo pala ng girlfriend mo. Ahaha!"

Agad nabasa ni Hope ang isipan ng nilalang, "...nalaglag, o nilaglag...?" Sinabayan ito ng mala-demonyong ngiti ng binata, ang mga mata nito ay tila rin mata ng isang tusong demonyo. Natuwa ang death god sa nangyari. "...Matalino... AHAHA! Mukhang magkakasundo tayo..."

Muling nagsalita ang kalansay, "Gusto mong malaman ang intensyon ko?" Tanong nito na tila may masamang intensyon. "...Gusto mong buhayin si Kira...tama ba?" Labis na nagalak ang death god dahil sa ipinapamalas na katalinuhan ng binata. "...At ikaw 'yon..."

Bahagyang nagpakita ng pag-aalangan ang binata sa alok ni Sifry. "Alam kong sawang-sawa ka na sa mundong katulad nito, kabulukan na idinudulot ng mga tao, pagkawalang hustisya, biktima ng mundong 'to si Margaret. Maswerte ka at ngayon, may lakas ka nang baguhin ang mundong 'to, ibalik mo ang hustisya. Gamitin mo ang Death Note. Hehehe."

Napaisip si Hope sa sinabi ng kalansay. HIndi na siya nagsalita pa pagtapos niyang marinig 'yon. Sa loob-loob niya, "...Kapangyarihang baguhin ang mundong 'to...maging Kira?"

"...Sinayang mo ang pagkakataon, Ryuk...gagawin ko ang hindi mo ginawa..."

- Sa bahay nila Hope -

Makalipas ang mahabang oras ng pagbiya-biyahe ay nakauwi na rin si Hope sa kanilang bahay, malaki ang mismong bahay at malawak ang kanilang bakuran. Hiwalay ang magulang niya, nasa hospital ang kanyang tatay dahil sa sakit nito, ang kanyang nanay ang kasama niya sa bahay pero mayroon na itong ibang asawa na doon din nakatira.

Ang tunay n'yang ina ay namatay nang siya'y ipanganak kaya't naman ang kinikilala niyang ina ngayon ay pangalawang asawa na. Nung una'y mabait ito sa kanya ngunit nang magkasakit ang tatay ni Hope ay nagbago na ito at lumabas ang tunay nitong intensyon...

...pera...

Pagkapasok ni Hope sa bahay ay nakita niya ang kanyang nanay na nakikipaghalikan sa asawa nito. Nandilim ang kanyang paningin dahil sa kanyang nakita. Napansin siya ng kanyang ina, "Oh kamusta ang fieldtrip?" Magaslaw na tanong kay Hope ngunit hindi niya ito sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Nagalit ang kanyang madrasta dahil sa inasal nito, "Hoy! Tinatanong kita! Sumagot ka!" Tiningnan niya lamang ito at saka mabilis na dumiretso sa kanyang kwarto. Doon ay sinagot na niya ang alok ni Sifry.

"...Pumapayag na ako..." Kasabay ng pagsagot ay inilabas niya ang Death Note at bumunot ng panulat.

Death Note: Revival of the NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon