Michael Fanner
Hazel Rose Gonzales
- Kinabukasan -
Ilang sasakyan ng pulis ang nasa labas ng tahanan ng mga Gavinner, maraming awtoridad ang nag-iimbestiga sa naganap na krimen noong gabi...
...ang pagpatay ng asawa ng kanyang madrasta sa kanya at ang pagpapakamatay nito...
Kinausap si Hope ng mga awtoridad tungkol sa nangyari ngunit hindi na nila gaano pang tinanong ang binata dahil nalaman nila ang nangyari sa kamagaral nito na nagkataon rin na minamahal niya, kaya naman pinayagan nila ito na lumabas ng bahay at makapagpahangin. Tanging ang kasama na lamang sa bahay ang kanilang tinanong dahil ito ay saksi sa naganap na krimen.
- Sa parke -
"Napakalaki mong sinungaling bata! At 'di lang basta sinungaling, demonyong sinungaling! AHAHA! Nagawa mong patayin ang madrasta mo kasama ang lalaki n'ya, pero ang pinakamasaklap eh pinalabas mong ang pumatay sa babae ay 'yong lalaki at pag tapos n'on ay nagpakamatay ito. AHAHA! Nakakaaliw talaga." Wika ni Sifry.
"...Tumigil ka nga, binigyan ko lang ng hustisya ang tatay ko...Tsaka sinubukan ko ang ilan sa mga rules ng Death Note..."
"If the cause of death is written within the next 40 seconds of writing the person’s name, it will happen."
"After writing the cause of death, details of the death should be written in the next 6 minutes and 40 seconds."
"ohhhh... kaya naman pala bago ang krimen ay inutusan mo ang inyong katulong na kumuha ng juice sa kusina upang makita niya ang mangyayari sa dalawa. Iyon ang isinulat mong dahilan at detalye ng pagkamatay ng dalawa para makatakas ka sa kaso at magkaroon ng alibi. AHAHA! Tuso!" Pagpapaliwanag ni Sifry sa nangyari.
Nagpatuloy lang sila sa paglalakad nang biglang naglabas si Hope ng chewing gum at kinain ito, inalok din nito ang death note. "Kumakain ba kayo?" Kinuha ni Sifry ang gum at kinain ito. " 'Di ko alam na kumakain pala ang kalansay..." Pabirong sabi ni Hope. Tumingin sa kanya ang death god, "...Balang araw, papatayin kita..." Seryoso ang tinig nito na tila nainsulto. Natawa si Hope dahil sa sinabi ni Sifry.
Habang naglalakad papalabas ng parke ay nakita ni Hope sa isang sulok ang isang binata na napapalibutan ng 4 na binata, makikitang takot na takot ang nasa gitna. Biglang itinulak ng isa ang walang laban na binata at ginawa rin ito ng iba pa, nagtatawanan ang mga ito habang ginagawa nila ito na may kasamang panlalait. Tinitigan ni Hope ang mga ito at napahawak sa death note ng mahigpit.
Nabasa ni Sifry ang nararamdaman ni Hope. Sa ilalim ng dapit-hapong langit ay makikita sa likod ni Hope ang pulang liwanag mula sa mukha ng death god na tila mga mata habang ang katawan naman nito'y nababalot ng anino. "...Alam ko ang nararamdaman mo...Wala kang magawa 'no? Dahil hindi mo alam ang kanilang pagkakakilanlan...Hehehe...Pero kaya ko naman 'yang gawan ng paraan...Mata ng isang death god..." Sabay ng isang ngiti na walang emosyon. "...Ano ang kapalit?" Malamig na pagtatanong ni Hope habang nakatingin ng deretso sa inaaping lalaki.
"...Kalahati ng buhay mo..." Mahinang pagkakasabi ng kalansay ngunit malakas ang ibig nitong sabihin. Sakripisyo.
- Pagkaraan ng ilang sandali -
"AHHHHHHHHHHH!" Sigaw ng isang babae, nagdatingan na ang mga ususero. Ilang minuto pa'y sumunod na rin ang mga pulis.
Naglakad na papaalis sina Hope habang inilalagay niya ang kanyang bolpen sa bulsa ng kanyang jacket.
"Hoy Hope! Akala ko naman niligtas mo yung lalaking pinagtitripan nila? Isasama mo rin pala. AHAHA!" Pagtatanong ni Sifry.
"Ang lalaki kanina...isa s'yang magnanakaw...nakita ko s'ya n'ong nakaraang linggo...Dapat lang ang nangyari sa kanya...'Yong apat naman...mga biktima sila ng kabulukan ng mundong 'to...wala na silang pag-asa, isa na lang silang basura sa mundong 'to na nagdadala ng gulo..." Sagot naman ni Hope.
"Ngayong nasa akin na ang lahat, ang Death Note, ang Mata...Ako ang tatapos sa nasimulan ng dating Kira...ako ang papalit sa kanya...ako ang bubuo sa bagong mundo." Walang makikitang pag-aalinlangan sa mga mata ni Hope. Sa ngiti niya'y mababakas ang labis na pagnanasa.
Sa isipan ni Sifry, "Ang taong 'to...hindi ko inaasahan...ilang araw pa lamang niyang hawak ang death note ngunit nilamon na siya kaagad nito...hindi...siya ang lumamon sa death note..."
"Ako ang magiging hustisya ng mundong 'to...ako ang magiging diyos ng bagong mundo..."
BINABASA MO ANG
Death Note: Revival of the Note
Teen Fiction2 taon na ang nakalipas mula ng mawala ang tinatawag nilang Kira, ang hustisya na nagbibigay ng kaparusahan sa lahat ng mga makasalanan, ngayon, nagbabalik ang Death Note kasabay ng mas malakas na may-ari, walang pinipili at poot ang sumusulat sa ba...