- 5 araw ang nakalipas mula sa unang araw ng lamay -
"Hoy Hope... Mukhang nasasanay ka na sa pag gamit sa note ah? Hehehe..." Wika ni SIfry sa binata na abalang-abala sa pagsusulat.
Maya-maya'y binitawan na ni Hope ang bolpen at saka humarap kay Sifry. Itinago na niya ang note sa kanyang drawer at naghagis ng chewing gum sa kalansay.
"Hindi naman, hanggang ngayon eh inaalam ko pa rin ang iba pang kayang gawin ng note... Tsaka, nagsisimula pa lang ako." Kasabay nito ang mala-demonyong ngiti ng binata.
"...Eh? Hehe, di ka ba gagawa ng assignment mo?" Biglaang pagtatanong ng Death God habang ngumunguya.
Dagliang tumawa ang binata at saka tumayo sa kanyang kinauupuan.
"Masyadong madali ang mga bagay na 'yon para sa'kin... Walang thrill sa'kin ang mga bagay na 'yon..." At saka lumabas ng kwarto ang binata. Nakatingin lamang sa kanya si Sifry habang abalang-abala sa pagnguya ng kanyang gum.
Nang pababa ang binata upang kumuha sana ng makakain ay nakita niya ang kanyang ama sa balkonahe sa palapag na iyon. Pinagmamasdan ang lamay. Sa isang hindi inaasahang pangyayari'y nilapitan ito ni Hope.
"Huling araw na ngayon di ba, at bukas na ang libing?" Magaslaw na pagtatanong ng binata sa kanyang ama.
"...Oo, sa wakas, ito na rin siguro ang huli..." Mahinang tinig ng ama.
Bahagyang natawa ang binata dahil doon, nagulat naman ang matandang Gavinner sa reaksyon nito. Lumakad na ang binata pababa ng hagdan ngunit bago y'on ay nagbitiw na muna ito ng salita.
"Hindi... Ito pa lang ang simula..."
Nakita ng ama ang ngiti sa kanyang anak. Isang ngiti na nagdala sa kanyang mga balahibo ng takot at kaba. Hindi na nagsalita pa ang matanda, napaisip na lamang at pilit na inunawa ang mga nangyari.
- Kinabukasan -
Sabay-sabay kumakain sina Hope at mga kaibigan niya ng kanilang lunch, napag-usapan din nila ang tungkol sa bali-balitang muling pagbalik ni Kira...
"...Sa palagay nyo, bumalik na nga ba talaga si Kira?" Biglaang pagtatanong ni Sarah. Natahimik ang lahat dahil sa tanong na 'yon.
"Ewan, sabi nila. Ang dami na naman kasing mga namamatay, at hindi lang basta-basta ang mga 'yon, mga kriminal ang mga 'yon, eh di ba, mga kriminal ang target ni Kira." Sagot naman ni Raymond.
Tumango lang ang iba habang tuloy lang sila sa pagkain. Maya-maya, nagtanong si Pau...
"...Eh sa inyo ba... okay lang bumalik si Kira...?" Mahina niyang pagtatanong. Pagtapos n'on ay mabilis na sumagot si Jet ng hindi, gayun din si Raymond. Sumagot din ng hindi si Pau at si Hope. Nagulat ang lahat dahil ang alam nila'y gusto ni Hope.
"Woah! Akala ko isasagot mo eh gusto mo... Bakit Hope? Parang hindi ikaw 'yan ah? Ahehe." Pagtatanong ni Bien sa kanyang kaibigan habang sumusubo ng pagkain.
"...Nawala na siya, kaya bakit kailangan nya pang bumalik... di ba?" Nakangiting sagot niya. Tinitigan lamang siya ni Pau.
Sa loob-loob ni Hope...
"...ako na ang tatapos sa nasimulan niya..." Kasabay nito ang muling pagpula ng mata ni Sifry sa malay sulok ng kwarto habang siya'y nababalot ng anino.
Binasag ni Jethro ang seryosong usapan.
"Ano ba 'yan?! Ang seryoso na bigla! Subukan na lang natin mag-live streaming ngayon, may dala akong iPhone! AHAHA! Tsaka, mahaba-haba ang breaktime natin, wala si Sir Coco, wala tayong Chem ngayon kaya naman ready ako, di ba?"
Sa malamang ay nagalit si Pau dahil na rin ay siya ang student council president at bawal sa kanilang paaralan ang pagdadala ng kahit anong mga gadgets...
"Tumigil ka nga! Kukumpiskahin ko 'yan, sa March mo na lang 'yan makukuha... Akin na nga 'yan!" Matapang na wika ni Pauline.
"Ang KJ mo naman talaga Pau!" Sigaw ng binata habang inilalayo ang phone sa dalaga.
Wala na rin nagawa si Pau kaya't nama'y pinagsabihan na lamang niya ito na 'wag na iyong uulitin. Inopen na ni Jet ang apps. Aliw na aliw sila sa kanilang pinakikinggan, segment kasi ng kanilang idolo sa radyo. Dumating ang 3:00 pm ng hapon at biglang naputol ang kanilang pinakikinggan, isang balita mula sa kinauukulan. Ilang taon din ang nakalipas mula ng huling nakita nina Hope ang simbolo ng taong sinasabi nilang nakahuli kay Kira, ang simbolo ni L. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay lumabas ito kasabay ng balita sa online stream. Nag-iba ang pakiramdam ni Hope ngunit wala siyang ginawang hakbang, nakinig lang siya ng tahimik, inaabangan ang mga mangyayari. Tumahimik ang lahat at nakinig ng maigi.
"Ilang taon na rin mula ng magpakilala sa mundo ang sinasabing tagapagdala ng hustisya, ang nilalang na nagngangalang Kira. May kakayahan siyang magdala ng hustisya (daw) sa mga kriminal. Nagtagal din ito ng ilang taon. Sa totoo nama'y talaga ngang nabawasan ang insidente ng krimen, ngunit nagdala ito ng malaking takot sa buong mundo. Dalawang taon ang nakalipas mula ngayon, nawakas ni L ang paghahari ni Kira. Ngunit, ngayon, bumalik na si Kira..."
Nakikinig ng maigi ang binatang Gavinner gayun din ang Death God na si Sifry. Ngunit mas nagulat ang binata sa mga sumunod na sinabi ng boses...
"...Nagbalik siya ngunit hindi na siya tulad ng dati...Mas makapangyarihan na siya ngayon... Dati'y kailangan ni Kira ang pagkakakilanlan ng isang tao, pangalan at mukha nito upang magawa niya ang kanyang (panghuhusga) ngunit ngayon, mukha na lamang ay sapat na..." Dagdag pa ng nagsasalita sa stream.
Labis na nagulat si Hope sa narinig, pinagtataka niya kung paano nalaman y'ong impormasyon na iyon. Hindi niya naitago ang bahagyang takot.
" Hah! Paano naman kaya sila nakakasigurado dyan? Haha... AHAHA!" Sambit ni Hope. May naidagdag pa ang sinabi sa stream na tila sinagot ang kanyang tanong.
"...Napatunayan namin iyan sa pag-eeksperimento, noong nakaraang linggo'y nagpalabas kami ng isang larawan sa page sa facebook ng Philippine National Police. Larawan iyon ng isang kriminal ngunit hindi namin iyon pinangalanan. Ilang oras lamang mula ng mailabas sa publiko ang larawang iyon, namatay ang nasa litrato. Dahil din sa eksperimentong iyon, ay malaki ang aming hinala na nasa Pilipinas ngayon si Kira. Bakit namin iyon nasabi? Dahil sa Pilipinas lamang iyon naipakita. Hindi namin intensyon magdala ng takot, nais naming maging handa ang bawat mamamayan..."
Nanghina si Hope sa kanyang narinig, sa loob niya'y nais niyang magwala. Para bang inapakan ang kanyang pride dahil natalo siya. Nalaman ang mga impormasyon na iyon dahil lamang sa isa niyang pagkakamali, hindi naisip ni Hope na isa lang pala 'yong patibong ng kinauukulan, hindi niya naisip na kumikilos na ang gobyerno ng mga oras na iyon, hindi niya naisip na kumikilos na si L.
Hindi pa roon nagtapos ang kahihiyan ni Hope dahil sa isa pa uling pag-aakala ay tuluyan siyang natalo ng panahong iyon. Ang simbolong L ay biglang naglaho at napalitan ng N, labis ang pagtataka nilang lahat lalo na si Hope.
"...Hindi na si L ang hahawak ng kasong ito kun'di isa na sa sumunod na henerasyon, ako ang magpapatuloy sa nasimulan ni L, tawagin nyo akong N..."
BINABASA MO ANG
Death Note: Revival of the Note
Teen Fiction2 taon na ang nakalipas mula ng mawala ang tinatawag nilang Kira, ang hustisya na nagbibigay ng kaparusahan sa lahat ng mga makasalanan, ngayon, nagbabalik ang Death Note kasabay ng mas malakas na may-ari, walang pinipili at poot ang sumusulat sa ba...