I - Antiquity

1.4K 22 11
                                    

 Mula ng dumating ang tinatawag nilang si Kira, natakot ang mga taong gumawa ng masama dahil sa baka sila ay maabot ng kamay niya at mapatawan ng hustisya. Hati ang opinyon ng mga tao, may pumapanig sa kanya at may mga tumataliwas sa layunin nya... Ngunit isang araw, nawala na lang bigla ang kanyang hustisyang kamay...

...Isang 35-anyos na matanda ang napabalitang hinalay at pinatay ang kanyang sariling apo sa Mandaluyong, kasalukuyan ng pinaghahanap ang naturang matanda... 

"Ano ba yan? Balik na naman ang krimen 'no?" Sabi ni Jethro habang nanunuod ng balita sa cellphone. Napatango na lang si Hope at tumingin uli sa bintana ng bus. "HOY Hope! Ano ka ba?! Fieldtrip ngayon, i-try mo namang magsaya!" Sigaw ni Raymond. Nagtawanan ang lahat ng lalaking nasa likod nakapwesto. Ngumiti lamang ang binata sa sinabi ng kanyang katabi. Kasalukuyan silang nasa fieldtrip at papunta sa Batangas para sa isang historical bazaar. 

"Dalawang taon na rin mula n'ong nawala ang tinatawag nilang hustisya, Kira. Ngayon, tuloy na naman ang krimen... Wala nang pag-asa ang mundong 'to... Nagsasawa na ako sa kabulukang ito... Nas'an ka na, Kira?" Bulong ni Hope sa kanyang sarili habang seryosong tinitingnan ang view sa bintana.

- Makalipas ang 2 oras -

"Yes naman! Kangawit sa puwet, putcha!" Sigawan ng mga estudyante pagkababa sa bus. Isang dalaga ang tumabi kay Hope habang naglalakad, "Hoy Hope! Ang lungkot mo yata?" Tiningnan ni Hope ang babae at ngumiti, agad dinugtungan ng dalaga ang kanyang sinabi, "...Pati tuloy ako nalulungkot na..." Sabay yuko ng ulo ng babae. Tumingin ng deretso ang binata at biglang binatukan ang babae, at saka tumawa, "Ahaha! Ang baliw mo talaga Margaret eh 'no?! Inaantok lang ako kaya ganito ako ngayon, saka ganito naman talaga ako ah, di ba?" Napatigil ang dalaga sa paglakad niya. "Uy... ayos ka lang?" Biglang humarap ang babae at pinalo si Hope sa likod nito, at pagtapos n'on ay tumakbo palayo ang dalaga, magkagayun man, nakangiti ito at makikita ang saya, "Masakit 'yon ah! Kala mo! Hindi porke't ikaw ang 1st honor pwede mo na akong batukan 'no! Bilisan mo na nga dyan, ang bagal-bagal mo talagang maglakad!"

Nakangiti si Hope at masayang sumagot, "Oo, papunta na dyan!" Sa loob-loob ng binata, "Margaret..." 

Nakarating na rin sila sa lugar, isa iyong bazaar, iba't ibang tindahan at iba't ibang produkto ang mabibili roon. "Wow naman! Tingnan mo 'to Ylliza! Astig!" Pagkamanghang sabi ni Margaret sa kanyang kasamang babae. Napakahalaga ni Margaret sa buhay ni Hope, sa lahat, siya lamang ang nakakapagpangiti sa binata at gayun din naman ang dalaga, may tinatago rin itong nararamdaman sa binata. Si Hope ang pinakamatalino sa kanilang paaralan, at siguro pa ay isa sa mga pinakamagaling sa buong bansa, mayaman siya, tahimik at kilala rin siya sa mga kababaihan. Kabaligtaran naman niya si Margaret, siya ay maganda ngunit makulit, masayahin siyang babae, maingay at sakit sa ulo ng kanilang paaralan, simple lamang siyang tao at mamamayan, ngunit kahit ganun, nagagawa niyang makapagdala ng saya sa mga tao sa kanyang paligid, ang bagay na nagustuhan ni Hope.

Maya-maya, biglang tinawag ni Margaret si Hope sa isang antique shop, "Hoy 1st honor! Punta ka dito dali! Mahilig ka sa history di ba?" Sinabayan pa ng nakakaasar na pagngiti. Lumapit naman kaagad si Hope dala ng kanyang kuryusidad. Tumingin-tingin sila sa loob, "Wow! Tingnan mo 'tong lumang baso oh! Sigaw ni Margaret, "Ang ingay-ingay mo naman! Nakakahiya ka!" Sabad naman ni Hope.

Biglang nabaling ang atensyon ng binata sa isang notebook, "Teka, isang notebook? Hindi naman ito mukhang luma ah, ang disensyo nito..." Kinuha ni Hope ang notebook nang biglang napaalam ang dalawa niyang kasamang dalaga, "Iwan ka na namin dito ah, tutal naman nag-eenjoy ka na eh, nabobored kami sa mga ganito, alam mo naman, ahaha!" Tango na lamang ang isinagot ng binata dahil na rin sa pag-iisip sa hawak nitong notebook. 

Tumingin pabalik ang dalagang si Margaret at yumuko ngunit nakangiti, biglang nagsalita si Ylliza, "...Bakit ba ayaw mo pang sabihin sa kanya...? Na mahal mo siya..." Namula si Margaret, "Hay ewan ko sa'yo! Tara na nga!" Bahagyang napangiti ang dalaga.

Inusisa ni Hope ang hawak-hawak niyang notebook, binuklat niya ito, nabasa niya sa unang pahina ang mga katagang...

"The human whose name is written in this note shall die.

Natawa na lamang si Hope sa kanyang nabasa, "Ano bang klaseng tindahan ito? Antique shop ba talaga ito?" Agad niyang binitawan ang notebook at saka umalis sa tindahang iyon.

"...Kamatayan..." Napangiti ang binata habang naglalakad palayo.

Bahagya nang nakalayo si Hope mula sa tindahan nang biglang siyang mabunggo ng isang lalaking naka-itim, hinahabol nito ang kanyang hininga, "Tulungan mo ako, may mga humahabol sa akin, gusto akong bugbugin, gusto akong saktan..." Bakas sa mga mata ng lalaki ang takot, nandilim ang mga paningin ni Hope na tila gusto na niyang ilibing ng buhay ang mga humahabol sa lalaki dahil para sa kanya isa 'yong pang-aapi sa mahihina. "Ako ng bahala rito, umalis ka na..." Sabi ng binata at agad namang tumakbo paalis ang lalaki, "...Salamat..."

Hindi rin nagtagal ay dumating na ang mga humahabol sa naturang lalaki, "Bata, may nakita ka bang lalaking tumatakbo, nakaitim sya..." Tanong ng isa sa mga humahabol. "Wala akong nakitang tumatakbo, pasensya na." Deretsong sagot ni Hope at saka naglakad paalis.

"...Ang mundong 'to... Ang mga tao... Kira..." Wika ni Hope sa kanyang sarili.

Dahil ang lugar na iyon ang pinakahuli sa kanilang mga pupuntahan, mahabang oras ang ibinigay sa mga mag-aaral na makapag-ikot at makapamili ng souvenir. Kasama ni Hope ang kanyang mga kaklase ng bigla silang may nasalubong na mga taong papunta taliwas sa kanilang direksyon...

"...Ano daw ba yung meron?" Sabi ng isang ususero.

"...Hostage taking pare, na-corner kasi ng mga pulis yung matagal ng magnanakaw sa lugar na 'to, ilang civilian nga ang hostage nya, may dalawa pang estudyante. Balita ko pa d'on daw banda sa may antique shop eh..." Sagot naman ng isa.

"...Sa antique shop..." Sa loob-loob niya. Bigla namang nakatanggap ng tawag ang isa sa mga kasama niya, pagkarinig ay nag-iba ang mukha nito, nabalot ng takot. Agad siyang tinawag ni Jethro na halatang-halata sa tinig nito ang takot, "Hope ...Si-sila Ylliza at...Ma-margaret... hostage..." Pagkarinig ay agad tumakbo si Hope.

"Margaret! Papunta ako dyan!" Sigaw ni Hope.

Pagkarating ni Hope sa lugar ng hostage taking ay nakarinig sila ng putok ng baril... nakita nya si Margaret, naliligo sa sariling dugo... at ang taong bumaril ay ang naka-itim na lalaki na pinatakas niya...

Death Note: Revival of the NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon