- Umaga -
Natapos na ang pag-iimbestiga ng mga pulis at nalinis na rin ang bahay. Naghahanda na si Hope sa pagpasok na parang walang nangyari. Bumaba na ang binata at dumiretso sa kusina ng bahay. Doon ay naghahanda ng agahan ang kanilang kasama sa bahay, si Aling Jocelyn, siya rin ang nakasaksi o mas dapat sabihing ginamit ni Hope sa krimen. Hindi man gaanong halata pero ramdam ng binata ang takot at lungkot ng matanda.
"Oh Hope, maupo ka na at kumain, nilutuan kita ng paborito mong omelet..." Pilit na pagngiti ng matanda.
Agad umupo ang binata, inalok niyang kumain ang matanda ngunit tumanggi ito. Kalmado lang si Hope habang kumakain, tahimik ito. Biglang nagsalita ang matanda.
"Napakasakit ng mga nangyari sa'yo Hope, pero alam kong kaya mo 'yan..." Sabay napaluha ang matanda at agad din naman niya itong pinunasan.
Hindi sumagot ang binata at mabilis ng tinapos ang pagkain. Bago umalis ay nagsalita si Hope.
"...Dapat lang 'yon sa kanila..." Kasabay nito ay naglakad na paalis papasok sa eskwelahan.
- Sa Paaralan -
Maraming bagay ang naglalaro sa isip ni Hope. Naalala niya si Margaret, ngayong wala na ang dalaga, wala ng kwenta sa kanya ang pumasok sa paaralan. Nakarating ng siya sa kanilang room, pagbukas ng pintuan ay agad sumalubong sa kanya ang kanyang mga kamagaral, nagpakita ang mga ito ng simpatya dahil sa mga nangyari kay Hope, ang pagkamatay ni Margaret at ng kanyang madrasta.
"Pre! Condolence! Saklap ng nangyari sa'yo, sunud-sunod." Bungad ni Jethro.
"Oo nga pre, pero kaya 'yan, ikaw pa!" Dagdag naman ni Bien.
"Ah eh, salamat sa concern..." Pagpapasalamat ng binata.
"Kung makapagsabi naman kayo ng condolence eh parang di naman condolence, para lang kayong bumabati ng happy birthday. Mga hyper masyado. 'Wag mo lang silang pansinin Hope, Pinapalakas lang nila ang loob mo." Wika ni Pau.
Pagtapos n'on ay umupo na kaagad ang binata, nilapitan siya ni Pau.
"Hope... kung kailangan mo ng makakausap, ano, nandito lang ako... ah eh, syempre kasi gusto kong makatulong, gan'on, basta sabihan mo lang ako, baka makatulong naman ako kahit papano." Nakatitig si Hope kay pau at ito''y nagpasalamat, agad din namang umalis si Pau pagtapos n'on.
Nagpakita na uli si Sifry kay Hope at ito'y nang-asar.
"Hehehe! Mukhang may gusto sa'yo 'yong Pau ah?! Ahaha! Swerte nga naman, may kapalit na kaagad ang girlfriend mo."
Bahagyang nag-init ang ulo ni Hope sa sinabi ni Sifry, "Walang kapalit si Margaret! 'Yan ang tatandaan mo, at 'wag kang makikialam sa bagay na gan'on!" Pabulong ngunit matapang ang tono.
"Relax lang, pasensya na. Hehehe!"
- Hapon -
Pagkatapos ng kanilang klase ay niyaya si Hope ng kanyang mga kaklase na sumama sa kanila sa pagpunta sa lamay ni Margaret. Hindi na siya tumanggi at sumama na lang. Habang papunta sila sa bahay ng dalaga, iba ang kanyang pakiramdam, lungkot, galit at iba pang emosyon ang patuloy na umiikot sa loob niya.
"Pre, nga pala, patingin naman n'ong regalo sa'yo ni Margaret, 'yong notebook." Biglang sabi ni Jethro
"Oo nga, may nakasulat ba d'on?" Dagdag naman ni Bien
"Oo nga...Patingin naman kami..." Sabay-sabay na sabi ng kanyang mga kaibigan
Hindi malaman ni Hope ang gagawin, hindi niya inaasahan iyon dahil akala niya ay hindi nito makukuha ang atensyon ng iba. Napailing lamang siya ngunit hindi sumagot. Ang totoo'y ayaw niyang ipakita, at hindi niya dapat ipakita, mabuti na lamang at napansin ito ni Pau.
"Ano ba kayo? Tigilan n'yo kaya muna s'ya, depress pa nga 'yong tao, kinukulit n'yo naman, baka mabaliw 'yan. Ipapakita n'ya rin naman 'yon sa'tin, pero hindi nga lang ngayon, di ba Hope?" Pabirong pagtatanggol ng dalaga
"...Si Jet kasi, depress nga eh..." Sumang-ayon na lang 'yong iba pero hindi pa'rin nawala ang kanilang pagka-curious.
Pagtapos n'on ay tumuloy na sila sa paglalakad. Nagpasalamat si Hope kay Pau dahil sa ginawa nito. Nagsalita bigla si Sifry.
"Muntik ka na d'on bata... hehehe..."
"...Tumahimik ka..." Banas na sagot ng binata.
Maya-maya pa'y nakarating na sila sa lamay ni Margaret. Nanghihina si Hope, hindi siya lumapit sa kabaong at nanatili lang siya sa dulong upuan. Nagngingitngit sa galit at lungkot. Patuloy niyang sinisisi ang mundo. Lalong tumindi ang galit niya sa lahat ng mga tao, hindi na lamang sa masasama pero pati na rin sa mga inosente. Sa sulok ay tinitingnan siya ng death god na nababalot sa anino, ang mga mata nito'y parang umiilaw na dugo.
Sabay-sabay din silang umalis na magkakaklase pagtapos kausapin si Hope ng magulang ng namatay na dalaga, nagpasalamat ang mga ito dahil alam nilang ang binata ang isa sa mga nagpasaya sa kanilang anak.
Sa pag-alis nila, nangako si Hope kay Margaret na siya ang magbabago sa mundo. Pag-uwi niya'y agad niyang tinapos ang kanyang mga dapat gawin, mga assignments, hapunan at iba pang mga bagay. 9:30 ng gabi, umupo siya at nag-search sa internet.
-Local killings-
"...Sisimulan ko sa mga kriminal...saka ang mga inosente na pipigil sa gusto ko..." Mga salitang naglalaro sa isipan ni Hope.
Patuloy lang si Hope sa pagsusulat ng mga pangalan sa note nang biglang may pumukaw sa kanyang atensyon, isang post sa facebook na galing sa page ng PNP. Matindi ang pagpapahalaga ni Hope sa hustisya kaya naman pati page ng police sa facebook ay pinatos na niya. Nagpapadala kasi ito ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa mga krimen pati mga impormasyon tungkol sa ilang mga kriminal.
"...If anyone seen him, please immediately inform the police. 5'9" in height..." Ang nakalagay sa post ngunit hindi binanggit ang pangalan nito.
Natawa si Hope.
"Ahaha! Walang makakaligtas sa'kin ang kahit na sino!"
Dahil sa mata ng death god ay nalaman niya ang pangalan nito at agad na isinulat sa note. 12 na ng madaling araw nang siya'y matapos ang nagdesisyong matulog.
BINABASA MO ANG
Death Note: Revival of the Note
Teen Fiction2 taon na ang nakalipas mula ng mawala ang tinatawag nilang Kira, ang hustisya na nagbibigay ng kaparusahan sa lahat ng mga makasalanan, ngayon, nagbabalik ang Death Note kasabay ng mas malakas na may-ari, walang pinipili at poot ang sumusulat sa ba...