"...Chief...nasa conference room na po ang lahat ng mga napatawag para sa kaso na'to..." wika ng babaeng assistant sa kasama nitong matangkad na lalaki. May puti na ang buhok nito at katamtaman ang pangangatawan para sa edad nitong mga nasa 50, kagalang-galang ang itsura nito. Di nagtagal ay nakarating na sila sa conference room, puno ang kwarto ng mga opisyal ng pulisya, ilang abogado at mga detective.
Mabilis na tumungo sa harapan ang lalaki at nagbigay ng maikling pambungad, pagtapos n'on ay ipinasok na niya ang tunay na layunin ng lihim na pagpupulong na iyon, ang ilang kaso ng pagpatay na hininala nilang kagagawan ni Kira. "...Nitong nakaraang tatlong linggo, maraming natalang mga pagkamatay ng mga kriminal sa iba't ibang parte ng mundo. Ang nakakaalarma rito ay ang kung p'ano sila namatay, 65% sa mga ito ay namatay sa atake sa puso. Isa sa mga senyales na maaaring may kinalaman dito ang tinatawag nilang Kira..."
Nagpatuloy ang pagtalakay ng lalaki kasabay ng isang presentation na nagpapakita ng mga datos ukol sa mga krimen, mga autopsy report at mga statistics ng kaso. Nang natapos ang presentation ay muling nagsalita ang lalaki, "...Malaki ang posibilidad na nagbalik na nga talaga si Kira. Dahil dito, makikipagtulungan na tayo sa Interpol. Hindi basta-basta ang kasong ito kaya naman kayo ipinatawag dito. Ang utos ng nasa taas ay hindi tayo gagawa ng kilos na susubok sa paghuli o sa paghanap kay Kira pero top priority natin ang pag-contact sa Interpol, gayon din ang patuloy na pag-obserba sa sitwasyon..."
May ibang napatayo sa upuan, nagulat sa sinabi ng chief, "...Pinatawag-tawag tayo dito pero pagcontact lang pala sa Interpol ang trabaho natin!" Ang iba nama'y, "...Iniinsulto ba nila tayo?!..." , "...Wala ba silang tiwala sa'tin?!..." Nagkakagulo na ang lahat.
"TUMAHIMIK NGA KAYO! MGA PROPESYONAL BA TALAGA ANG MGA NARITO?!" Isang malakas na sigaw na nagmula sa likod, at ang lahat ay napalingon doon. Isang babae ang pinanggalingan, balingkinitan ito at maganda ngunit halata rito na hindi siya isang pilipino...
"Nagsalita na kaagad kayo ni hindi n'yo pala naiintindihan ang totoong sitwasyon ngayon..." Kumilos na ang babae mula sa pagkakasandal nito sa pader at nagsimulang lumakad papunta sa harapan, muli niyang ipinakita ang presentation at tinuon niya ito sa slide na nagpapakita ng lokasyon ng mga kriminal na namatay.
165 Total Victims
107 victims died due to Heart Attack without past clinical record
53 victims died in different fashion (Self mutilation, accident, etc)
30% - North America
65% - Asia
5% - Europe
Mayabang na nagsalita ang isang abogado, "Ano ngayon ang gusto mong sabihin?" Nakataas ang isang kilay nito habang nakangiti.
Hindi sumagot ang babae bagamat nagpakita pa ng break down ng mga bansa sa asia na may record ng kaso...
65% - asia
45% - Philippines
5% - Japan
10% - China
5% - other asian country
Nagulat ang lahat sa ipinakita ng babae. Napatigil ang mga ito at napaupo na lamang, ang iba nama'y napahawak sa kani-kanilang mga mukha. Ang iba ay nakatitig lamang sa datos.
45% - Philippines
"Ngayon, naiintindihan n'yo na ba ang sitwasyon natin?" Sambit ng babae ngunit walang mababakas na emosyon sa mukha nito ng humarap sa mga tao. "Salamat Detective Yagami..." Pagpapasalamat ng chief sa batang detective. "Ginagawa ko lang ang trabaho ko rito Chief Fabrero." Matikas na wika ng dalaga.
Bahagyang nabigla ang assistant ng chief ng marinig niya ang apelyido ng babaeng detective. "...Yagami? 'Wag mong sabihing..." Sinagot siya bigla ng kanyang boss, "Oo, siya ang nakababatang kapatid ni Light Yagami, ang dating Kira..."
"Ngayon at alam na ng lahat ang sitwasyon, inaasahan kong hindi makakalabas ang pinag-usapan dito hangga't wala pang utos mula sa taas. Matinding pag-iingat ang dapat nating gawin, isang mali lamang ay pwedeng madamay ang mga inosente..." Bilin at pagwakas ni Chief Fabrero sa pagpupulong na iyon.
"Malapit na ding dumating ang magiging in-charge sa kaso na ito..." Nakakabiglang sabi ni Detective Yagami. Nagtinginan ang lahat sa dalaga at sa chief. Napayuko na lamang ang matanda sapagkat totoo ang sinabi nito, na hindi talaga siya ang hahawak ng naturang kaso. Mas magaling, mas matalino ang hahawak sa kasong iyon, at ang pinaka-importante sa lahat, may karanasan ito... At kanyang nalutas...
Papauwi na sina Hope kasabay ng ilang mga kaklase nang biglang may maipasok na topic ang isa sa kanyang mga kasama. "...Pre, nabalitaan n'yo na ba yung nangyari sa may park yata 'yon, apat na lalaki, sabay-sabay daw namatay." May damdaming pagkwento ni Jethro sa kanyang mga kasama. Aliw na aliw namang nakikinig ang mga kasama niya ngunit nagpapanggap lamang si Hope. Bumulong sa kanya si Sifry, " 'Yong sinasabi niya yata eh 'yon ang unang nagamitan mo ng mata ng Death God, di ba? Naalala mo?"
Naalala nga ito ng binata, nangyari 'yon nung kasama niya si Sifry upang mapag-usapan kung paano niya napalabas na inosente siya sa pagkamatay ng kanyang madrasta. "Ang tagal nang balita n'yan! Last week pa yan eh!" Pang-aasar naman ni Bien at ni Raymond.
Mag aalas-sais na nang makauwi ang binata. Nagulat siya kung bakit maraming tao sa kanilang bahay. Nawala sa isip niya na 'yon pala ang araw ng simula ng lamay ng kanyang madrasta. Pagkapasok niya ng bahay ay nakita niya agad ang kanyang ama, naka-wheelchair ito at tahimik lamang. Nagdalawang isip siya kung kakausapin niya ba o hindi ngunit kinalabit siya ni Aling Jocelyn. Tumutungo ito sa direksyon ng kanyang ama kaya't naman wala na itong nagawa pa. Mabagal itong naglakad patungo sa gilid ng kanyang ama.
"...Nakauwi na po pala kayo..." Nakatayo lamang ito sa gilid, hindi man lamang niya nilingon ang ama. Agad naman napatingin ang kanyang ama sa kanya at ngumiti. Nasaktan ito sapagkat hindi man lamang siya nilingon kahit na matagal silang hindi nagkita. Alam naman ni Mr. Gavinner kung bakit gan'on na lamang ang pakikitungo ng kanyang anak sa kanya, ito'y dahil nag-asawa muli ito na ayaw mangyari ni Hope, nagkataon pang masama talaga ang ugali ng napiling bagong asawa kaya't naman lalong tumindi ang galit ng binata sa kanya. Nang akmang magsasalita na ang matanda ay agad naman umalis ang binata, "...Aakyat na po muna ako..." Mabilis itong umalis at dumiretso sa kanyang kwarto. Pagkapasok ay agad niyang ni-lock ang pinto.
Mapapasuntok ito sa pader, "...Naaawa ako sa'yo Papa...Bakit ba kasi isang katulad pa niya ang pinili mo?!" Wika niya sa kanyang sarili. Nasa sulok lamang si Sifry habang tinititigan ang binata, muli, nababalot ito ng anino at nagniningas na naman ang mga mata nito na parang nag-aapoy na dugo. Naupo na lamang si Hope sa kanyang study table at kinuha ang Death Note, nagsimula na naman siyang magsulat dito na puno ng galit at lungkot.
" 'Yan ang pinagkaiba n'yo ng dating Kira...hindi siya kayang mamanipula ng kahit na sino o ano dahil...wala siyang puso..." Wika ni Sifry sa kanyang sarili at napangiti ito ng malaki.
- NAIA Terminal 2 -
Flight From Japan - Arriving
Nakangiting sinalubong ni Detective Yagami ang kanyang mga susunduin.
"Medyo napaaga yata ang pagpunta n'yo, N"
BINABASA MO ANG
Death Note: Revival of the Note
Teen Fiction2 taon na ang nakalipas mula ng mawala ang tinatawag nilang Kira, ang hustisya na nagbibigay ng kaparusahan sa lahat ng mga makasalanan, ngayon, nagbabalik ang Death Note kasabay ng mas malakas na may-ari, walang pinipili at poot ang sumusulat sa ba...