Chapter 3
"Aray! Nababaliw kana ba?" tanong saken nung lalaki
Ano daw ako baliw? Lakas den neto ni kuya eh. Ako pa talaga baliw? Eh samantalang ako nga tong nag-ligtas sa kanya. Tapos sasabihan lang niya ako ng baliw
"Gising na pala kayo, okay naba kayo?" Tanong samen ng kakapasok lang na lalaki na naka puting attire
"Ah. Opo doc, maraming salamat po. Pwede na po ba kameng umalis?"
"Sige, pag-katapos ko muna kayong tignan kung okay naba talaga kayo"
Okay? Okay naman ako ah. Ba't ano bang akala nila saken? Kung alam lang nila hindi kaya ako namamatay!
Pag-katapos kaming i-check nung nakaputing lalaki pinaalis na niya kami
Ano yun? Walang bayad ba yon?
"May naalala kaba kung san ka nakatira?" Tanong sakin nung lalaking kasama ko na INILIGTAS ko, capslock para dama niya
"H-ha? Di ka naman maniniwala" kahit naman kase sabihin ko kung saan ako nakatira hindi siya maniniwala
Malamang sa malamang akalain pa ulit neto na baliw ako at ipa-mental pa ako
"San nga? Ihahatid na kita"
"Wala akong matandaan" kaya yan nalang sinabi ko diba kaysa naman akalain neto na baliw ako diba?
"H-ha? Pano yan? Alam ko na tara dadalhin nalang kita sa mga pulis"
Pulis? Baket may nagawa ba akong kasalanan? Ha?! Wala naman diba
"Ayoko! Ayoko sa pulis"
"Eh sa kita dadalhin?" San nga ba?! Ba't ba kasi naging tao ako?
Ano bang nangyari?
"Sa buhay niyo muna ako" nangiti kong sabi para naman mapapayag ko siya diba? Gamitin ko charms ko, sayang naman
"ANO KA! AYAW KO NGA!" sabi niya at napatigil siya sa pag-lalakad. Aba, ako ba tinatanggihan neto?
"Sa ayaw at sa gusto mo sasama at kaya tara na?"
~*~
Sa huli di na rin nakapalag si kupal, so since na hindi ko alam ang pangalan niya kupal nalang itatawag ko sa kanya
"Lola ayaw ko siya dito!" aba nag-mamaktol pa to sa lola niya
"Psh. Baby damulag" halos pabulong ko nasabi
"A-ANONG SABI MO? AKO BABY DAMULAG?"
"Marky, iho hayaan mo muna siya rito tutal iniligtas naman niya ang buhay mo. Dapat nga mag-pasalamat ka at buhay kapa" matatawang sabi nung lola ni marky?
"Lola, maraming salamat po ha?" Sabi ko sa lola ni marky
"Ay. Naku iha maliit na bagay iyon sa nagawa mo sa anak ko" ang bait naman ng lola ni marky, ba't kaya di siya nag-mana rito no?
"Sige maiwan ko muna kayo, marky ikaw muna bahala sa kanya ha? Ikukuha at ipag-hahanda ko lang siya ng kanyang susuotin"
At umalis na nga si lola, ayaw ko maiwan rito kasama si marky
"Lola tutulungan ko na po kayo" sabi ko kay lola, kahit ayaw niya nag-pumilit pa rin ako kaysa naman maiwan ako sa isang yun
"Si marky.. Wala na siya magulang, iniwan saken siya ng kanyang ina nung bata pa lamang siya" kwento saken ng lola ni marky labang nahahanap siya ng damit na maisusuot ko
"Ganun po ba? Ano daw po dahilan ng nanay ni marky?" Ewan, nagiging chismosa na ako
"Nga pala iha itp na yung damit, sa katabi ng kwarto ko sa may kanan nandun na yung kwarto mo, may hihigan kana dun, may unan at comforter naren" ewan biglang iniba yung usapan ni lola siguro masyadong private kaya ganun
"Salamat po ulit ms. mendoza" tinamaan naman ako ng hiya na sabihin na lola baka kasi mamaya niyan sabihin ni lola masyado akong feeling close sa kanya
"Lola nalang itawag mo sakin iha, tinawag mo na akong lola kanina diba? Wag ka ng mahiya, kung may kailangan ka pa puntahan mo nalang ako dito ha?"
"Opo, salamat po ulit" nginitian lang ako ng lola ni marky kaya naman lumabas na ako at nag-tungo sa kwato to
Ano bang nangyari? Talaga bang nakikita nila ako?
To be continued..
BINABASA MO ANG
Fall For A Human
Teen FictionI know this can't be happen. I know it's not part of my living here, di dapat to mangyari! Dahil tao siya. But why i can't leave him? Dati naman wala akong pake kung may maiwan man ako pag-umalis na ako dito sa mundong to Besides hindi kami para sa...