Kussun_Knights
-Thanks for reading my story beshie :') imsyouChapter 5
Nagising ako sa liwanag na natakatapat sa mga mata ko
Totoo ba lahat ng ito? Tao pa rin ako ..
Inayos ko lang yung room ko at lumabas na rin ako ng kwarto at nakita ko sila lola sa may hapag-kainan at si marky
"Gising kana pala iha, tara kumain kana" aya sa akin ng lola ni marky ng makita niya ako
Kaya napatingin sa akin si marky at yung mga mata niya, ang cold ng mga tingin niya hindi ko alam kung bakit. Bakit siya ganun? Parang kagabi lang kinakausap niya ako
"Iha? Okay ka lang ba?" Napatingin ako kay lola hindi ko alam na nakatingin pa rin papala ako kay marky kanina pa
"Opo lola" nginitian ko si lola para hindi na siya mag-alala pa saakin
Ano ba to! Ang hirap naman kumain, hindi ako sanay.
Ang hirap kaseng hiwain tong steak, sa sobrang hiwa ko di ko namalayan na tumalsik yung steak sa muka ni marky
Gosh.
Ano bang nagawa ko?
Well, tumalsik lang naman yung steak mo sa muka niya
Nakatingin siya saken, at mahahalata mo sa muka niya ang galit sakin
"S-sorry" ano ba to! Bakit ba ako nauutal eh samantalang wala naman akong kasalanan sa kanya, i mean di ko naman sinasadya eh
"Ayoko na, nawalan na ako ng gana" umalis siya ng hapag-kainan ng galit pa rin saakin
"Lola hindi ko naman po sinasadya eh diba?"
"Oo iha alam ko yun, wag mo nalang pansinin yang apo ko ha? Pasensya na"
Wala namang kasalanan si lola eh! Bakit siya ang humihingi ng tawad para kay marky!
"Okay lang po lola, tapos na po akong kumain"
Syempre bago ako umalis iniligpit ko yung pinakainan ko kahit sabi ng lola ni marky siya na, kase naman nakakahiya makikikain na lang ako tapos hindi pa ako tutulong diba?
Susundan ko si marky, hihingi ako ng tawad sa kanya
Ewan para siguro akong tanga kasi naman ako yung hihingi ng tawad kahit wala ako kasalanan
Nakita ko si marky sa isang park medyo malayo ren ito sa bahay
Hindi ko nga alam kung paano ko nalaman kung nasaan siya basta kusa nalang akong dinala ng mga paa ko rito na para bang may buhay sila
Nakita ko siya nakaupo sa isa sa nga bench doon na napapaligiran ng nga halaman
Ang ganda nga ng lugar eh feeling ko para akong nasa drama, naupo ako sa tabi niya
"Marky .. Sorr-"
"Tama na! Sorry ka ng sorry! Alam mo para kang walang alam! Bobo kaba o tanga?!" Pag-puputol niya sa sinabi ko
Naluluha ako, nangingilid yung mga luha ko pero pilit ko itong pinipigilang bumagsak dahil sa ayokong makita niya akong umiyak
"A-alam mo payag pa sanang akong tawagin mo akong baliw eh. Pero yung bobo at tanga? Oo na! Edi kung yun ang gusto mong isipin mo sa akin, wala na akong pakialam!"
At ayan na nga tumulo na ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan
Pero kaysa pakinggan niya ang sinabi ko sa halip iniwan niya ako
Nag-taka nga ng mag-salita siya na ginagulat ko
"Wag mo akong susundan."
Huwag ko daw siya ano? Sundan?
Nasisiraan naba siya? Eh. Samantalang siya lang ang kilala ko dito sa mundong to
Paano naman ako uuwi nito? Ni hindi ko nga mataandaan kung paano ako nakapunta rito eh, tapos umuwi pa kaya
Kaysa naman mag-mukmok ako dito sa napakagandang park na ito, iginala ko ang tingin ko sa paligid napakaganda
Nag-lakad lakad ako alam kong nakasunod sa likod ko si kuya pero hindi siya nag-sasalita
Maya-maya pa napadpad ako sa isang factory ng mga stufftoy and nakakita ako sa basurahan ng stufftoy
"Kawawa ka naman tinapon ka nila? Parehas tayo"
Ewan ko ba ba't nadamay buhay ko dito, nagiging madrama na ata ako
Hmm. Ang lamig umuulan kasi kaya naman sumilong ako sa isang convenience store
At nakatingin ako sa lalaking kumakain ng noodles, ang sarap naman na gugutom na ako
Napatingin siya saaken siguro akala neto, patay gutom ako or pulubi
Maya-maya pa lumabas na siya at may hawak siyang parang bubong pero maliit lang tapos may hawakan ba malay ko tawag dun
Sumilong ako sa tabi niya, kung bakit? Gusto ko e! Tapos kung saan niya dalhin yung bubong niya sumusunod ako, tsk. tanga lang?
Pero tinanggal niya yung bubong niyang hawak kaya naman naulanan, hmmp! ako aalis na sana siya ng mag-salita ako
"Ang sama mo! Parehas kayo ni marky"
Tumingin ulit siya saken at binigay niya saken yung bubong na hawak niya at ngitian niya na ako at umalis
"Binabawi ko na yung sinabi ko! Salamat" pahabol ko pa
-A/N: For my lovely readers, leave a vote or comments, para naman makilala ko kayo and i'll dedicate you next chapters. Thank you :* mwaa
BINABASA MO ANG
Fall For A Human
Teen FictionI know this can't be happen. I know it's not part of my living here, di dapat to mangyari! Dahil tao siya. But why i can't leave him? Dati naman wala akong pake kung may maiwan man ako pag-umalis na ako dito sa mundong to Besides hindi kami para sa...