Chapter 6
Kasalukuyan akong nag-lalakad sa gilid ng mga sasakyan
At ano nga ba ang pinabalak ko?
Mag-papakamatay na ako..
Dahil hindi naman talaga ako isang mortal para tumira dito at mag-tagal pa, atsaka para saan pa?
Nang may nakikita ako sa di kalayuan na isang truck inihanda ko na talaga ang sarili ko
Oo, natatakot ako pero bahala na..
Gagawin ko na talaga ito na
Tatawid na ako, makikita ko sa harap ko ang nakakasilaw na liwanag na papalapit sakin at--
Napayakap ako sa isang lalaking ito ng tingalain ko kung sino siya, totoo ba tong nakikita ko? si marky--
"Nasisiraan kana ba?!"
Ngayon siya pa may ganang manigaw matapos niya akong pag-salitaan ng masasakit na salita
"Sinira mo ang plano ko! Nakakabwiset ka!"
Kasabay ng pag-palo ko sa balikat niya ang pag-iyak ko
Letche. Siya! Imbis na patay na ako ngayon at kapiling ko na ulit si kuya
Oo seriously imbis na matuwa dahil buhay pa ako, naiinis ako
"Sorry--"
Nagulat ako sa sinabi ni marky kaya napatingin ako sa kanya
"Ano bang sinasabi mo dyan! Matapos mo akong ipag-tabuyan kanina lang ngayon mag-sosorry ka! Bakit ka ba nandito ha?! Sabi mo kanina wag kitang sundan kaya hindi kita sinundan tapos ngayon pupunta punta ka dito at sinira mo pa ang plano ko!"
Wala na akong pakialam kung nababasa na kami dahil nga sa lumipad yunv payong ko kanina
"Sorry-- na nga eh, ang drama mo! pasalamat ka nga at mabait ako kaya binalikan kita at hinanap, chossy ka pa"
Loko tong lalaking to ah. Sinabi ko ba sa kanyang balikan niya ako? Wala! tapos ako pa ngayon madrama kairita
Hindi ko siya pinasin dire-diretso lang akong nag-lakad palayo sa kanya pero wala pa sa limang hakbang pinigilan niya ako at hinawakan ang kamay ko papalapit sa kanya
Ngayon halos makalapit na ang muka namin kokonting space nalang ang natitira at halos ramdam ko ang pag-hinga niya
"Saan ka pupunta? Hindi ka pa nag-papasalamat saakin kaya hindi ka aalis atsaka uuwi na tayo"
Hindi ko makapag-salita parang napipi ako dito at umurong lahat ng galit ko kanina pero pinilit ko pa rin ipakita sa kanya na hindi ako nag-papaapekto sa kanya
"W-wala kanang paki dun, kala ko ba sabi mo sakin kanina wala kang paki sakin"
"Kanina yon, ngayon hindi na"
Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya, halos hindi ko alam kung anong dapat ko bang sabihin
Lapastangan siya wala siyang karapatang barahin ang isang anghel na katulad ko
Papalapit ng papalapit ang muka niya saakin ngayon hindi ko alam kung anong gagawin ko
Hahalikan niya ba ako?
Ganito den yung napapanood ko sa mga drama, hindi hindi pwede ito hinahalikan lang ng isang lalaki ang isang babae kung may gusto siya dito o kung mahal niya ito
"S-salamat" sabi ko ng nakapikit
Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para itulak siya
"Aish, tara na nga"
To be continued ..
BINABASA MO ANG
Fall For A Human
Novela JuvenilI know this can't be happen. I know it's not part of my living here, di dapat to mangyari! Dahil tao siya. But why i can't leave him? Dati naman wala akong pake kung may maiwan man ako pag-umalis na ako dito sa mundong to Besides hindi kami para sa...