Chapter 8

35 21 3
                                    

Chapter 8

Hinila na lang ako ni marky palayo dun sa babaeng may gusto sa sa kanya

At hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari, wala akong natatandaan na kami na pala, ni hindi nga niya ako nililigawan eh. Paano magiging kami

Ng bumalik ako sa katinuan hinigit ko ang kamay ko na hawak ni marky kaya napahinto siya sa pag-kaladkad saakin

"Oy! Ikaw kaylan mo pa ako naging girlfriend ha? As far as i know ang sungit mo nga saakin eh!" i said in irritated tone

Pero imbis na pansinin niya yung sinabi ko nag-patuloy lang siya sa kanyang pag-lalakad at nilagpasan ako

"MARKY!" sinigawan ko siya pero patuloy pa rin siya sa kanyang pag-lalakad

At ang layo na niya saakin, nakaramdam ako ng hilo at may nag-flash na pangyayari sa utak ko

"Ano? Iiwan mo rin ako? Sige umalis ka iwan mo na rin ako!" sigaw ng isang lalaking di ko maaninag ang muka

"H-hindi naman sa ganun marky, hindi ko lang--" naputol ang sasabihin ng babae dahil sa sinabi ng lalaki sa kanya

"Iwan. Mo. Na. Ako."

Everything went black ..

Ang huli ko nalang narinig ay ang tawag saakin ni marky at mga yabag kung nasaan ako.

_-_

Nagising nalang ako na nandito na ulit ako sa bahay, sa kwarto ko sinubukan kong umupo ngunit nahilo ako

"Jillian.."

Agad akong kinilabutan sa narinig ko, hindi ako maaring mag-kamali si kuya ito

"K-kuya ano bang nangyari saakin kanina? Atsaka ano yung nakita ko?" naguguluhan ako.

"Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo, paalam na."

"Kuya!" sinubukan ko bang tawagin si kuya pero nawala na siya

Nagulat ako sa kung sinong pumasok sa pinto at inuluwa nito si marky na may expresion sa muka na nag-aalala

"J-jillian, anong nangyayari sayo ha? Okay ka na ba? Sinong kausap mo?"

Sunod-sunod ang tanong ni marky ngunit ikinabigla ko ng tawagin niya ako sa pangalan ko

Alam ko ang pangalan ni marky, pero siya ni kahit kaylan hindi ko nabanggit sa kanya ang pangalan ko

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" diretso anv tingin so sa mga mata niyang kulay itim

"A-ano kasi .. Nakalagay dun sa bracelet mo" at agad siyang nag-iwas ang tingin

Napatingin naman ako sa wrist ko at nakita ko nga yung bracelet na tinutukoy niya. Nung dumating ako sa lupa wala ako nito, saan naman nanggaling ito?

"Huwag na huwag mong tatanggalin iyan jillian.. Proteksiyon mo yan" parang hangin na dumaan sa tenga ko ang boses ni kuya

"Kamusta kana? Okay ka na ba?" nakalimutan kong bahagya nandito pala si marky sa kwarto ko

"Ah. Oo ano bang nangyari saakin kanina ha?"

Umupo ni marky sa edge ng higaan ko at ikiniwento niya ang nangyari kanina

Sabi niya nahimatay raw ako marahil sa pagod buti nalang daw at nasalo niya ako dahil kung hindi baka tumama na ang ulo ko

Tinanguan ko lang si marky at inaya na niya akong kumain sa baba ngunit sabi ko susunod nalang ako

Nang makalabas niya nagulat ako ng biglanv umilaw yung bracelet

Hindi ko alam kung ano bang ibig sabihin nito

Pero isa lang ang sigurado ako masama ito.

Fall For A HumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon