Kabanata 2: Ang Simula
Dalawang araw na lang bago ang final examination. Ito yung crucial time para sa mga estudyante lalo na sa mga honor students.
Less than two months na lang matatapos na ang school year na to.
Dumating ang araw ng examination. Confident ako na makakakuha ako ng mataas na scores dahil pinagpuyatan ko talaga ang pagr-review inabot na nga ako ng 1am.
Natapos ang lahat ng subject nang first day.
"Ang hirap ng exam! Bakit kasi hindi ako nagreview?!" Sabi ni Jannikka habang pabba kami nang hagdan.
"Sus. Stock knowledge lang pre!" Wika naman ni Justin.
"Edi wow!"
Dumating ang araw nang last day of examination. Tuwang tuwa ang lahat dahil atlas tapos na ang araw nang pagpupuyat.
At mas lalo silang masaya dahil next week ay Seniors Prom na!
"Mahal, may susuotin ka na sa S Prom?" Tanong sakin ni Corrine. Ang bestfriend ko.
"Meron na. Kukunin na lang namin ni Mama sa Friday," sagot ko.
"Sayang dahil ayaw daw pumunta ni Jenina. Ayaw papilit," sabat naman ni Denie. Isa din sa mga bestfriends ko.
Actually lima kaming magkakaibigan. Ako, Jenina, Corrine, Denie at Jannikka. Nasa kabilang section nga lang si Denie at Corrine.
"Kaya nga e. Hayaan na natin kung ayaw. Alam mo naman si Jenina pag ayaw niya ayaw niya talaga," sabi naman ni Jannikka.
Natapos ang break time kaya pumasok na kami sa kanya-kanyang classroom.
Absent ngayon yung subject teacher namin kaya free time!
Busy sa usapan about ang lahat sa S Prom. Yung boys nag-uusap kung pano daw nila aayain yung mga gusto nila at kung pano daw sila magc-confess nang feelings. Yung girls naman about naman sa mga dresses na susuotin nila.
"Mga pre! Hahahahahaha!" Napatingin kaming lahat kay Karl na tumatawa habang tinuturo si Faith.
"Tanginang yan. Aga magbukas ng timezone. HAHAHAHA." Sabi naman ni Justin
"Swipe to unlock!" Sabi naman ni Bianca.
Napuno nang tawanan ang buong room sa mga pinagsasabi nila.
Nasa pinaka harap kasi nakaupo si Faith kaya kitang kita namin nang mga nasa likod yung hindi dapat makita. Absent ang seatmate niyang si Karlos at ang kapatid nitong si Karla.
"Srsly, hindi ba giniginaw yung pwet niyan? Kung ako yan ramdam na ramdam ko," sabi ni Michael samin.
Bigla namang nag-ayos nang pants si Faith.
"Gago ka. Narinig ka ata!" Sabi ni Mary.
Nagtakbuhan sa kani-kanilang mga upuan yung mga nakatayo dahil sa biglang pagpasok ni sir Nhel, ang english teacher namin.
"Huli kayo!" Seryosong sabi nito pero mukhang nagpapatawa. Tinawanan lang namin sya.
"Yung mga kasali sa Cotillion pumunta na ng gym dahil may practice."
Naglabasan na yung mga kasali sa cotillion. Ang natira na lang ay ako, Mary, Tayin at Faith.
Nagkatinginan kaming tatlo. "Tara mga pre, nakakatakot dito."
Sumang-ayon kami kay Tayin kaya nagbalak kaming tumambay na lang sa corridor.
Pero habang papalabas kami nang pinto napansin kong sinundan kami nang tingin ni Faith at kinilabutan ako nang ngumiti ito.
BINABASA MO ANG
Retreat: The Murder Case in Crystal Bay
Horror"How will they face tomorrow when their lives ends today?"