Kabanata 9: Warehouse
Iriz's POV
"Dito tayo."
"E-Eugene?" Tinignan niya lang ako at hinila para tumakbo.
Takbo lang kami nang takbo. Hindi ko alam kung saan ba kami papunta pero si Eugene parang alam niya.
Nakarating kami sa pinaka dulong dulo nang lugar. Medyo nagulat ako nang may maliit na parang bahay akong nakita parang bodega nga ito kung tutuusin. Hindi ko na rin nakita yung humahabol sakin mukhang hindi niya kami nasundan.
"Eugene..." tawag ko sakanya. "Buti na lang dumating ka kung hindi baka patay na rin ako. Salamat."
Tumango lang siya sakin. Parang hindi siya natatakot or nagpapanic kahit na anumang oras pwede kaming mamatay dahil sa taong humahabol samin. Ganyan kasi talaga siya tahimik lang at walang kibo.
"Bakit nga pala nandito ka pa sa labas? Diba past curfew na nasa loob na dapat ang lahat." Sabi ko habang nagalakad kmi papunta dun sa bodega.
"Narinig ko yung plano nila Rhyan sayo."
*FLASHBACK*
Nasa garden ang dalawa na sina Rhyan at Karla.
"Nagiging close na ba kayo ni Iriz?"
"Not literally na close but we're good."
Sa pagpaparamdam kasi ni Rhyan kay Iriz simula noong JS ay kasama sa plano ni Karla.
Malaki kasi ang galit ni Karla kay Iriz dahil simula ang naging magkaklase sila hindi na siya ang top sa klase. Lagi na lang siyang second best sa lahat, second choice sa mga contest kapag kailangan nang representative nang klase nila.
Kaya sa galit ni Karla rito ay umisip siya kung pano makakaganti kay Iriz.
Isang araw nalaman ni Karla ni may gusto pala si Iriz kay Rhyan ang manliligaw niya pero walang may alam ang marami sa relasyon na meron sila at yun ang ginamit niya para makaganti kay Iriz.
Balak niyang gamitin si Rhyan para paasahin si Iriz.
"May naisip ako."
"Ano yon?"
"Mamayang gabi ayain mo si Iriz sa gubat at iligaw mo siya."
"Seryoso ka ba jan? Pano kung mapano yun?"
Naningkit ang mata ni Karla sa siabi sinabi ni Rhyan. "Nag-aalala ka ba para sakanya? Wag mong sabihin na nagkakagusto ka na sa babaeng yon?"
"Abnormal na naman." Lumapit ito kay Karla at inakbayan "Syempre kapag may mangyaring masama dun at nalaman na kami ang huling magkasama ako ang malalagot."
BINABASA MO ANG
Retreat: The Murder Case in Crystal Bay
Horror"How will they face tomorrow when their lives ends today?"