Kabanata 9: Unexpected Visitor
Mary's POV
"Nanaginip ba ko?" Tanong ko sa sarili ko habang naka taklob ng kumot.
Kanina ko pa pinagsasampal at pinagkukurot sarili ko para magising kung sakaling nananaginip ba talaga kaso hindi e, gising talaga ko.
Kanina pa ko nakabalik nang kwarto ko. Nilock ko agad yung pinto dahil natatakot akong may pumasok.
Hindi ako pwedeng magkamali, singsing ni Jannikka yon.
Halos masuka na naman ako nang maalala ko yung nakita ko sa refrigerator.
Don't tell me yung kinain namin kanina nung breakfast galing sa ref na yon?! Aba tangina.
Pero teka ibig bang sabihin nito nasa wrong turn the movie kami?! Sheeet. Mind blow!
Bigla na lang nagsink in sa utak ko ang tunay na nangyayare. Patay na si Jannikka at ang matinding problema mamamatay kami dito.
Tinignan ko yung cellphone ko at doon ko naisipan buksan yung message.
Message galing kay Karl. Natuloy kaya yung taguan nila? Magdadalawang oras na nung nareceived ko yung message.
May gising pa kaya? Mag GM kaya ako?
Nagcompose ako nang message at sinend sa lahat pero sa kamalas malasan wala nga pala akong load.
Nang mag sink in na lahat sa utak ko ang lahat lahat bigla akong kinilabutan.
*Tok*
Halos mapamura ako sa gulat nang may bumato sa bintana.
Shet. Ako na ba susunod?!
Pumikit ako nang mariin.
'Ayoko... ayoko pa.'
Hinigpitan ko yung kapit sa kumot ko habang nakatalukbong pa rin. Sana patayin ako pag tulog na ko para diretso patay na lang hindi na ko makakaramdam nang sakit.
'Lintek ka Mary! Ano bang iniisip mo?! Diba ayaw mong mamatay? Edi lumaban ka! Tanga mo talaga.'
Naulit na naman yung pagbato sa bintana ko pero dedma lang ako. Dedma lang!
Maya maya hindi na pagbato yung narinig ko kundi katok.
Shit. Tangina.
Hindi natigil yung pagkatok. Dahan dahan kong binaba yung kumot na nakataklob sa mukha ko.
Nanlaki yung mata ko sa nakita ko. Anong ginagawa niya dito at bakit siya narito?!
Agad akong tumayo para buksan yung bintana.
"Zone? Anong ginagawa mo dito?" Bungad ko sakanya nang mabuksan ko yung bintana.
Pumasok na siya sa loob at basang basa. Sinarado ko naman agad yung bintana dahil ang lakas nang hangin sa labas.
"Hoy! Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sakanya sa mababaw na boses.
Tinignan niya ko at ngumiti. Leche, nagwawala na naman tong malandi kong puso.
Si Zone yung crush ko since first year highschool na manliligaw ko ngayon.
"Sinundan kita," simple niyang sagot.
Kumuha ako nang damit sa cabinet at binigay sakanya. Kasya naman mga damit ko sakanya dahil mahilig ako sa oversize shirts.
"Dapat hindi ka na nagpunta dito."
BINABASA MO ANG
Retreat: The Murder Case in Crystal Bay
Horror"How will they face tomorrow when their lives ends today?"