kabanata 5: Activities

71 3 0
                                    

Kabanata 5: Activities

Nagsisilabasan na kami sa mga kwarto namin para magpunta sa dining hall. L

May isang mahabang lamesa kung saan nandoon ang lahat ng pagkain.

"Mahal, punta lang ako kay Karl." Paalam sakin ni Corrine. Tumango naman ako sakanya.

Si Karl ay boyfriend ni Corrine.

Hinanap ko kung saan naka-upo ang mga kaklase ko at doon ako tumabi sakanila.

Habang kumakain kami ay nagpunta sa harapan sina Ma'am Cherry at Ma'am Elena.

"Pagkatapos niyong kumain at nakapag pahinga na ang lahat sisimulan na natin ang mga activities natin." Wika ni Ma'am Cherry.

"Sa may garden tayo magkikita kita. Dalhin niyo ang mga bible niyo at notebook. Bago din kayo magpunta sa garden magdala kayo nang panyo. Isang panyo bawat isang tao."

-------------

"Nandito na ba ang lahat?"

"Yes Ma'am!" Sagot namin.

Ginrupo kami sa 8 at bawat grupo ay may apat na myembro.

Ang mga kagrupo ko ay sina Aila, Karlos at ang pinsan kong si Von.

Ang una naming activity ay magshare nang mga karanasan namin na nagpabago nang mga buhay namin kung saan tumibay ang mananampalataya namin sa Diyos.

Isa-isa na kaming nagkwento. Tahimik kaming nakikinig pag ang isa samin ay nagsimula na sa pagsasalita.

Natapos kaming apat sa pagk-kwento. Marami akong aral na natutunan sa kwento ng bawat isa samin. May mga bagay rin ang narealize at nagpapasalamat ako kay God dun.

Ang pangalawang bagay na pinagawa samin ay tinatawag na 'Strengthen your faith with God alone' bibigyan kami nang oras para makipag usap kay God nang nag-iisa ang kami sa tahimik na lugar.

Ikaw ang bahala kung saang lugar mo gustong magdasal o kausapin si God.

Isa-isa nang naghanap ng pwesto ang mga ka-group ko ganon din ang iba.

Naglakad lakad muna ko kung saan para maghanap ng pwesto hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa may isang swinging chair.

Umupo ako rito at pinagmasdan ang buong paligid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Umupo ako rito at pinagmasdan ang buong paligid.

Sa kaliwang bahagi nandoon ang retreat house, labyrinth at garden. Sa kanan naman ay parang papasok sa isang gubat. Napapalibutan yun nang mga matataas na puno na halos wala nang mga dahon.

Napapikit ako at dinama ang lamig ng hangin.

---------

"Hoy Iriz! Gising!" Inalimpungatan ako nang naramdaman kong may yumuyugyog sakin.

"Oh, Denie."

Retreat: The Murder Case in Crystal BayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon