Kabanata 10: Bianca
Gulong gulo na sila sa mga nangyayari.
Nasa labas nang girls and boys hallway silang lahat ngayon.
Kinuwento nang apat ang lahat nang alam at nangyari saknila kung ilang at sinu-sino na ang namatay.
Sinarado nila lahat nang pinto sa loob nang retreat house at hanggang ngayon napaka lakas pa rin nang ulan.
Nakaupo ang halos lahat sila sa lapag at mga nakayuko.
"Hindi namin mahanap si Mary!" Nag-aalalang sabi ni Jeramae nang makalabas nang girls hallway.
Nagkatinginan ang ilan sakanila.
"Hinalughog na namin ang lahat nang kwarto pero hindi talaga namin siya makita. Bukas yung bintana at gulo-gulo yung kwarto niya. May mga basag na salamin rin sa sahig," wika naman ni Jane.
Nasaan si Mary?
Sa bilang nila ngayon marami ang wala. Marami ang kulang sakanila.
Hindi din mahanap sina Karl, Corrine, Rem at Jannikka ganon din si Denie.
Nakatitig si Tricia sa cellphone niya.
Bianca, nasaan ka na ba? Sana huwag ka nang tumuloy dito.
Magkatabi sila ngayon ni Jenina na nakaupo sa isang sulok.
Hindi niya macontact si Bianca dahil nawala ang signal kanina pa.
"Paano na tayo makakaalis rito?" Tanong ni Tayin.
Tumingin ang lahat sakanya ngunit walang sumagot sa tanong niya dahil kahit sila hindi nila alam kung paano.
Ang alam lang nila ngayon ay natatakot sila. Natatakot silang mamatay.
Minabuti muni nilang magpahinga pamansamantala. Hihintayin muna nilang mag umaga bago sila umisip nang paraan kung paano makakaalis.
Ang tanging nasisiguro nila basta magkakasama silang lahat walang mangyayaring masama sakanila.
---------
Bianca's POV
Praise the Lord! Nakarating rin ako sa Crytal Bay!
Kahit na nagkanda malas malas ako kanina para lang makarating dito atleast nakarating ako nang safe.
Labas pa lang ang ganda na! Mukhang marami akong na missed na activities. Sayang naman!
Naglalakad na ko papasok nng Crystal Bay. Medyo basa na yung damit at pants ko dahil sa ulan pero buti na lang nakabili ako nang payong kanina sa convenience store.
Nasa entrance na ko nang harangin ako ni Kuya guard.
"Saan po kayo Ma'am?"
Malamang kuya nasa Crystal Bay.
"Kasama po ako dun sa nagr-retreat dito ngayon. Late lang po kasi naiwan ako sa pin----"
"Wala pong nagr-retreat dito ngayon," sabi ni Kuya guard na kinanuot nang noo ko.
"Huh? Diba po Crystal Bay ito?" Tanong ko. Tumango na naman siya.
"Opo Ma'am. Pero wala pong dumadating na magr-retreat rito ngayon," sabi ulit ni Kuya Guard.
Wait, what?
Tinanong ko yung address kay kuya guard tsaka ko binasa yung message ni Pat. Nagtataka ako bakit hindi sila tugma.
BINABASA MO ANG
Retreat: The Murder Case in Crystal Bay
Horror"How will they face tomorrow when their lives ends today?"