Kabanata 4: D-Day
"2495... 2496... 2497... 2498... 2499... 2500! Ayan sakto na may pang bayad na si Tayin!" - Bianca
Bukas na ang retreat namin kaya yung mga hindi pa bayad ay kailangan nang magbayad.
Buti na lang naka-ipon kami nang saktong pera kay Tayin bago magretreat. Thanks God at lahat kami makakasama.
Half day lang kami ngayong araw dahil nga kinabukasan ay retreat na.
"Kitakits bukas guys! Walang mal-late!"
Nagpaalam na kami sa isa't isa at umuwi sa kani-kanilang bahay.
Aayusin ko pa nga pala ang mga gamit ko para bukas. Maaga pa naman ang alis namin.
Binilhan ako ni mama nang mga pagkain at ilang mga gamit tulad ng toothbrush, sabon at iba pa. Nagdala din ako nang flashlight at extra batteries in case of emergencies.
Nasa kalagitnaan ako nang pag-aayos nang gamit nang magring yung cellphone ko.
Mary is calling...
Bakit naman kaya tumatawag to?
"Hello?"
May umubo sa kabilang linya. May sakit si Mary? Kaya ba absent siya kanina?
"Hello pre. Sama nang pakiramdam ko. Share ko lang. Hahahaha," biro nito. Baliw talaga tong babaeng to.
"Sabog ka talaga. Bakit ka nagka sakit?"
"Naulanan kasi ako nung isang araw. Muntik na nga akong hindi pasamahin ni mama dahil ang taas nang lagnat ko kagabi. Buti na nga lang ngayon medyo bumaba na."
Nagkkakwentuhan kami ni Mary nang ilang minuto bago kami kami magpaalam sa isa't isa.
Tinignan ko yung phone ko kung anong oras na. 10:30 pm na pala.
Nagtoothbrush ako tas humiga na sa kama. Inalarm ko yung cellphone ko ng 3:00 dahil 4:00 ang alis namin bukas.
------------
"Shit!" Napamura na lang ako nang makita ko kung ano oras na. 3:50 na! Ten minutes na lang maiiwan na ko!
Tumakbo agad ko sa banyo para maligo at mag toothbrush.
Iriz, bakit ba kasi hindi ka nagising?! Nag-alarm ka pa wala rin naman pa lng kwenta?!
Lumabas na ko nang kwarto at tinawag si mama para magpahatid sa school. Sa bus na ko magb-breakfast. 4:06 na wala na kong oras!
"Ma! Paki bilisan."
"Oo! Ito na pababa na!"
Nakarating kami sa school at saktong sakto umaandar na yung bus. Humalik agad alo kay mama at tumakbo na palabas nang kotse.
"Wait lang po!" Sigaw ko. Napansin naman ako nang mga kaklase ko sa bintana kaya sinabihan nila yung driver na ihinto yung bus.
"Hay nako, Iriz. Ang usapan 4:00 anong oras na oh? 15 minutes kang late. Buti na lang naka abot ka pa dahil iiwan ka na talaga namin. Isang oras at kalahati pa naman ang byahe sa pupuntahan natin."
Yan agad ang bungad sakin ng adviser namin. Humingi na lang ako ng sorry para tapos na.
Sarap ng breakfast ko. Sarap ng sermon sa umaga. Kabusog.
Humanap na ko nang vacant seat at doon sa pangalawa sa dulo meron.
Naupo na ko at huminga nang malalim. Buti na lang talaga umabot ako.
BINABASA MO ANG
Retreat: The Murder Case in Crystal Bay
Terror"How will they face tomorrow when their lives ends today?"