Kabanata 8: Riddles

69 5 2
                                    

Kabanata 8: Riddles

Konti na lang makaka labas na kami ang kaso lang nalowbat na ang cellphone ni Justin. Wala tuloy kaming pang flashlight.

Tanging yung liwanag na lang nang buwan yung nagsisilbing ilaw namin.

Tuluyan nang bumagsak ang malakas na ulan.

"Basa na cellphone ko. Sira na siguro to. Papabili na lang ako kay Mama ng bago."

Perks of being a rich kid.

Hinawakan niya yung right hand ko gamit yung left hand niya. Tinignan ko siya. Problema nito?

"What? Masama na ba ang hawakan ng kamay ng girlfriend mo?"

"Kelan pa naging tayo? Wala akong matandaan na sinagot na kita."

"Edi ka M.U. Ano okay na? Baka may angal ka pa jan?"

Sinuntok ko siya sa braso at hindi na nagsalita. Napayuko ako at pa simpleng tinignan yung kamay naming magkahawak.

"Kilig ka no?" At mas lalo niyang hinigpitan yung pagkakahawak sakin. Napangiti na lang ako.

Malapit na kami sa exit nang may maaninag akong tao na nakatayo sa dulo.

Huminto kami sa paglalakad at nagkatinginan.

"May tao."

Kumidlat nang malakas at dun namin nakita na nakapayong pa to.

Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan. Bigla akong natakot.

Unti-unti tong naglakad papalapit samin.

"Justin..." tawag ko sa pangalan niya.

Naglakad kami paatras.

"Stay close to me."

Akmang tatakbo na sana kami nang bigla tong nagsalita. "Hoy! Saan kayo pupunta?"

Ang boses na yon. "Von?!"

Tuluyan itong lumapit samin at tama nga ako si Von ngayon.

"Alam mo leche ka. Muntik na kong mamatay sa takot sayo!" Sabi ko at hinampas siya. "Teka nga, bakit nandito ka pa sa labas?"

"Hinahanap ko kasi si Insan."

"Si Iriz? Bakit, wala ba siya sa kwarto niya?"

"Hahanapin ko ba kung nandoon? Hay nako Monics ha, ang talino."

"Aba siraulo to ah, nagtatanong nang maayos yung tao. Niloloko mo ba ko?"

"Ito naman hindi mabiro. Kasi kanina maghihiram dapat ako nang charger sakanya tapos nung pumunta ako sa kwarto nila wala siya dun kahit si Corrine wala din. Kaya nagtaka na ko bakit wala pa sila sa kwarto nila kanina pa ang curfew kaya naisip ko baka nag gala yung dalawa sa labas."

Sinabi namin kay Von na tutulungan na namin sa maghanap. Naglalakad na kaming tatlo papalabas nang exit.

"Teka nga bakit kayong dalawa nasa labas p-------- AHHHH!"

Naputol ang sasabihin ni Von nang bigla itong napaluhod.

"Hoy Von, anong nangyari sayo?!"

Lumuhod din kami ni Justin para tignan kung anong nangyare kay Von.

"Von, magsalita ka n----"

Biglang kumidlat at nakita kong may likidong tumutulo sa bandang tagiliran niya.

Retreat: The Murder Case in Crystal BayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon