PROLOGUE

5 0 0
                                    

Paakyat ako ng rooftop ngayon para magreview dahil sa exam namin mamaya sa physics. Dito rin ang usual tambayan ko para makapagrelax at umiiwas sa maiingay na kaibigan ko.

Habang papaakyat ako ay may naririnig akong mga boses ng isang lalaki at isang babae. Kinabahan ako bigla ng marinig ko ang boses ng lalaki. Mukhang pamilyar ang boses na iyon para sa akin.
Hindi kaya.. Hindi naman siguro.

Dahan dahan akong umakyat at ng nasa huling baitang na ako ay tumigil ako at huminga muna ng malalim. Patuloy akong umakyat upang tingnan kung kanino nanggagaling ang boses na iyon.

Hindi ako nagkakamali. Siya nga. Sa kanya nga nanggagaling ang boses. Sa taong mahal ko. Sa taong mahal ko na may kasamang ibang babae. At mukhang ang saya saya nila. Tipong hindi mo sila mapaghihiwalay. Tipong parang matagal na nilang kilala ang isa't isa.

Hindi na napigilan ng mga luha na kanina pang gustong lumabas sa aking mga mata. Ang sakit. Sobrang sakit ng nararamdam ko sa mga oras na yon. Parang nilalamas ang puso ko sa sobrang sakit.

Hindi ako makapaniwala na magagawa niya sa akin 'to. Yung relasyon niyong almost perfect, sinira niya. Yung relasyon na kinaiinggitan ng marami, biglang mawawala. Akala ko mahal niya ako, hindi na pala.

Napatingin sa akin yung babae at ngumisi na dahilan ng pagtingin niya din sa direksyon kung nasaan ako. Mabilis akong tumakbo pababa ng hagdanan habang umiiyak na akala mo'y wala nang bukas.

Alam kong hinabol niya ko. Nararamdaman kong kasunod ko na siya at patuloy na tinatawag ang pangalan ko pero mas binilisan ko pa ang paglakad ko hanggang sa tumakbo na ako para lang hindi niya na ko mahabol.

May mga nabubunggo na kong mga kapawa ko estudyante pero di ko na namamalayan. Nakasalubong ko na mga kaibigan ko pero hindi ko sila pinansin.
Hindi ko na alam kung saan ako papunta pero sige pa rin ang takbo ko. Hanggang sa may humawak sa braso ko. Alam kong siya ito. Pinipilit kong makaalpas pero ang higpit ng hawak niya.

"Jenna,please." sambit niya.

"Ano ba bitawan mo ko nasasaktan ako!" habang pilit na tinatanggal ang braso ko sa pagkakahawak niya.

"Please, Jenna. Let me explain." Pagmamakaawa niya.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya ng buong lakas. Lahat ng natitirang lakas ibinigay ko nang maramdaman niya kung gaano ako nasasaktan sa mga oras na iyon.

"HINDI MO NA KAILANGANG MAG-EXPLAIN KASI KITANG KITA NG DALAWA OONG MATA KUNG PAANO KA MAKIPAGLANDIAN SA BABAENG YON! SEAN, BAKIT?! BAKIT MO NAGAWA SA 'KIN 'TO?!" Sabi ko habang pinapalo ko siya ng aking mga kamay.

Nagkaroon ng eksena sa lugar na kung nasaan kami at nakapukaw ng mga tao. Para kaming mga artistang nagshoo-shooting habang pinapanood ng mga fans.

"Sorry.. Jenna sorry. Please forgive me." Sabi niya ng umiiyak.

Lalong sumakit ang nararamdaman ko nang makita ko siyang umiiyak. Ang taong mahal ko na umiiyak. Pero nanaig pa rin ang galit at poot sa akin.

"Forgive me? How dare you to ask for forgiveness pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa 'kin?!" sabi ko. "EH SIRAULO KA PALA E!" sabay tulak sa kanya pero pilit pa rin siyang nalapit. "KUNG IKAW KAYA, MAKITA MO YUNG TAONG MAHAL MO NA MAY KALAMPUNGANG IBA?! SA TINGIN MO MAPAPATAWAD MO BA SIYA?!" sobrang nanghihina na ko sa mga oras na 'yon dahil sa sobra sobrang sakit ng nadarama ko.

"Sorry.. Sorry.." sambit niya. At niyakap niya ko pero hindi ko ito tinanggap. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko.

"Sorry? That's it? Haha. Nasaan na pride mo? Nakakagulat naman ata na ang isang SEAN LOUIE RODRIGUEZ sa oras na ito ay parang isang tutang nagmamakaawang patawarin siya at walang ibang masabi kundi sorry."

"Osige. I'll let you explain." Sabi ko.

"Yung nakita mo sa rooftop. Totoo yon." Sabi niya.
Bigla na namang sumakit ang puso ko. Pero hindi kasing sakit ng una dahil mas sumakit pa ito lalo ng dahil sa nalaman ko. Bakit? Bakit niya nagawa sakin to? Saan ba ko nagkulang? Akala ko ako lang mahal niya at ako lang ang mamahalin niya.

"Kailan pa?" tanong ko habang nagngingilid ang luha ko.

"Last month pa." sabi niya at yumuko.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Sa bawat letra ng sinabi niya ay parang dinudurog ang puso ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko siyang murahin. Gusto ko siyang suntukin. Gusto ko siyang sampalin. Pero di ko magawa. Siguro sobrang nanghihina na ako ngayon.

Kung ipagpapatuloy ko pang kausapin siya ngayon ay baka mamatay na ko sa patuloy na sakit na nararamdaman ko. Kaya mas maigi nalang tapusin ko nalang ito.


Tinalikuran ko siya at maglalakad na sana papalayo nang hawakan niya ako sa aking kamay.

Hinarap ko siya. "We're done." Ang tanging nasambit ko , dahilan namang bitawan niya ang kamay ko. At patuloy na akong naglakad papalayo na may bigat at sakit na dala dala.

Wala na. Tapos na. Itinapon na ang mga ala-alang bumuo sa isang masayang relasyon na ngayo'y wasak na at hindi na maibabalik pa.

But then YOU came.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon