CHAPTER 4

0 0 0
                                    

✳Jenna's POV✳

Ilang oras ang nakalipas ay natapos din ang mga agenda sa pangalawang pagkakataon. Nang sa paglabas ng last teacher namin ay inayos ko na ang mga gamit ko at naghanda para sa training namin mamaya. Pati na rin sa mangyayari mamaya.

Niyaya na ako ni Julianne na lumabas at sinabi kong mauna na siya sa labas at susunod na lamang ako.


Sinukbit ko na ang bag ko at ang training bag sa aking mga balikat at lumabas na rin ng classroom. Nadatnan ko si Julianne na naghihintay sa akin doon. Tinawag ko siya at naglakad ako papunta sa kanyang direksyon.

"Pupunta muna ako ng CR kasi magbibihis ako. May training kasi kami mamaya e." sabi ko at tumango naman siya. Naglakad na kami papuntang CR at nang bakarating kami ay pumasok ako at nagpaiwan naman si Julianne sa labas.

Nagbihis na ako ng training uniform ko. Yung pants muna at isang white shirt. Mamaya ko nalang isusuot ang pang-upper na uniform. Pagkatapos kong magbihis ay inilagy ko na ang school uniform ko sa bag at pumunta sa may lababo. Naghilamos ako saglit para marefresh.



Napatitig ako sa salamin dahil nakita ko na naman ang mga mata ko na mukhang pagod. Medyo namamaga pa pero hindi na masyadong halata. Huminga ako ng malalim. Pinunasan ko ang mukha ko at inayos ang gamit. Sinukbit ko na sa balikat ko at lumabas na ng CR.

"Kain muna tayo?" sabi ko kay Julianne.

"Sige. Nagugutom na rin ako e." sagot niya.

Pumunta muna kaming canteen at kumain ng lunch bago ako pumunta ng Gym para sa training namin.



"Oy! Sa library muna ako ha. Punta nalang ako mamaya sa garden." Sabi ni Julianne sa akin bago kami magkahiwalay. Tumango nalang ako.

Pumasok na ako ng Gym at nakitang nagsisimula na sila. Ang iba ay ginagawa na ang drills namin ang iba naman ay nagsstretching pa. May mga nagjojogging din at naghaharutan.

Kung hindi niyo nalalaman, ang mga sinabi ko ay ginagawa ng isang TAEKWONDO player hehe. Oo. Taekwondo ang sport ko. Nakakagulat ba? Isipin mo, ang isang babaeng katulad ko ay isang taekwondo player.


Ngunit sa pagtingin ko sa mga nandoon ay may isang taong nakapukaw ng aking mga mata. Ayun siya. Nandoon at kausap ang coach namin. Isa siya sa mga Senior Players ng school na ito. At ganon din naman ako.



Dahil sa sport na ito, nakilala namin ang isa't isa. Nagkaroon kami ng mas mahabang oras na magkasama at kami rin ang laging pinagtatambal sa mga activities na ginagawa namin dito. Kaya hindi imposibleng mahulog ang loob namin sa isa't isa.

Lumapit na ako sa coach namin at nag bow (we're doing this to give some respect to their seniority).

Napatingin sa akin ang coach ko pati siya. Nang tingnan ko siya ay nginitian niya ako. Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Sinuklian ko rin ng ngiti ang kanyang pag-ngiti sa akin.

Ibinaling ko ulit ang atensyon ko sa aming coach.

"Good afternoon coach! " bati ko.

"Good afternoon. Get yourself ready and do your routine. We'll be starting in a few minutes." sabi ni coach

"Okay sir." Sabi ko at pumunta ng bench para ibaba ang mga gamit ko. Isinuot ko na ang upper uniform ko pati ang belt ko at pumunta sa mats para magstretching. Pagkatapos kong magstretching ay nagjogging na ako.

But then YOU came.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon