CHAPTER 3

2 0 0
                                    

✳Jenna's POV✳

Nagising ako ng dahil sa tunog ng alarm clock ko. Agad ko itong pinatay at nag unat-unat. Napatingin ako sa kisame ng kwarto ko at naalala na ngayon pala ang araw na iyon. Ang araw ng pag-uusap namin.

Mayroon akong pag-aalangang naramdaman. Dapat ko bang ipagpatuloy ito? O wag nalang? Naisip kong kailangan ko tong gawin upang masagot na ang lahat ng mga katanungang patuloy na bumabagabag sa aking isipan.




Tumayo na ako at dumiretso na sa banyo upang maligo. Napatingin ako sa salamin at nakita ang aking mga matang namamaga. Mukhang pagod na sa kakaiyak. Pinabayaan ko nalang ito at nagpatuloy na sa pag-ligo.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng aking uniporme at nag-ayos ng sarili. Nilagyan ko ng kaunting concealer ang ilalim ng aking mga mata nang hindu ito mapansin ni Ate May at Kuya. Pagkatapos ay bumaba na rin ako sa dinning area.

"Good morning, Sophie" bati sakin ni kuya ng nakangiti.

Nginitian ko din siya. "Good morning din kuya!" at niyakap siya ng mahigpit.

Binati ko rin si Ate May ng Good Morning habang naghuhugas siya ng mga ginamit niya sa pagluluto. Umupo na ako sa upuan katapat si kuya. Tahimik akong kumain ng almusal.

"May problema ka ba? Ang tahimik mo ata ngayon." Biglang tanong ni kuya na siya namang ikinagulat ko.

Napatingin ako kay kuya. "Wala naman kuya. Bakit? Naninibago ka ba? Hahaha"

"Oo eh. Hahaha Mukha ka kasing binagsakan ng langit at lupa. O sige na! Alis na ko. Baka ma-late pa ko. Bilisan mo na din diyan at kanina ka pa hinihintay ni Kuya Rene doon sa garahe." Tumayo na si kuya at lumapit sakin para bigyan ako ng forehead kiss.

"Yes sir! Hahaha" nilagay ko yung kamay ko sa noo ko na parang sundalo.

Tinapos ko lang ang pagkain na nasa pinggan ko at pumunta ng salas para kunin yung bag ko at ang training bag ko.

"Ate May, mala-late ako ng uwi ha. May training kami ngayon e." paalam ko kay Ate May.

"Sige. Pasundo ka nalang kay Kuya Rene pag-uwi mo." Sabi ni ate may.

"Yes ate!" at lumabas na ko papuntang garahe.

Nandoon nadatnan ko si Kuya Rene. Sumakay na rin ako agad sa sasakyan. At sumakay na rin si Kuya Rene.

"Larga kuya! Hahaha" sabi ko.


Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang maisip ang mangyayari mamaya. Mag-uusap na kami. Seryosong usapan na ito. Masasagot na lahat ng mga katanungan na naipon sa isipan ko. Sana nga.

Dahil sa kung ano-ano na namang naiisip ko ay di ko namalayan na nandito na pala kami. Ipinarada na ni kuya Rene sa harap ng school ang sasakyan at bumaba na rin ako.

"Thank you Kuya! Ah. Kuya, baka ma-late ako ng uwi. Itetxt ko nalang si Ate May kapag magpapasundo na ako ha " sabi ko. At tumango naman si Kuya Rene


Pumasok na ko ng school at dumiretso na sa room. Pagkapasok ko ay dumiretso na ako sa aking upuan at ibinaba ang mga gamit ko sa harapan ng upuan ko at umupo na rin. Tamang tama ay nag-bell na rin. Sakto lang ang dating ko.

Pumasok na ang adviser namin. Mukhang isang normal na araw lamang ito sa mga estudyanteng nag-aaral dito. Ngunit para sa akin, isa itong kaabang abang na araw. Eto siguro ang araw na matagal ko nang hinihintay.

Ngunit pagkatapos ba ng araw na ito ay matatapos na rin at tuluyan na bang mapapawi ang sakit na aking nararamdaman? Patuloy ko na ba siyang makakalimutan? Hays.

Patuloy ang mga lessons at mga surprise quizes ng umagang iyon. Lutang ako sa buong umaga dahil sa patuloy sa pag-iisip sa mangyayari mamaya. Wala na akong ibang iniisip kundi iyon. Nagkkaroon na nga ng pagkakataon na napapagalitan ako dahil kapag tinatawag ako kpara mag-recite ay wala akong masagot.




"Besasghjklqrtwuiopzcvbnmmkajhsuygrtwvjsbskdoanaysnim" may sinasabi si Julianne pero hindi ko ito inaantala dahil lutang pa rin ako.

Kasalukuyan kaming nasa canteen dahil recess namin ngayon.

Binatukan ako ni Julianne "Uy! Jenna Sophia Andrada Marquez. Lumamig na yang lugaw dahil sa kanina mo pang paghalo diyan. Kakainin mo ba yana o hindi?" natauhan naman akp dahil doon.

"Aray! Ano ba?" sabi ko.

"E kanina pa akong dada ng dada dito wala naman pala akong kausap." Inis na sabi ni Julianne.

"Sorry. May iniisip lang ako." Sabi ko.

"Alam mo, ilang araw ka nang ganyan. Pati kanina sa room ganyan ka din. Ano bang nangyayari sa'yo? Ano ba yang iniisip mo? Lagi ka nalang tulala. Para kang sinasapian e." pagpapaliwanag niya.

"Iniisip ko lang kasi kung pagkatapos ba naming mag-usap mamaya tapos masagot niya yung mga matagal ko nang gustong itanong, patuloy na ba akong makaka move-on?" sabi ko.

"Alam mo, dipende yun sa'yo e. Kung gusto mo talaga siyang kalimutan noon pa, magagawa mo yan kung talagang gugustuhin mo. Kaso feeling ko ayaw mo e. Ayaw mo siyang alisin pa sa buhay mo. Patuloy ka pa rin nakakapit sa isang bagay na hindi na kailanman mangyayari e." sabi niya.

Napaisip ako sa mga sinabi sa akin ni Julianne. Siguro nga tama siya. Ayoko pa nga sigurong pakawalan ang mga ala-ala na hindi na kailanman maibabalik pa. Pinanghahawakan ko pa rin ang isang bagay na imposibleng maibalik.

Kinain ko nalang yung pagkain na nasa harapan ko hanggang sa matapos na ang recess.

"Je, mamaya pag nag-usap kayo, wag mong hayaang hindi niya masagot lahat ng tanong na bumabagabag diyan sa puso't isipan mo ha. At kapag tapos niyong mag-usap, nandoon lang ako sa garden maghihintay sa'yo. Doon mo ibuhos lahat. " sabi sakin ni Julianne bago kami umalis sa lamesa na aming kinauupuan kanina.

Tumango nalang ako at tumayo na din. Sobrang pagpapasalamat ko at nagkaroon ako ng kaibigang gkatulad ni Julianne. Isang kaibigang patuloy kang dadamayan sa lahat ng panahong down na down ka.




Pumunta na kami sa classroom para sa mga susunod pang subject. Sa pagkakataong ito, hindi ko muna hinayaang magulo na naman ang aking isipan. Nakinig na ako sa mga lessons para naman hindi ako masyadong mabagabag ng mga iniisp ko.


But then YOU came.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon