✳Jenna's POV✳
Mag-iisang buwan na din since nung nag-usap kami ni Sean. Medyo nagtatagumpay na rin ako sa pagmo-move-on ko sa kanya. Tutal matagal na rin naman kaming hiwalay. Pero hindi na siguro mawawala yung feelings ko sa kanya. Hindi man katulad ng dati pero nandito pa din. Sabi nga nila diba? 'First Love never dies.'
Nagkakasalubong kami minsan sa hallway. Oo, nararamdaman ko pa din ang sakit. Dahil sa tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko lahat. Pero tinanggap ko na rin naman. Tinanggap ko na na hindi talaga kami para sa isa't isa.
Nandito ako ngayon sa rooftop para magrelax. Wala kasi kaming mga teacher ngayon. May emergency meeting daw with the principal kaya freetime namin ngayon. Hindi ko kasama si Julianne ngayon kasi may pupuntahan. E kung alam ko lang, kasama niya yung bago niyang manliligaw e hahaha Haba ng hair ng lola nyo no!
Nagbabasa nalang ako ng Harry Potter and the Chambers of Secrets ngayon. Nabasa ko na ito at paulit- ulit na binabasa XD. Favorite ko kasi talaga ang Harry Potter kaya hindi ako nagsasawang basahin at panoodin. Ang ganda kaya.
Maya-maya ay nakaramdam din ako ng gutom. Niligpit ko na ang gamit ko at inilagay sa bag. Bumaba na ako ng rooftop at papunta na ng canteen. Habang nasa hallway ako, may napansin ako sa di kalayuan. Nandoon siya, may kausap na ibang babae. Siguro bago niyang nililigawan. Pero sabi niya.. Ay nako! Eto talagang lalaking to oh!
Dumiretso na ako papuntang canteen kasi gutom na talaga ako hehehe. Dumaan ako sa likod ng babaeng kausap niya pero dire-diretso lang ako. Hindi naman niya ko siguro napansin kasi busy siya sa pakikipoag-usap.
Pagpasok ko sa canteen ay bumili na muna ako ng pagkain ko bago ako pumunta sa usual na pwesto namin ni Julianne. Pagka-upo ko ay kumain na ko. Habang tahimik akong kumakainbiglang may umupo sa upuan na nasa harapan ko. Hindi ko agad siya nakuilala dahil nakatingin ako sa kinakain ko.
Iniangat ko ang ulo ko at nakita ko si..
✳Sean's POV✳
Nakita ko si Jenna na kakababa lang ng hagdanan. Saan kaya siya nanggaling? Palakad siya dito sa direksyon ko. Ang ganda niya pa din. Kahit sobrang simple lang niya. Kaso gago ako e. Niloko ko siya, kaya eto ako ngayon. Hays. Kung pwede lang ibalik ang panahon para maitama ko ang mali ko.
"Uy Sean! Bakit wala ka kanina sa Research class natin? Hinahanap ka tuloy ni Sir kanina." Tiningnan ko kung sino yung nagsalita mula sa aking likod.
Ah. Si Celein lang pala. Isa sa mga nagkakaguso sa akin. Kailan kaya ako tatantanan neto. Habol ng habol e nakakairita. >_<
"Ahh. May inasikaso lang ako sa Guidance." Sabi ko.
"Ah. Ganon ba? Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo e."
Nakita kong dumaan si Jenna sa likudan ni Celeine. Hindi man lang siya tumingin sa akin. Ay! Ba't ba ko nag-eexpect. Malamang galiyt yan sa akin. Tss.
Mukhang pupunta ng canteen ah. Masundan nga. May gusto rin akong sabihin e."Uy! Hindi ka naman nakikinig e " sabi ni Celein sa akin dahilan para mapansin ko ulit siya.
"Ah. Celein, may pupountahan pa ako e. Sige ha!" sabi ko at umalis na ko para sundan si Jenna.
Pumunta ako ng Canteen. Pagkapasok ko ay hinanap ko si Jenna at nakita ko siya na nakaupo doon sa pwesto nila tuwing kumakain sila ni Julianne. Pumunta agad ako kung nasaang siya. Mukhang busy siya sa pagkain. Iistorbohin ko ba siya? Baka lalong magalit.
Umupo ako sa upuan na nasa harapan niya. Mukhang napansin niya naman ako agad. Iniangat niya ang ulo niya. At nung nakita niya ako ay gulat na gulat siya. Medyo lumakhi ang kanyang mga mata nang ako'y kanyang nakita. Napahinto siya sa pagkain niya.
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong niya na halatang gulat.
"Gusto ko lang na kausapin ka."
"Nag-usap na tayo diba? Ano pang kailangan nating pag-usapan?" tanong niya na may halong inis.
"Gusto ko lang sabihin na,.. sana kahit wala na tayo hindi ka na mailang sa akin. Tsaka sana pumayag ka na maging magkaibigan tayo " sabi ko sa kanya.
Mukhang pinag-iisipan niya ang sinabi ko. Medyo matagal siyang mag response.
"Sige. Okay na sa akin." Sinabi niya tapos ngumiti siya ng half-smile. Ang ganda niya talaga. Hay. Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko ineexpect na sasabihin niya yun sakin.
Ang saya ng nararamdaman ko ngayon. Akala ko hindi siya papayag na maging magkaibigan kami e.
"Talaga? Thank you ha " sabi ko.
"No problemo. Wala rin naman akong mapapala kung magpapakabitter pa ko sa'yo." Sabi niya at pinagpatuloy na ang pagkain.
Nag-usap pa kami pagkatapos niyang sabihin yon. Nagkwentuhan kami tungkol sa mga nangyari sa amin pagkatapos namin maghiwalay.
Nakakamiss tong ganitong pag-uusap. Ganon pa din siya. Masayahin pa din. Sinayang ko nga lang talaga.
BINABASA MO ANG
But then YOU came.
أدب المراهقين'FIRST LOVE NEVER DIES'. Sabi nila isa sa pinakamahirap na sitwasyon mo sa buhay ay ang unang beses kang magmamahal ng isang tao na siya ring mang-iiwan sa'yo. Dahil nga iniwanan ka, akala mo hindi mo na kayang magmahal muli. Ngunit sa pagdating n...