✳Jenna's POV✳
Pagkatapos ng mga nangyari kahapon ay pumasok pa rin ako kinabukasan. Gusto kong makita niyang malakas ako. Gusto kong makita niyang tama ang naging desisyon ko.
Nagsimula na ang klase at parang normal na araw lamang sa akin ito pagkatapos ng kahapon. Hindi ko na inisip ang mga nangyari at naisipan kong ibuhos ko nalang muna ang oras ko sa aking pag-aaral at mga kaibigan. Eto nalang siguro ang tanging paraan upang makalimot ako.
"Very good, Ms. Marquez. Mukhang nakikinig ka na ha. Hindi ka na nakatulala at nasasagot mo na ang mga questions ko sa'yo." Sabi ni teacher namin sa Math.
Dahil sa sinabi ni ma'am ay nagtawanan ang mga kaklase ko. Nakitawa nlang rin ako.
Natapos na ang ilan sa naming mga subjects at recess na. Pumunta na kami ni Julianne sa Canteen para kumain. Nasa usual na pwesto kami. Si Julianne na ang nag-offer na bumili ng pagkain kaya't di na ko tumanggi!. Tatanggi ka pa ba? E nag-kusa na? Hahaha
Habang naghihintay ako ay kinalikot ko muna ang phone ko. Maya-maya ay nandyan na ang pagkain at kumain na rin kami.
Nang nasa gitna kami ng pag-kain namin ay sumingit na naman si Julianne. Ang hilig sumingit e kaya nagmumukha nang singit. XD
"Bessy, anong sabi sa'yo ni Sean?" dahilan kung bakit nasamid ako sa kinakain kong lugaw.
Yumuko nalang ako at iniisip kung tama na bang sabihin ko sa ngayon.
"Uy. Eto naman. Okay lang kung hindi ka pa handang sabihin ha." Sabi niya.
Bigla ko namang sinabi, "Gusto niyang bigyan ko pa siya ng second chance."
At nakita kong nanlaki ang mga mata ni Julinne. "Ha? Anong sinabi mo?"
"Wala. Sinampal ko siya tapos umalis na ko sa Gym." Sabi ko.
At bigla namang tumawa ng malakas si Julianne kaya napatingin ang mga tao sa amin. Napaka iskandalosa talaga netong babaeng to.
"Talaga!? HAHAHAHAHA Ang lakas mo, girl! Di kita kinaya ha. HAHAHAHA Buti di kayo nagsparring doon XD"
"Oy kumalma ka nga dyan. Tingnan mo oh! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao." Sabi ko.
"Eh. Ano sa wala na akong masabi e. Kaya ayun! Sa sobrang inis ko nasampal ko nalang siya." Taray ko ba? *flips my hair* hahahaha
Kinuwento ko pa sa kanya lahat ng nangyari. Simula nung sa training namin. At manghang-mangha naman ang loka sa katarayan ko. Natapos na din ang recess at bumalik na kami sa room.
Isang normal na araw nga lang sabi ko. Pagkatapos ng klase ay nagpasundo na ako at umuwi na. Wala rin naman kaming training ngayon.
Nang makarating na kami sa bahay ay nadatnan ko si Ate May na nagluluto ng hapunan. Dumiretso nalang ako sa kwarto ko para makapagpahinga.
Pagpasok ko sa kwarto ay ibinaba ko muna ang bag ko sa gilid ng study table ko. Pagkatapos ay nagpalit na ako ng pambahay. Nang matapos ako sa aking pagbibihis ay umupo ako sa study table at binuksan ang laptop ko.
Binuksan ko ang facebook ko at tiningnan ko ang mga messages. May chat sa akin ang mga kaibigan ko na kababata ko na kapitbahay namin. Gulo no? Hahaha
*Squad
Alaiena Marie: Hoy! Labas naman kayo mga kupal.
Katherine: Oo nga. Lalo na yan si Jenna. Kinain na ata ng kama hahaha
Patricja Anne: Oy Je! Ano na ganao sa buhay mo? Hahaha
Sinagot ko ang kanilang mga queries hahaha
Me: Hi guys! Eto maganda pa din. Hahaha
Bigla naman agad nagreply si Pat.
Patricja Anne: Nabuhay siya! Omg hahaha
Me: Ediwow! So ano nang ganap? Hahaha
Katherine: Sa wakas!
Alaiena Marie: Oy Je! Nabalitaan ko break na daw kayo nung Sean? Akin nalang pwede? Hahahah Joke
Me: Ungas ka talaga! Hahaha
Me: Sige na matutulog na ako. Pagod ang beauty ko ngayon. Bye ~
Katherine: Wews. Sige. Labas ka naman pag may time.
Me: Ona! Hahaha
Inout ko na yung facebook at pinatay na ang laptop. Pumunta na ko sa higaan ko at nagpahinga na. Hindi na ako kumain kasi hindi naman na ako nagugutom. Tsaka nagmeryenda naman na kami ni Julianne kanina.
BINABASA MO ANG
But then YOU came.
Teen Fiction'FIRST LOVE NEVER DIES'. Sabi nila isa sa pinakamahirap na sitwasyon mo sa buhay ay ang unang beses kang magmamahal ng isang tao na siya ring mang-iiwan sa'yo. Dahil nga iniwanan ka, akala mo hindi mo na kayang magmahal muli. Ngunit sa pagdating n...