CHAPTER 2

5 0 0
                                    

✳Jenna’s POV✳

*And the blessings of all mighty God, the Father, and the Son, and the Holy Spirit…*

“Amen.”

*Go forth, the mass is ended.*

“Thanks be to God.” Clap. Clap. Clap. (And the choir sings the final song ~)

            Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nakapagsimba ka. Parang ang gaan gaan sa  pakiramdam. Parang lahat ng problema mo nawala. Pati yung mga sakit na dulot niya, nawala din.

            Ay! Ano ba tong naiisip ko na naman. Hays.

“Uy bessy! Nakooo. Lutang ka na naman. Ang dami ko nang sinasabi sa’yo, e parang wala naman akong kausap.” Nagising ang diwa ko ng sinabi ito ni Julianne.

“Ano nga ulit yon?” tanong ko.

“Ayan na nga ba sinasabi ko e. Kung ano-ano na namang isip mo. Hay naku! Gutom lang yan. Tara nga doon at makakain na. Mamaya ko nalang sasabihin sa’yo pag nahimasmasan ka na.” mukhang naiiritang sabi ni Julianne.

“S-sige.” Ang tanging nasabi ko nalang.
Pumunta kami sa isang fastfood sa MOA  para kumain ng lunch. Medyo late na rin kasi. Tama nga siguro si Julianne. Gutom lang to kaya kung ano-ano na namang pumapasok sa isipan ko.

            Nag-order na kami at kumain na rin. Habang nasa gitna ng pagkain namin ay nagsalita bigla ang loka.

“As I was saying earlier, kamusta ka naman nung nalaman mong gustong makipag-usap sa’yo ang ex mo?” tanong ni Julianne na dahilan ng pagkasamid ko sa iniinom kong coke.

Ahh. Wala naman. Medyo nagulat lang ako.” sabi ko.

“Anong ni-reply mo?” tanong niya.

“Sabi ko, sige okay lang.”

“Ano?!” napasigaw si Julianne kaya heto kami ngayon, center of attraction. Azor Zz.

“Uy! Psshhh. Ano ba? Ang OA mo talaga to the highest level. Pumayag na ko. Tutal, 7 months na rin naman ang nakakalipas. And I realized na siguro it is time to talk to him and make things right na.” sabi ko.

“Ediwow! Ikaw na. Pero baka mas lalo ka lang niyan masaktan ha. Naku! Kapag ikaw pinaiyak na naman niyan diyan sa usapan niyong yan, one call away lang ako ha.” Naiiritang sabi ni Julianne. Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain.

            Tama na siguro itong desisyon ko. Siguro nga eto na yung tamang panahon para ayuson lahat ng gusot. Eto na yung panahon na kalimutan na ang mga masasamang nakaraan pati ang mga sakit na naramdaman.

            Pagkatapos namin kumain ni Julianne ay nagtingin tingin kami ng mga libro sa NBS. Tapos bumili ako ng mga damit. Mahilig kasi talaga ako sa mga damit. Wala pa nga atang isang buwan ay may bago na akong mga damit. Pagkatapos naming magshopping ay pumunta na kami sa may seaside para makapag-relax.

            Sakto namang pagpunta namin doon ay palubog na ang araw. Ang ganda. Sobrang ganda. Patuloy kong binantayan ang uniti-unting paglubog ng araw kasabay ang pag-iiba ng kulay ng mga ulap sa itaas. Nakaka-alis ng mabigat na nararamdaman kung ito’y iyong tititigan. Parang isang napakagandang panaginip lamang na tila ay aayawan mo ang paggising.

            Sana wala nang taong nasasaktan. Sana wala nang taong nahihirapan. Sana wala nang taong iniiwanan. Sana lahat ng tao laging masaya at wala nang iniisip na problema. Sana… Ang nasabi ko nalang sa sarili ko.

            Nararamdaman kong may malamig na parang dumampi sa aking mga pisngi. Hindi ko namalayan na nakatakas na pala ang mga luha mula sa aking mga mata. Naaalala ko na naman. Yung araw na nakita ko siya. Nakita ko siyang may kasamang iba. Kumirot na naman ang aking dibdib. Parang bumalik lahat ng sakit na aking naramdaman noong araw na iyon.

           Pilit kong kinakalimutan ang lahat ngunit patuloy naman itong nabalik. Tila nga ako’y pinaglalaruan ng mundo.

“Bes, okay ka lang?” biglang tinanong ni Julianne.

            Nagulat ako sa bigla niyang pagtatanong. “Ha? A-ah.. Oo naman.” *fake smile*

“I think you’re not. Gusto mong umuwi nalang tayo?” sabi sakin ni Julianne.

            Tumango nalang ako. Niyakap niya ako at umalis na doon.

        

            Tulala lang ako sa buong byahe namin dahil sa mga naiisip ko. Hindi ko lubos maisip kung bakit nangyari sa akin ang bagay na iyon. Dahil sa nangyari kanina ay naisipan kong wag nalang ituloy ang pakikipag-usap sa kanya.

            Di katagalan ay nakauwi na rin kami. Pagpasok ko nang bahay ay dumiretso na ako agad sa kwarto ko. Doon ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko sa mga oras na iyon at patuloy na bumabagabag sa aking isipan, ang mga katanungan na matagal nang naghahanap ng sagot.

            Hanggang sa makatulog ako. Siguro hindi lang ang katawan ko ang pagod. Pati rin siguro ang aking puso ay pagod na pagod. Tama lang na magpahinga ako. Nang mabawasan naman ang sakit na nadarama ko. KAILAN KAYA MATATAPOS ITO?

But then YOU came.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon