Napansin nila adonis, noy at doy na parang may maingay sa parteng tore kaya nacurious sila kung anong meron. Dahil alam nila na si Rapunzel ay nag-iisa lang sa tore kaya lalo silang nagtaka kung ano ang kanilang naririnig
Habang sila ay papalapit sa tore, biglang kinabahan si Adonis at habang lumalakas ang boses na kanilang naririnig ay mas kinakabahan siya.
Adonis: (sa isip lang sinasabi) ano kayang mangyayari ngayon, bigla akong kinabahan eh. Sana naman wag masama ang mangyari sa akin. Si Rapunzel na aking pinakamamahal, kamusta kaya siya? Siya kaya yung maingay. Baliw na ba siya? Kinakausap niya ang kanyang sarili at mukhang masaya pa siya.
Doy: bossing, tila parang nababaliw na si Rapunzel sa kanyang tore, sobrang saya niya, pati yung saya natin at yung saya niya para bukas ay kinuha na niya
Adonis: (sinapok si Doy) tonto! Anong sinasabi mo na siya ay baliw! Kung siya ang depinisyon na baliw, ikaw na lang.
Doy: sorry na boss (sabay himas sa nasaktang ulo at batok)
Noy: hoy! Kayang dalwa, tumahimik nga muna kayo, hindi nababaliw si Rapunzel, may kausap siya at sa tingin ko ay isang lalaki ito dahil sa kayang boses at parang nabobosesan ko rin siya (napaisip) san ko nga ba narinig ang boses na iyan?
At dahil sa katanungan ni Noy, napaisip nga ang dalwa, lalo na si Adonis. Nang marealize niya kung kanino ang boses na iyon ay nagmadali silang bumalik sa tore at hindi nga siya nagkamali, sa prinsipe na si Yuan nga ang nagmamayari ng boses na iyon.
Adonis: aha! Anong ginagawa mo dito Yuan? At pano ka nakapasok dito? Sinong nagbigay sa iyo ng karapatan na pumasok dito aber?
Prinsipe Yuan: si Rapunzel ang nagbigay sa akin ng permiso na pumasok dito. At pano ako nakapasok? It for me to know ang for you to find out! Tumabi ka diyan at kami ay babalik na sa palasyo
Adonis: akala mo ba ganun lang kadali yun? Hindi ka makakaalis dito na kasama si Rapunzel, bago ko pa siya makuha, sandamakmak na magic at kineme poison ang ginamit ko para lang makuha siya at makulong dito tapos itatakas mo lang ng ganun? At nagpaalam ka pa!
Prinsipe Yuan: (naglabas ng espada) umalis ka sa dadaanan ko Adonis o tatamaan ka nitong espada ko?
Adonis: (naglabas ng magcic wand) hindi! Hindi ako aalis. Pipigilan kit at walang makakapigil sa akin!
Doy: (hawak ang kamay ni Adonis habang pinipigilan) bossing! Tama na yan! Sige tulungan ka na lang namin, mukhang mahirap kalaban ang espada niyan.
Adonis: (pabebe mode on ulet) hindi! Walang makakapigil sa akin, at ano ba ang tingin mo sa akin, mahina? Hindi ko kaylangan ang tulong ninyo, sa ngayon lang ha? This is my fight!
At hindi na sumagot si Doy sa kanyang amo, samantalang si Noy at Rapunzel ay tahimik, si Noy ay nasa sulok at nakatulala at si Rapunzel na nasa tabi ni prinsipe Yuan na nainiimagina si Adonis na kinakatay at minamasacare ( scary )
Naglaban na nga ang dalwang si prinsipe Yuan at Adonis. Taga cheer lang sila Doy at Noy para kay Adonis (siyempre amo nila yun eh, baka hindi sila pakainin pag nagkataon. Hahaha) at si Rapunzel naman ay kay prinsipe Yuan nagchecheer (with matching hart hart eyes pa ang ate mo. Hahaha). Kung ano ano nang magic words at posion ang ginamit ni Adonis laban kay prinsipe Yuan ngunti hindi ito naging hadlang upang matalo ang mahal na prinsipe. At sa huli, nawala na nang tuluyan kay Adonis ang kanyang huling halakhak, siya ay natalo na nang tuluyan.
Umalis sila primsipe Yuan at Rapunzel sa tore at bumalik sa palasyo. Sila ay nagkatuluyan at hindi naglaon ay nagpakasal rin
- the end
-----------------------------------------------------------
Feeling author's note:
Una sa lahat thank you sa mga nagbabasa nito (kung meron man) hahaha. Ang tagal na kasing nandito pero hindi matapos tapos at ngayon lang nataposSorry din kung sabaw ang ending, kasi naman high school pa ako nito, napagkatuwaan lang ang theme dahil sa isang project. Hahaha
Anyways, thank you so much ulet, sa silent readers at sa noisy readers, feeling meron. Hahaha
See you na lang sa other stories ko if ever na may pumasok sa aking utak! :)