A/N: Hi guys! :) Dito pa lang magsisimula ang storya. Yung nasa chapter 1, wag niyo muna isipin yon. ;) Mage-gets niyo din to sa susunod. Basta i-enjoy niyo lang ang mga hopia kong imagination. Hahamwaaaa.
-
Vice POV
Woooooaah! Goodmorning world! Ang aga-aga, happy dapat agad! Goodvibes lang.
Pero ano nga ba ang dahilan kung bakit ako masaya? Madami. Hindi ko nga din alam kung anong meron sa araw na ito at parang ang saya-saya ko lang!
Matawagan nga ang mga bakla!
Calling Buern........
"GOODMORNING BEKS! BREAKFAST TAYO?" Bungad ko
"Ang aga naman nito."
"Ikaw naman! Minsan nga lang ako man-libre ng breakfast eh aarte ka pa ba? Chaka bat ba ang sungit mo, Buern? Pms mo?"
"Gaga! Sige na, tatawagan ko na ang mga bakla at ng makapag-breakfast na tayo. Babush"
*toot*
Ay bastos ang peg? Binabaan ako? Pero keri lang! Goodvibes lang! Makapag-tweet nga muna.
"Eksaheradang Gooodmorning!! Smile lang. Madaming rason para ngumiti.😊"
Makapag-bihis nga muna at makapag-ayos para makakain na kami ng mga bakla.
(Breakfast)
"Hoy te? Ano ka ba? Anong nangyayari sayo? Ang saya mo ah?" tanong ni Archie
"Nako Valencia, kanina pa nga yan. Tumawag sakin yan, ang aga-aga." Iritang sagot ni Buern
Gusto ko sanang barahin si Buern, pero dahil goodvibes lang hindi ko na inasar pa.
"Wala lang. Masaya lang talaga ako no!" Naka-ngiti kong sabi.
(Showtime Opening)
"Wazzzuuuuup Madlaaaaang Pipoooool!" Masigla kong bati.
Ang saya-saya talaga!
"Sis, mukhang ang saya mo chudaaay ha?" tanong ni Anne
"Aba syempre! Madaming dahilan para sumaya! Kaya madlang pipol, goodvibes lang!!!!" sagot ko.
Napa-tingin naman ako kay K. Hindi ako maka-tanggi. Ang ganda niya. Ang sexy pa. Kurbang-kurba oh!
"Oy brad! Matunaw si K ha." Biro ni Vhong
"Ang fresh fresh mo Karylle!!! Pa-cute ka din kurba eh! May nanonood ba?" Biro ko kay Karylle.
"Vicey talaga! Sayo lang naman ako nagpapa-cute eh!" Naka-pout na sabi ni K
Nakita ko ang mga Vicerylles sa studio na nagwawala na.
"Matutuwa na naman Vicerylles niyan oh!" Biglang salita nitong si Billy
Seryoso? Ano bang nakakakilig sa amin ni Karylle? Bakla at Babae? Hindi ba, weird?
Actually, trip lang naman namin to eh. For the fans nga ika nila.
Pero minsan natatanong ko sa sarili ko, what if naging totoo to?
Bakla? Babae? Sobrang Weird.
Karylle POV
(DR)
May dalawang makulit ang nang-iistorbo sakin dito.
"Girl ano na? Sino nga kasi?" Tanong ni Anne
"Ikaw K ha! Sabihin mo na kasi! Dali!" Pangungulit ni Billy
Well, nandito yung dalawa para kulitin ako. Tinatanong nila kung sino daw ang crush ko. Nadulas kasi ako na may crush ako, at ayan kinukulit ako.
"Wala nga kasi. Joke ko lang yun no." Palusot ko
"You think, maniniwala ako? Nadulas ka na kaya! Ang daya naman eh!" naka-pout na sabi ni Anne
"K naman, magkakapatid tayo dito." Sabi naman ni Billy
"Bahala kayo basta WALA talaga"
*tok tok*
Sino kaya yan.
"So ano, sino na nga?"
Hindi ko sila pinansin. Binuksan ko ang pinto para tignan kung sino ang kumatok.
Napangiti ako.
"Si Vice...."
"SI VICE???!" Sabay na tanong ni Billy at Anne
"Anong ako?" Tanong ni Vice
BINABASA MO ANG
Fall (ViceRylle Fanfic)
Fanfiction"Naglalaro kami..... taguan ng feelings." "Unang ma-fall, talo."