Karylle POV
"Vi-vice?"
Nakita ko si Vice nakangiti sakin habang hawak niya ang buhok ko.
Nakatulog ako?
"Goodmorning, Kurba. Sana nakatulog ka ng ayos" sabi niya sabay ngiti.
Ano ba! Kanina ka pa ngiti ng ngiti eh! Ayokong ma-fall Viceral ha! Walang sasalo sakin!
"Kanina ka pa smile ng smile!" Irita kong sagot.
"Oh? Anong problema sa smile ko?" Sabi niya sabay smile uli.
Aba, nang-aasar ha?
"Wala. Teka, anong oras na? May showtime pa tayo eh!"
Sheez! May ST pa kami!
"Sabay na tayo, K"
Sabay? Wala akong damit na dala.
"Ha? Wala kasi akong damit na dala eh." Sabi ko.
"Mag padala ka na lang, please?" Sabi ni Vice with matching puppy eyes pa.
"Oo na! Sige na! Alis ka muna dito, kasi maliligo ako."
Oh diba, feel at home lang ang peg ko? Hahaha.
"Wow K, bahay mo to?" Sarcastic niyang tanong.
"Oo, bakit may angal ka?" ma-angas kong sagot.
"K, di naman ako na-inform na bahay na pala NATIN to. Di mo naman sinabing gusto mo na ko makasama sa isang bahay tapos tabi tayong matutulog tapos gagawa tayong baby" naka-ngisi niyang sabi
"Vice!!!!!" Sigaw ko at akmang sasapakin siya
"K, eto na nga po eh!! Lalabas na" takbo siya eh
HAHAHAHA. Takot ka din naman pala, Viceral.
Vice POV
Baliw talaga to si K. Hahahahaha! Na-asar sa sinabi ko. Kaso hinabol ako eh. Napatakbo tuloy ako.
"Hoy te, para kang hinahabol ng aso" sita ni Archie sakin
"Hina-ha-bol a-ko ng ku-lot" hingal kong sabi
"Nako nako! Sweet niyo ha!" Pang-aasar ni Buern
"Mag-live in na ba kayo?" Pang-aasar din ni Buern
"Sira kayong dalawa!" Sabi ko na lang at nilayasan ko yung dalawa.
****
Nag lalakad na kami ngayon ni K papuntang Studio...."Ehem, bat sabay kayo ehem?" Sabi ni Billy.
"May ubo ka ba? Inom ka gamot ha" sabi ko sabay nginitian si Billy.
Binulungan ako ni Billy...
"Jose Marie" tapos ngumisi ang loko.
"Sira!!" Sabay takbo si Billy.
"Trip na naman nila tayo, K" sabi ko kay K
"ViceRylle daw" sabi ni K.
Halalalalala ngumiti pa eh.
"Bet mo din Kurba eh!" Sabi ko sabay akbay.
"Feeling ka Viceral!!!"
"Chill K. Ayan ka na naman eh. Baka habulin mo na naman ako." Sabi ko sabay...
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" aba tawa ang loka.
"K, tawang-tawa?" Tumatawa pa rin siya.
"Ewan ko sayo, diyan ka na nga." Sabi ko sabay nauna na sa Dressing room ko.
-DR-
"Mga te, light lang i-make up niyo sakin mamaya ha." Suggest ko.
"Sus, di mo pa sinabing gusto mong mag-Vice Pogi" asar ni Buern
Wala ako sa mood, kaya kinuha ko na lang yung cellphone ko at naglaro ng Color Switch.
Karylle POV
Nandito ko ngayon sa Dr ni Anne at kinwento ang mga nangyari kagabi at kanina.
"Para kayong mag-asawa ha" asar ni Anne
"Over naman yung mag-asawa" sabi ko sabay tawa
"Anong gusto mo? Mag-jowa? Ganern"
Tumawa lang kami ni Anne.
"Kaso na-asar ata yun sakin kanina" kwento ko
"Bakit na naman?" Tanong niya.
"Basta, kwento ko mamaya"
Sabi ko at lumayas muna sa Dr ni Anning.
BINABASA MO ANG
Fall (ViceRylle Fanfic)
Fanfiction"Naglalaro kami..... taguan ng feelings." "Unang ma-fall, talo."