Vice POV
"Dito ka muna"
Narinig ko lahat ng sinabi niya na nag-aalala siya sakin? Sarap sa pakiramdam.
"Vi-vice gising ka na pala"
Ang ganda niya talaga. Hindi ko na naman maalis yung titig ko sa kanya. Yung pag-gising mo siya agad makikita mo. Para tuloy akong nasa langit. At si K ay isa sa mga pinaka-magandang anghel.
"Vice?" Ay! Natulala na ko! Ang ganda mo kasi K eh.
"Sige na K, kumain ka na muna" sabi ko na lang.
"Ikaw hindi ka ba kakain? Hindi ka ba gutom?" Tanong nito.
"Ha? Wala akong gana eh" sagot ko
"Sige na, kain ka na kahit onti lang" pagpilit niya pa.
Tumayo ako at ngiti lang ang sinagot ko kay Karylle.
Sabay kaming lumabas ng kwarto para makakain na.
"Oh meme, gising ka na pala. Tara kain!" Pagyaya nila Buern
"Sige lang mga te" sabi ko na lang.
"Karylle? Hindi ka ba hinahanap?" Tanong ni Archie
"Nag sabi na naman ako eh. Sabi ko kailangan ako ni Vice"
Tumingin sakin si K habang nakatingin din ako sa kanya. Medyo na-awkward kaya umiwas agad ako nf tingin.
Naka-ngiti lang samin si Archie at Buern.
Problema nila?"Kain na. Gabing-gabi puro ka-sweetan eh" bitter na sabi ni Buern
"Panira ka ng ViceRylle moment" sabi ni Archie
Mga gagang to!
Kumain na lang kami ni K.
Karylle POV
It's already 1 am. Bukas na ko uuwi, nag-paalam naman ako kay Mama eh.
"K, hindi ka pa ba inaantok?" Sumulpot si Vice.
Shems ang pogi naman nito, Kainis!
"K? Ano tulaley? Baka matunaw ako ha?" Nang-asar pa!
"Sira! Ikaw talaga" sabi ko na lang.
"Mukhang ang lalim kasi ng iniisip mo kanina ah"
"May problema ka ba Vice? Bakit ka nag-inom?" Pag-iiba ko ng topic.
"Ha? Wala. Trip ko lang yun. Oo nga pala, salamat ha" sagot nito.
"De seryoso, meron nga? Share ka naman. Makikinig ako" sabi ko
"Ikaw talaga Kurba. Wala lang yun. Maybe may iniisip lang ako" sabi nito
"Eh ano naman yon?" Ako ba yung iniisip mo?
Pwe, K! Feeling ka huh.
"Tingin mo K, possible pa rin kaya akong ma-inlove sa babae?" Tanong niya habang nakatingin lang sakin.
Aww, inlove ka ba sa babae? Sino yan ha? Magbabalik na ba si Jose Marie? Who's that Lucky girl.
"Oo naman? Siguro? Ewan ko eh. Ikaw lang naman makakasagot niyan eh" sabi ko na lang habang niyakap ang sarili dahil sa lamig.
Andito kami sa Terrace ng kwarto niya. Ang lamig dito.
"Bakit inlove ka ba sa babae?" Tanong ko
Tumingin lang siya sakin at....."Nilalamig ka ba? Tara na sa loob, baka magkasakit ka pa eh" sabi niya.
Concern ka ba?
"Ha? Hindi, okay lang ako dito. Mas gusto ko nga dito eh. Nare-relax ako" sagot ko.
"Bakit, stress ka ba?" tanong niya
"Medyo lang hehe" sabi ko na lang at dinama ang hangin.
"Bakit naman?" Nagtataka niyang tanong
"Ha wala. Bakit ako na yung topic? Eh ikaw diyan eh, inlove ka sa babae" pag-iiba ko ng topic
"Hindi ko pa sure eh. Ewan ko. Bakla kasi ako eh. Ang weird no?" Sabi niya
"Ano namang masama kung magka-gusto ka sa babae? Lalaki ka pa rin naman eh. Di mi mapipigilan yan. Kung gusto mo siya, paglaban mo lang. Baka malay mo gusto ka din pala niya diba? Baka nagkakahiyaan lang kayo." Hugot ako ah?
"K hugot ah? Inlove ka din no?" Tanong niya
Oo sayo. Sayo lang naman.
"Ha? Hindi no!" Pag tanggi ko
"Siguro yan yung secret niyo ni Anne no? Ang daya moooo!" Sabi ni Vice habang naka-pout.
"Sasabihin ko yung akin, basta sabihin mo yung iyo?" Sabi ko
"Ewan ko sayo kurba. Tutulog na nga lang ako"
Sabi niya at humiga sa kama niya.
Goodnight, Vice.
"Goodnight Kurba" sabi niya
"Goodnight din, Pogi."
BINABASA MO ANG
Fall (ViceRylle Fanfic)
Fanfic"Naglalaro kami..... taguan ng feelings." "Unang ma-fall, talo."