Chapter 4

135 10 0
                                    

KARYLLE POV

Kasalukuyang nandito ako sa Dr ni Anne. Si Vice kasi eh, inaasar na naman ako. Iniwan ko tuloy siya sa Dr KO.

"Oh bat andito ka?" Nakataas ang kilay ni Anne habang tinatanong ako.

"To naman! Bawal na ba akong mag punta dito?" sabi ko na parang nagpapa-awa.

"Eh may secret ka kasi eh, tampo ako sayo sis" pabebe din nito eh

"Eh wala naman akong secret Anne eh"

"Sus! Mag crush ka nga eh! Sabihin mo na kasi! Dali na!"

Here we go again. Nangungulit na naman po ang babaeng ito.

"So, don't tell me na si Vice nga?" Natatawa niyang tanong

"HINDI AH"

"Defensive much? Halata ka eh"

Halata ba talaga? Na may crush ako kay Vice? Fine. Oo na. Crush ko na si Vice. Crush lang naman eh

"Fine!" Sigaw ko

"OMG SO SI VICE NGA????!" Napalakas ata ang sigaw ni Anne dahil mukhang may nakarinig.

"Anne naman. Hinaan mo lang boses mo." Suway ko sa kanya.

"So ano nga? Siya nga?"

Ang kulit din talaga nito eh.

"Oo na nga eh. Kulit mo! Basta secret lang natin!!!" Kinakabahan ako dito kay Anne.

"Safe yang secret mo." Sabi niya at nag wink pa.

"Anong secret yan?"

Hala? Anong ginagawa nitong baklang to dito?

"Hala anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba diyan? May narinig ka ba?" Pag papanic ko.

"Easy ka lang K. Unang-una, nandito ako kasi nakita kong bukas ang pinto. Pangalawa, kakapasok ko pa lang. At pangatlo, wala akong narinig." Talagang kumpleto ang sagot ha.

"So, ako naman ang magtatanong. May dapat ba akong marinig? At ano yang secret mo ha?"

Sa dami-dami ng pwedeng i-tanong, yan pa talaga?

*kriiiing kriiiiing*

"Ay wait lang, sagutin ko lang ito."

Hays salamaaat! May tumawag kay Vice. Kung sino man yon, salamat sa kanya!

"Magpasalamat ka at may tumawag kay Vice" sabi bigla ni Anne

"Oo nga eh. Kinabahan ako dun ah!"

Vice POV

Grabe. Ang weird ni K ngayon ha? Hindi ko talaga alam kung bakit. Kanina pa siya parang nagpapanic na ewan.

Una nung pumasok ako sa DR niya na andun sila Billy at Anne. Mukhang ako pa ata ang topic?

Ngayon naman, pumasok ako sa DR ni Anne, na andon si K. Mukhang may sikreto ang dalawa na ayaw ipaalam sakin.

Ang weird talaga nila ni Anne. Lalong-lalo na si K. Hindi ko alam kung anong meron.

********

(After Showtime)

"K ano tuloy mamaya ha?" Tanong ko.

Mukhang narinig ni Anne kaya nag react ito.

"Hoy ano yan, ha?" Echusera niyang tanong

"Ha? Wala ngangabu! Wag ka ngang makinig! Chismosa ka ever!" Palusot ko

"Suuus may narinig ako eh." Nagdududa niyang sagot

"Malamang may tenga ka duh" pambabara ko

"So. Mukhang may lakad ata kayo" sabi niya

"K, diba wala?" sabi ko at bahagyang napatingin ako kay K.

"O-o Anne, wa-wala" nautal pa

"Eh bat parang nabubulol ka, K?" ang kulit talaga nitong babaeng to!

"Ha? Ano hindi nagulat lang ako" palusot ni Kurba

"Dun ka nga Anne! Mag uusap kami ni K!" Pagtataboy ko kay Anne.

"Ano namang pag-uusapan niyo, aber?" Tanong pa nito.

Ang kulit talaga!

"Wala ka na dun!" sabi ko

Maya-maya, sabay sabay na lumabas ng studio sila Vhong.

"Guuys! Guuuys! Sila Vice at K may lakad oh! Ang daya hindi tayo isasamaaaaaa!" Patay talaga sakin tong babaeng to!!!!
Ang ingay!!!!

"Sama niyo naman kami" pagmamaktol ni Vhong

"Oo nga!! Bukas na kayo mag solo! Dali na" sabi pa ni Billy

Wala na kaming nagawa ni K.

"Badtrip! Sige na nga!" Pag payag ko.

Lumapit sakin si Vhong at bumulong

"Bukas ka na dumiskarte"

Fall (ViceRylle Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon