Chapter 13

127 7 3
                                    

Karylle POV

"Kamusta kayo ni Yael?"

"Ha? Ano ka ba, mag-kaibigan lang kaya kami." Sabi ko sa kanya.

"Eh paano kung manligaw yung tao sayo?" Ang kulit.

"Edi manligaw"

"Ganun lang yun K? Babalewalain mo siya kasi umaasa ka kay Viceral, ganon?"

"Hindi naman sa ganun, Anne."

Kasalukuyan naming pinag-uusapan si Yael.

Ito naman kasing si Anne, ang daming tanong eh. Dinaig pa si tito boy.

"Mukha namang seryoso si Yael sayo girl"

"kakakilala pa lang namin. Hindi yun agad agad, Anne." sagot ko

"That's my point, hayaan mong makilala siya. Bigyan mo ng chance. Buksan mo naman puso mo." Seryoso niyang sabi sakin

"Buksan? Anne naman, never ko namang sinarado to ah?" Sabi ko

"Pero dahil diyan sa kakaasa mo kay Viceral, para mo na ding sinarado."

"Crush ko lang naman si Vice, Anne."

"Crush lang ba Karylle? Tanungin mo nga ulit ang sarili mo kung crush lang ba talaga"

Eh bat ang seryoso niya?

"Eh bakit push na push ka naman sa amin ni Yael?"tanong ko.

"K naman, para naman to sayo eh. I know Vice. A lot. Bakla na talaga siya. And sinasabi ko sayo na, hands down tayo diyan K. Wala ka talagang pag-asa. Ayoko lang na masaktan ka."

Awwww.

"Anne naman. *hug* Thank you sa concern mo, okay? Pero crush pa lang naman to Anne. Lilipas din to. Hindi pa naman ako ready sa mga commitments na yan no."

Pumiglas si Anne sa hug and nag smile sa akin at hinawakan ang likod ko.

"Una na muna ako, K ha? oh, mga sinabi ko sayo girl ha! Dito lang ako for you"

Ngumiti lang ako kay Anne at nag "okay" sign.

Lumabas na siya sa Dr ko at nag ayos na ko ng mga gamit ko para maka-uwi na!

Pagoda ako! Ayoko muna gumala ngayon. Gusto ko muna mag-stay sa condo ko at mag-pahinga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fall (ViceRylle Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon