Chapter 8

121 5 0
                                    

Vice POV

Aaaaahhhhhhh!!

Ang sakit ng katawan ko! Shiiiiiit.

"Meme, gising ka na pala." Singit ni Buern

"Ay hinde. Tulog pa ko" pag pipilosopo ko

"Ayan ka na naman, baba ka na lang. Hinihintay ka na ni Kurba mo sa baba. Kain ka na daw"

Kurba? Hindi talaga siya umuwi? Oh shoot! Sobra na ginagawa niya ha.

Ayoko umasa sa wala.

"Hoy te! Ano kakain ka ba?"

"Ha? Oo. Susunod na ko. Mag papalit lang ako ng short" sagot ko

"Boxer pa more" pang-aasar ni Buern

"Gago!"

Lumabas si Buern ng kwarto ko at nagpalit na ko ng short.

Karylle POV

"K, gising na yung isa" sabi ni Buern

"Naka boxer pa nga eh" dagdag pa niya

Woah! Naiimagine ko siya ahihihi.

Huy K! Ang naughty ano ka ba naman!

Ano na kaya suot niya ngayon? Naka-boxer pa rin kaya siya?

"Goodmorning!!!"

Ay. Akala ko pa naman naka-boxer pa rin. Naka-short short na pala.

"Ba't naka short short ka na?" Natatawang tanong ni Buern

"Naka short short naman talaga ako kagabi pa!" Sabi ni Vice.

Pero oo nga, kagabi nung bago siya matulog, naka-short short yan eh.

So bakit sinabi ni Buern na naka boxer siya kaninang umaga? Eh hindi ko naman alam na nag palit siya kagabi?

Eh basta!

"Naka box----

Hindi na natuloy ni Buern ang sasabihin niya dahil nilagyan ni Vice ng tinapay ang bibig ni Buern.

Tawang-tawa naman tong si Archie habang pinapanood ang kakulitan ng dalawa.

"Ang kulit nila no, K?" Tanong ni Archie sakin.

"Haha oo." Sagot ko na lang.

"Goodmorning Kurba" bati ni Vice

Oh sheez! Ang pogi ng boses!!!!
Hayssss. Ang hirap na pigilan nitong nararamdaman ko.....

Hindi niya pwedeng mahalata,

"Goodmorning bakla!" Bati ko rin

"Tara kain na tayo?" Yaya ni Vice

"Ha? Sige tapos na kasi ako eh. Kunin ko lang sa kwarto mo yung mga gamit ko ha? Uwi na rin ako maya-maya." Sabi ko at pumunta na sa kwarto ni Vice.

Naupo lang ako sa kama niya at nag-isip isip.

Kagabi pa ko ganito. Halos hindi nga ako nakatulog dahil sa kaiisip.

Nung isang araw, crush ko lang si Vice eh.

Bakit ngayon parang lumalala?

Alam ko naman kasing hindi pwede. Bakla siya. Oo minsan, siguro nag dadamit lalaki. Pero, minsan kasi trip niya lang yun. Minsan nga, nandidiri pa siya eh. Kaya hindi! Hindi pwede!

Crush lang kasi K! Wag mo na palalain! Hanggang dun na lang kasi! Ikaw din ang masasaktan sa huli eh.

"Hays" napa buntong hininga na lang ako

At humiga sa kama ni Vice at bahagyang napatingin sa kisame......

K, pigilan mo yan. Pigilan mo. Hindi pwede. Bakla yun. Lalaki hanap nun. Mas babae pa sayo yun...

Vice POV

Pumunta muna ako sa kwarto ko upang silipin si Karylle.

Ang weird na naman niya. Bigla na lang nagpaalam samin, pupunta daw siya sa Kwarto ko.

Pag pasok ko sa kwarto ko......

Nakita ko ang isang Ana Karylle na tulog na tulog.

Bakit feeling ko pagod na pagod ang mata niya? Umiyak ba siya? O kaya, hindi nakatulog ng maayos?

Nilapitan ko siya at hinawakan ko ang kulot niyang buhok.

Ang ganda niya talaga. Anghel na anghel. Sobrang amo ng mukha. Alam mo K, kung may lakas lang ako ng loob na sabihin sayo na.....

Nahuhulog na ko,

Ginawa ko na.

Nahuhulog na nga ba ko?

Sa tingin ko, oo.

Tama si Vhong.

Tinamaan nga ko.

Fall (ViceRylle Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon