Vice POV
"Si Vice...." Nakangiting sabi ni K
Anong meron? Anong ako? Weird.
"SI VICE???!" Sabay na tanong ni Billy at Anne
"Anong ako?" Tanong ko
"Siya yung---
Hindi natapos ni Anne ang sasabihin niya dahil tinakpan ni K ang bibig nito.
"Ang sabi ko, si Vice. Si Vice yung kumakatok." Sabi naman ni K
Ang weird nila ha?
"Anong meron mga te?" Tanong ko sakanila.
"Wala yun Vice. Pinag-titripan na naman nila ko eh" sumbong ni K
Hinawakan ko ang bewang ni K at sabay sabing "Kayo talaga! Lagi niyo na lang inaaway si Kurba"
"Ehem! May tao po dito" sabi ni Billy na parang nasasamid
"Oo nga. May tao pa dito, hindi lang kayo" singit ni Anne
"Tao ka pala?" Pang babara ko.
"Tse! Diyan na nga kayo ViceRylle! Tara Billy, iwan natin yan. Parehas silang Bully" sabi ni Anne at hinila na si Billy palabas ng DR ni K.
Weird?
"Anong problema nila?" Natatawa kong tanong.
"Malay ko ba sa mga yon! Teka, bakit ka nga pala naligaw sa DR ko?" tanong ni K.
"Namiss kasi kita Kurba!" Sabi ko at niyakap siya habang nakatalikod siya. In short, binack-hug ko siya.
"Ikaw talaga. Eh araw araw naman tayong nagkikita dito sa Showtime ah."
"Hindi, I mean. Yung tayong dalawa lang. Namiss kasi kita ka-bonding eh. May gagawin ka ba mamaya?" Pang-aaya ko.
"Ikaw ha! Kung di ka bakla, iisipin kong inaaya mo kong mag-date."
Hala ka siya! Ang weird talaga ng mga tao ngayon ha.
"K naman! Parehas tayong girl ano ka ba!"
Pero feeling ko namumula naman ako.
"Eh ba't nagba-blush ka?"
Napansin niya?
"Ha? Baliw ka talaga K! Blush on lang kaya yan." Palusot ko
"Grabeng blush on yan ha! Nasobrahan ata" natatawang sabi ni K
"So ano nga, labas tayo mamaya ano?" Pag-aaya ko uli.
"Ano ba kasi, date ba yan o hindi?" Ang weird talaga oh.
"Oo na! Date na...."
"Weh talaga?" Gulat na tanong ni K.
"Oo date. Friendly date!" sabay sabi ko.
"Hala ka! Paasa much ka bakla!" Naka-pout na sabi ni K.
"Hoy Ana Karylle, tigilan mo ko sa kaka-pout mo ha!" Suway ko sa kanya. Ang cute niya kasi pag nag-papout eh.
"Bakit? Hahalikan mo ko?" Biglaang tanong ni K.
Natahimik lang ako sa tanong niya....
"Joke lang beks! Alam ko namang di mo kaya yon! Oo na sige na, date tayo mamaya." Sabi niya at nag wink pa.
"FRIENDLY DATE" paglilinaw ko
"Oo nga. FRIENDLY DATE"
"Bat parang ayaw mo ng friendly date?" Nakangiti kong tanong
"Hala. Echusera ka ha"
"Sus. Sabi ko na K eh! Crush mo ko." Pang-aasar ko
"Ang kapal viceral" sabi niya at tumalikod sakin
"Oh bat tumalikod ka? Kinikilig ka na no? O kaya naman, hindi mo na kinaya ang kagwapuhan ko no?" Pang-aasar ko pa ulit
"IN YOUR DREAMS" sabi niya sabay walk-out.
Hahahahahaha! Nag-walk out sa sarili niyang DR. Ang cute niya talaga pag naaasar
"Cute mo talaga pag napipikon!!" Sigaw ko
"IKR" tipid niyang sagot at dumarecho siya sa DR ni Anne.
BINABASA MO ANG
Fall (ViceRylle Fanfic)
Fanfiction"Naglalaro kami..... taguan ng feelings." "Unang ma-fall, talo."