Chapter One
*Miss Malas*
“Raniaaaa! Lumabas ka na nga diyan sa kwarto mo at bumaba ka na dito, male-late ka na!”
=__=
Argh. Ang aga-aga pa nga pero umaandar na yung machine gun na bunganga ng nanay ko. Hindi lang siguro ako ang nabingi pero pati narin yung mga kapitbahay namin. Eh kung sumigaw ba naman si Mama eh parang wala ng bukas eh.
“Teka lang ma,” tiningnan ko ang orasan sa side table ko at OH NO, alas syete na! Malelate na ako!
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay dali-dali akong tumakbo pababa. May second floor yung bahay namin noh.
At dahil nga sa sobrang pagmamadali ko ay nadulas ako sa hagdan.
“Araykupu!”
Tumayo na lang ako at dumiretso na sa labas.
Tapos nagsimula na akong tumakbo papunta sa school.
Oo, tumakbo ako.
Bakit? Dahil kahit ni isang tricycle ay walang dumaan para pasakayin ako.
Ang sama talaga nila. >.<
Kaya ayun, napilitan akong tumakbo na lang papunta sa school. Meron naman sanang taxi na dumadaan pero di ko talaga kaya ang pamasahe sa taxi , mauubos yung allowance ko pag nagkataon.
Nung malapit na ako sa school ay mukhang isasara na ang gate.
Tumakbo ulit ako pero wala na talaga akong magagawa. Sarado na ang gate at mukhang hindi ako makakapasok sa school ngayon.
Siguradong papagalitan ako ni mama pag-uwi ko sa bahay mamaya.
Pero, may naisip akong isang bright idea!
Pumunta ako sa back gate ng school namin. Hinubad ko ang sapatos ko at nilagay ko sa loob ng bag ko. Baka kasi mahulog sa pag akyat ko sa gate.
Oo, aakyatin ko na lang ang gate para makapasok ako. ^_^
Step by step, dahan dahan akong umaakyat sa gate. Kailangan ko din mag-ingat dahil baka mamaya ay mahuli ako nung guard naming panot.
“Konti na lang…” sabi ko at tsaka tumalon ako.
Pero sa pagtalon ko ay bumagsak naman ako sa lupa.
“Aray.” Yan lang ang nasabi ko.
Wala na rin naman akong magagawa kaya naglakad na lang ako papunta sa classroom namin kahit masakit ang katawan ko.
Pagdating ko sa classroom ay naglelesson pa yung teacher namin. Mabuti naman at medyo maingay sila. Naglakad ako ng dahan-dahan papunta sa seat ko na nasa sulok ng classroom.
Malapit na ako sa upuan ko nang, “Miss Alojado, ang aga mo naman ata para sa susunod na klase mo, kaya nakalimutan mong late ka na sa klase ko. +__+ ”
Uh-oh. Patay.
“At dahil late ka, sasagutan mo ang lahat ng tanong sa page 70 ng libro mo at ipapasa mo sa akin bukas ng umaga kung ayaw mong lagyan ko ng palakol ang report card mo.”
Tumango na lang ako at umupo sa upuan ko.
Ang malas ko talaga.
Ako nga pala si Rania Alojado.
The unlucky girl.
BINABASA MO ANG
Unlucky Luck
Teen Fiction"Natural lang naman na malasin tayo minsan, pero bakit naman lagi akong minamalas? Hindi ba pwedeng swerte na naman ang lumapit sa akin?"