Chapter Two
*Sukob Na*
Rania’s POV:
“Kriiing! Kriiiiing!”
Yes! Uwian na!
Tumakbo na ako palabas ng school.
Marami pa akong gagawin sa bahay eh.
Habang naglalakad ako pauwi ay minalas na naman ako.
Bigla na lang kasing bumuhos ang napakalakas na ulan.
Wala naman akong masisilungan kaya tinuloy ko na lang ang paglalakad ko.
Sigurado ako, bukas sisipunin talaga ako.
At dahil ako ay nagmamadali, tumakbo ako.
At dahil tumakbo ako, nadulas ako.
Okay, ilang beses ba dapat akong madulas sa isang araw?
Pero bakit parang tumigil sa pagpatak ang ulan?
Hindi naman siya tumigil eh, ang lakas-lakas pa kaya ng buhos ng ulan. Pero bakit parang hindi na ako nababasa?
Tumingin ako sa taas at may nakita akong isang napaka-gwapong nilalang na pinapayungan ako.
Itinayo niya ako at binigay niya sa akin ang payong niya.
“Paano ka naman?” tanong ko sa kanya.
“Meron naman akong dala na extrang payong.” Sabi niya sakin, “Sayo muna yang isa kong payong.”
“Salamat ah.” Sabi ko sa kanya
Lumingon naman siya, “Wala yun. Mag-ingat ka.” Ngumiti siya at naglakad na palayo.
Pagdating ko sa bahay bumulagata ang pagmumukha ni mama.
“Ano ka ba naman anak, may payong ka tapos basang-basa ka?” tanong sa akin ni Mama.
“Ah, punta na po ako sa kwarto ko ma.” Tapos umakyat na ako.
Mabuti naman at hindi ako nadapa o nadulas habang umakyat ako papunta sa kwarto ko.
Pero come to think of it, hindi naman ako talaga minalas ngayon. ^_^
In fact mukhang naging maswerte ako kanina. Kaso slight lang.
Minsan ka na lang kaya makakatagpo ng isang lalaking gwapo na papayungan ka kapag malakas ang ulan. Oh ha, ang swerte ko noh?
Pero ang problema ko lang, hindi ko nalaman kung ano ang pangalan niya. Eh di sana na-stalk ko na siya sa Facebook ngayon. Kaso ang lakas naman ng ulan, paano ako makakapunta sa computer shop nito? O di kaya kahit cellphone number man lang para ma-text ko siya, pero wala namang load yung cellphone ko. Eh kung binigay na lang kaya niya ang address niya sa akin nang mapuntahan ko siya sa bahay nila? Bongga diba? Pero wala naman akong pamasahe.
Kahit saang banda, mamalasin parin ako.
Sige lang, malay mo bukas ay swertehin ako at magkatagpo ulit ang landas namin?
“Matulog ka na nga lang Rania.” Sabi ko sa sarili ko.
At ipinikit ko ang mga mata ko habang nakangiti. ^_^
BINABASA MO ANG
Unlucky Luck
Teen Fiction"Natural lang naman na malasin tayo minsan, pero bakit naman lagi akong minamalas? Hindi ba pwedeng swerte na naman ang lumapit sa akin?"